BREAKFAST was done in no time. Nakapagcheckout na siya ng hotel kahit na may tatlong oras pa bago ang flight niya. Dahil wala masyadong guest na babalik na ng Maynila ay nagpa-special trip na lang si Oz ng pagpapahatid. Nagrequest siyang dumaan sa bilihan ng mga pasalubong bago sila magtungo ng airport. Marami siyang bibilihing pasalubong para sa kanilang bahay at sa mga kaibigan.
Pagdating ni Oz sa isang wholesale store ng mga delicacies kasama ang dried pusit ay kakaunti lang ang laman nito.
“Good morning, hijo. Medyo kakaunti ang paninda. Stocks lang namin ang nakadisplay. Nasiraan kasi ang magdedeliver kaya’t hindi pa nakapaglagay ng bagong stock. Kahapon maraming namakyaw ng paninda namin.” Nakangiti ang matandang lalaki sa likod ng booth counter. Mag-isa lang ito doon ngunit maya-maya ay may lalaking lumabas mula sa kwarto sa likuran ng matanda. Ito marahil ang alalay niya doon.
“Sige po, salamat sa paalala. Kukunin ko na po lahat ng pusit at kasuy. Ilang kilo po ba lahat? Magkano po?” Kung tutuusin ay sapat na ang mga iyon at baka sobra pa nga.
“Sige sandali at aayusin muna namin. Naku, magoover baggage ka nito kung isasakay mo ng eroplano.” Nakangiting bati ng may-ari ng tindahan.
“Okay lang po, Manong. Ano po ang mga nakalagay doon?” Tanong ni Oz sa matanda at itinuro ang naka-display sa dulo ng tindahan.
“Mga pabenta ‘yan dito na minatamis. Baka gusto mo ring kumuha. Export quality rin ang mga iyan.” Ngumiti si Oz sa matanda at saka pinuntahan ang lugar sa tindahan kung saan marami pang naka-hilerang display. Habang nagtitingin siya roon ng mga yema, barquillos, panutsa at lengua de gato ay bumukas ang pintuan.
“Magandang umaga po.” Natigilan si Oz nang maulinigan ang boses. Parang pamilyar ito.
“Magandang umaga naman.”
“Manong, pakyawin ko na po ang pusit at kasuy ninyo.” Napakunot ang noo ni Oz nang marinig ang sinabing iyon ng bagong dating. Naglakad siya pabalik sa counter at nakita ang babaeng nakatalikod sa kanya. Napalunok si Oz nang mapatitig sa may likuran ng babae. Nakahulma ang suot nitong puting skinny jeans sa puwetan at sa mahaba nitong legs. Naka-wedge na sandals rin ito. Sa pang-itaas naman ay nakatank-top din na itim na sleeveless kaya’t angat na angat ang maliit na beywang at maputing kutis. Nakatalikod pa lang ang babae ay may nararamdaman nang kakaiba si Oz.
“Naku, may nakabili na po nito. Wala pa kasi ang bagong stocks namin. Parating pa lang baka mamaya pang hapon mai-deliver.”
“Hala, Manong. Ang dami-dami niyan. Baka pwedeng hatiin na lang po?” Nang marinig ni Oz ang malambing na boses ng babae sa matanda ay nag-init ang ulo niya. Nakadagdag pa sa inis niya nang sumandal sa booth ang babae at napatitig sa kanya ang dalawang lalaking nasa kabilang side ng estante ng tindahan. Sa lahat ng ayaw ni Oz ay ang mga babaeng ginagamitan ng katawan at ganda ang mga bagay na gusto nilang makuha.
“Hindi pwede. Nauna ‘kong bumili,” sabat agad ni Oz habang lumalapit sa babae at sa matandang nakapwesto sa likod ng counter. Pagharap ng babae ay natigilan siya ng paglakad. Napahinto siya hindi lang dahil sa maganda at mala-anghel nitong mukha o ang nakahulma nitong mga dibdib sa suot na sleeveless tank top, kung hindi dahil ang babaeng iyon ay ang nakabangga niya sa Hotel.
“You’re hoarding all the stocks here. It’s okay if we share. Marami naman ‘yan.” Sinubukan niya ngitian si Oz ngunit hindi na umubra sa kanya lalo pa nang napansin niyang tinititigan din siya ng matanda at ng kasama nito sa tindahan.
