KINABUKASAN, nagising ng maaga si Oswald. Alas kwatro ng umaga ang oras pagtingin niya sa kanyang cellphone. Madilim pa ay nagbihis siya ng ternong purple na sweatpants, hooded sweatshirt at rubbershoes. Kumuha ng isang tuwalya sa banyo para in case na gustuhin niyang mag-dip sa dagat at tuwalya mula sa ref ng hotel room. Ang keycard ng hotel ay inilagay sa bulsa ng suot na sweatshirt. Strikto ang workout regimen niya. Simula pa noong highschool siya ay hindi pa siya pumalya ng jogging at workout sa umaga. This time, gusto niyang sa dalampasigan naman mag-work out. Matapos magsepilyo at uminom ng isang basong tubig at bitbit ang tuwalya at bote ng mineral water ay lumabas na siya at tinungo na niya ang elevator. Nang paakyat ang elevator ay lumagpas ito sa floor niya. Sa 8th floor ito dumiretso. Hindi agad ito bumaba ng 7th floor para sunduin siya gaya ng inaasahan. Dahil nainip si Oz at naisipang magwarm up gamit ang service stairs ay doon sya tumungo. Sa dulo ng floor na iyon ay may hagdanan na ginagamit kapag may emergency. Nag-stretching muna si Oz bago sinimulang maglakad pababa ng hagdanan.
May mga butil na siya ng pawis sa noo at leeg pagdating niya sa ground floor. May nakasalubong siyang staff ng hotel at binati siya ng magandang umaga. Mukhang hindi naman nabigla ang staff na sa hagdanan siya nanggaling. Isinuot ni Oz ang hood niya at saka nagsimulang tumakbo paglabas ng hotel. Mayroong mga lounge chair sa may walls sa gilid ng hagdanan na malapit sa outdoor swimming pool. Ipinatong niya sa isang upuan na may nakabukas na payong ang tuwalya at ang isang maliit na bote ng tubig. Dumiretso siya sa dalampasigan kung saan talaga ang puntirya niyang mag-jogging. Masarap sa pakiramdam ang malamig na simoy ng hangin at ang amoy ng tubig alat na dagat habang binabagtas niya ang kahabaan ng dalampasigan. Madilim pa rin ang paligid at may isang oras pa marahil bago sumibol ang liwanag. Ang tanging tanglaw lang ni Oz ay ang liwanag ng buwan. Sa may kalayuan ay kita ang ilaw ng hotel at sa laot naman ay may ilang maliliit na ilaw at tunog ng motorboat ng bangkang nagbabakasakaling may mahuling isda. Dahil private ang resort at island na iyon, walang ibang tao sa paligid bukod sa kanya.
Gusto niya ang pakiramdam ng buhangin sa bawat paghakbang niya. He could feel soft movements from the moving sand but still, the sand supported his weight. He loves the idea of teamwork at para sa kanya, isang magandang example ang mga buhangin. Mahina kapag mag-isa ngunit malakas kapag magkakasama. Ilang kilometro na rin ang natakbo ni Oz nang unti-unting sumibol ang araw. Nagpasya siyang umikot na at bumalik ng hotel habang may kadiliman pa. Malayo na ang narating niya at wala na siyang nakikitang ibang tao sa paligid ng isla. Nakikisama ang panahon at ang laot sa pakiramdam niya. He felt at peace and calm as he jogged back to the hotel. Nangangalahati na siya ng daan pabalik nang biglang umambon. Kahit tumakbo pa si Oz ay alam niyang aabutan pa rin siya ng ulan kung sakaling bumuhos ito. He decided to just stay on his current pace and enjoy the cool air. Bahagya ding lumakas ang hangin kaya’t ang patak ng tubig na noong una ay sa hood lang niya at damit tumatama ay naramdaman na rin niya sa kanyang mukha. Alam niya base sa weather report na walang bagyo. Summer time din naman noon. Bumuhos ng malakas ang ulan ng isang bugso at pagkatapos ay humina at tuluyan nang tumila. Parang pianglaruan lang siya ng ulap.
