CHAPTER 47 BREANA’S POINT OF VIEW Ito na ba ang tamang pagkakataong umamin? "I'm sorry, Carlo," pagsisimula ko. "I'm sorry for what? For hurting me or for not telling me the truth?" tumitig siya sa akin at naghihintay ng sagot ko. Yumuko ako. Bakit ngayong nandito na ang pagkakataon napipipi ako? Bakit hindi ko sa kanya maidiretso ang lahat? "Then, in that case, I really have to go. Kausapin mo na lang ako kapag handa ka na," Mabilis siyang tumayo at umalis. Naiwan ako doon. Kinuha ko ang order ni Anne para kay Arwin na juice, sinaid ko iyon bago ako tumayo at umalis na din sa restaurant na iyon. Pinaiikot ko ang bola sa hintuturo ko habang nakahiga at may bakas ng luha sa aking pisngi. Inaamin ko, kahit gano'n kabilis nawala yung nararamdaman ko kay Carlo, hindi madaling takas