“Not for me. Marami akong papagbigyan niyan,” sagot ni Oz. Tumingin sya sa matandang tindero at saka doon naman bumaling, “Manong, magkano po lahat?” Inilabas niya ang wallet niya at aktong kukuha na ng cash mula doon.
“Manong, may pambayad din naman ako. Taasan ko pa ang presyo—” Halata sa boses ng babae na naiirta na ito kay Oz. She crossed her arms on her chest and he couldn’t help but stare on the cleavage.
“Miss, it’s not about who has money to pay for the goods. This is business and I’m a legitimate consumer. Hindi naman ‘to pre-order o reserved items. I suggest, humanap ka na lang ng ibang tindahan na mabibilhan.” Tumalikod siya sa babae at iniabot ang bayad sa matanda.
“Fine. Daming sinabi! Napaka-ungentleman. Sige po, Manong. Salamat sa abala kahit na mas may nakakaabala pa.” Nakita ni Oz mula sa salamin na tanaw niya na napairap ang dalaga. Tatahimik na lang sana siya at palalagpasin ang sinabing ungentleman siya ngunit nainis siya nang titigan pa siya nito mula ulo hanggang paa at saka umirap na muli.
“Hindi sukatan ng pagiging gentleman ang pagpapauto at pagpaparaya sa mga petty na bagay na kagaya nito.” Napanganga ang babae at namula ang mukha at tainga hanggang leeg. He was amused by how fast the redness travelled from her cheeks. Mukhang hindi napagsasalitaan ng hindi maganda ang babaeng iyon kaya siguro parang gulat at galit siyang binara siya ni Oswald.
“Excuse me, are you calling me petty? As far as I know, I’m pretty but not petty!” Tinaasan si Oz ng kilay at nameywang pa ang dalaga. Sasangayon naman siya na pretty nga ang babae. Kung papapiliin siya sa petty at pretty ay isasagot niya na sexy and gorgeous. Napabuntonghininga si Oz dahil sa takbo ng isip niya. Ipinaalala niya sa sariling nakikipagpalitan siya ng maanghang na salita sa babae at hindi niya ito pinopormahan.
“Manong, salamat po. Aalis na po ako. Sayang po kasi ang oras.” Sinadya niyang hindi sagutin ang babae na mas lalo pang nagalit. Nang hindi tiningnan ni Oz ang dalagang iyon pagdaan niya bitbit ang tatlong malalaking kahon na pinamili niya ay narinig niya ang malakas na pagpadyak ng babae at pagkatapos ay mabilis itong nag-walk out. Naunang maglakad palabas ng pintuan si Oz ngunit nang pagdaan ng babae ay hinawi siya nito. Kung hindi siguro mabilis ang reflexes niya ay baka naitulak pa siya at natumba ngunit dahil maganda ang balanse ni Oz at matikas ang katawan ay parang natabig lang siya at napausog lang ng bahagya.
Imbis na mainis ay napangiti si Oswald. Binilisan niya ang lakad upang maabutan pa ang babae ngunit paglabas niya ay may paalis ng sasakyan na katulad din ng sasakyan niya. Isa sa mga service ng hotel na pinanggalingan niya.
Ang biyahe niya pauwi ng Maynila ay wala nang ibang kaganapan. Kapag nakakakita siya ng babaeng naka-itim ay bigla niyang naalala ang masungit na magandang dalagang nakaengkwentro niya sa Palawan. Napailing siya at napangiti. Kung nabigla ang babaeng iyon na sinagot-sagot siya at sinungitan ni Oz, ganoon din naman ang pakiramdam niya nang artehan siya at awayin nito. Hindi naman din siya sanay na sinusungitan at naiisahan ng mga babae. Kilala siyang karinyoso at malambing. Sa sobrang pagiging malambing niya ay lagi pa ngang namimisinterpret ang kilos niya.
Napaisip si Oz kung sakaling magkita silang muli ng babaeng iyon, mag-aaway pa kaya sila? He felt thrilled about the possibility of seeing her again ngunit alam niyang malabo ito dahil hindi naman niya alam kung taga Maynila rin ba ito kagaya niya. Kung sakaling taga Maynila man ay malaki rin masyado ang lugar para magtagpo pa silang muli.