He was soaking wet and he could feel the heaviness of his clothes. Huminto si Oz at humarap sa dagat. Ipinikit ang mga mata at dinama ang malamig na hangin habang pinapanood na sumilay ang gatuldok na araw sa dagat. The horizon still looked dark with peaking orange hughes. Nagsisi si Oz na wala siyang dalang tubig na inumin dahli pakiramdam niya ay bigla siyang nauhaw dahil sa ulan. Nang humangin ay bigla siyang gininaw kaya’t hinubad niya ang suot na sweater mula sa katawan. Iniwan niya lang ang hood na isinuot niya sa ulo habang itinali ang manggas sa kanyang leeg papunta sa dibdib. His very toned and tanned eight pack abs and muscled back and arms were on display. Kahit sinong taong makakita ng katawan niya ay siguradong mapapalingon. He ocntinued jogging and when he was near the hotel, huminto muna siya, inalis ang sweater na nasa ulo at naupo sa dalampasigan. Dahil basa naman na ang damit at suot niyang pares ng sapatos ay nilubos na niya ito. He removed his shoes and socks. Ipinatong ang sapatos sa ibabaw ng sweater na nasa buhanginan. He looked around the beach. Wala pa kahit sinong tao sa paligid. Sinag pa lang ng araw ang nasisilayan. By nature ay adventurous si Oz ngunit mas lumalabas ito kapag kasama ang mga kaibigan niya. Napangiti siya nang maisip na kung kasama niya ang barkada niya ay baka nag-aya pa ang mga ito na maligo sila nang naka-damit at sapatos.
He wanted to try something else kaya’t inililis niya pataas ang suot na jogging pants at dahan-dahang lumusong sa tubig. He closed his eyes as he stepped towards the water. He wanted to feel the cold water with the fine sand on his feet. Pino ang mga puting buhangin sa kanyang paanan at hindi gaanong malamig ang tubig. Tama lang para maibsan ang naiinitan at napagod niyang katawan. Dahil nakasuot ng jogging pants ay mas bumigat ang paggalaw niya nang nakalusong na siya hanggang beywang. Tumalikod siya mula sa laot at humarap sa dalampasigan. Wala pa ring tao sa paligid kahit na may kauntingi sinag na ng araw. Napansin ni Oz na nasa tapat siya ng dulong swimming pool ng hotel at siguradong kitang-kita siya kung sakaling mayroon mang mga naliligo roon. He dismissed the thought when he remembered that the pool outside the hotel is closed from 2 am to 7 am. Bored siya noong gabi sa kwarto habang nagpapaantok kaya’t binasa niya ang buong hotel brochure maging ang mga schedules na dapat alamin doon.
Sumisid siya sa tubig. Dahil magaling lumangoy ay nakalayo pa siya palaot. Kahit na umambon at umulan sandali ay hindi maalon ang dagat. Pag-ahon niya ay hanggang leeg niya ang tubig. Pakiramdam niya ay mabigat ang legs niya kaya’t inalis niya ang suot na jogging pants. Humarap siya sa pinanggagalingan ng sinag ng araw. He sighed contentedly as he watched the sunrise. One fourth pa lang ng araw ang nakalitaw kaya’t naglalaro ang matitingkad na kulay pula, orange at dilaw sa buong kalangitan. Nag-float si Oz at nagpatianod pabalik ng pampang. He felt more relaxed as he slowly waded on his back on the water. Natawa siya nang mapagtanto na nakafitted briefs lang siya at maaring maeskandalo ang makakakita ng bukol niya kung sakaling may magkamaling tumingin nito. It’s based on Science that when in cold water, the thing inside his briefs should look small but in his case, mukha pa rin itong may kalakihan. He’s well endowed in many ways.
Medyo maliwanag na nang maisipan niyang umahon na. He covered his face with the pants that he’s wearing. Nasanay na siyang kapag may ginagawang kakaiba ay tinatakpan niya ang mukha. Kahit hindi naman siya artista, in a way he’s still a celebrity. Ang grupo nila ay maraming followers sa social media. Pagdating sa pampang ay humarap muli siya sa laot at saka itinaas ang dalawang braso. He stretched his body. Nagflex siya ng arm and leg muscles habang nag-stretching as part of his work out cool down. When he was done, he walked towards the lounge chair kung saan niya iniwan ang tuwalya at tubig niya. Payuko na sana siya para pulutin ang tuwalya sa upuan nang mapansin na may tao sa may itaas niya kung nasaan ang hotel swimming pool. Isang babaeng nakapulang damit ang dali-daling tumalikod at tumakbo palayo. Napakunot ang noo ni Oz ngunit dahil gusto na niyang umakyat ng silid ay hindi na lang niya ito pinansin. He took a swig of his water. Matapos uminom at magpunas ng katawan, itinapis niya ang tuwalya sa beywang. Dahil wala siyang dalang lagayan ng basang damit, iniwan muna niya iyon sa upuan at planong balikan na lang kasama ng sapatos pagkatapos niyang magbanlaw at magbihis.
Pumasok na siya ng hotel at dumiretso sa elevator. Wala pang tao sa loob maliban sa mga staff. He was thankful that the elevator immedietaly got down from the 8th floor. Napansin niyang doon galing dahil nakailaw iyon bago siya pumindot.
Pagsakay niya ng elevator ay may nakita siyang isang kumikinang na hikaw sa sahig. Pinulot niya ito at sinipat. Napakunot ang noo niya nang makitang pulang diamante ang bato. Mukha itong mamahalin. He made a mental note to bring the earring to the Receptionist in case na may maghanap nito.
Pagpasok ng silid ay agad siyang naligo. May oras pa siya para mag-breakfast bago tuluyang lisanin ang hotel para bumalik ng Maynila.
Nagbihis si Oz ng dark blue longsleevs na polo shirt na inirolyo niya hanggang siko at puting slacks na may kaunting lukot lang dahil sa pagkakaempake. Asul na loafers naman ang sa paa. He looked dashing and handsome. Naalala niya ang damit niya at sapatos na naiwan sa may ibaba ng swimming pool. Lumaas siya dala ang isang plastic na lagayan ng laundry at hikaw na balak niyang isoli sa reception. Pagbukas ng elevator ay may tao na sa loob nito. Iyon ang babaeng nagpadowngrade ng kwarto niya. Namumula ang mata nito na parang bagong iyak. Tumalikod ito nang mapansing nakatingin siya sa babae.
Pagdating sa lobby ay patakbong lumabas ang babae. Si Oz naman ay dumiretso sa Reception.
“Hi. I think someone might be looking for this.”
“Ito po pa-fill up na lang po itong form for security purposes po.” Tumango si Oz. Alam niya ang proseso sa mga ganoon. Kailangan nilang malaman kung saan at anong oras natagpuan maging ang description ng bagay na natagpuan. Ito ang gagamitig reference ng hotel para malaman kung totoo ngang ang mag-claim ay ang may ari ng natagpuang gamit.
Nang matapos na siyang mag-fill up ng form ay ibinigay na niya ang form at ang hikaw sa staff ng hotel. Nagtungo si Oz sa labas ng hotel kung saan niya iniwan ang basang damit at sapatos. Nakita niya ito kaagad ngunit napansin niyang naiba ito ng ayos. Nasa buhanginan na ang pants at ang isang sapatos. He sighed and picked up his things at saka inilagay sa dala-dalang plastic.
Napatingin siya sa itaas, sa may swimming pool at napaisip kung may tao ba doon bago siya dumating. Umakyat pa siya upang makasiguro. Nang makitang walang tao ay bumalik na sa loob ng hotel. He was on his way to the elevator when the staff in the reception area called him. Lumapit naman kaagad si Oz.
“Sir, may nagpapabigay po nitong note.” Nang iabot ang maliit na sticky note ng hotel kay Oz ay napangiti siya sa nakasulat.
Thank you treasure hunter for finding my missing gem. I hope you’ll find your own treasure soon.
Napaisip tuloy si Oz kung maganda ang babaeng nakawala ng hikaw. Kung pagbabasehan ang malinis at mayuming stroke ng sulat nito ay mukha siyang isang diyosa. Nagsisi siya na hindi niya iniliagay ang tunay niyang pangalan at hindi rin nag-iwan ng numero. Napakamot siya sa ulo at napailing nang maalaal niya kung anong kakornihan ang isinulat niya sa lost and found form.
Take care of your gem. Still finding my own treasure. – Treasure hunter
Dahil wala naman na siyang magagawa dahil tapos na at wala ring way para malaman niya kung sino ang babaeng iyon ay agad na lamang siyang bumalik ng kanyang silid. Kailangan pa niyang ayusin ang gamit niya at magbreakfast bago siya magpahatid sa airport.