Chapter 1
“Dude, pumunta ‘ko ng Palawan, may pinapaasikaso sa’kin. Hindi na ko nakatawag kanina kasi nagmamadali ako dahil tinanghali ako ng gising.” Dahil sa tangkad na 6’2” ay nahirapan si Oswald kumilos palabas ng shuttle ng hotel. Sa likuran at may dulong parte siya nakaupo kaya’t nakayuko siya habang kipkip sa balikat at tainga ang cellphone habang bitbit sa dalawang kamay ang dalang bag. Paghakbang niya palabas ng shuttle ay nang may nakabangga siya. Muntikang mahulog ang phone nang matamaan ang balikat niya.
“Watch where you’re going,” iritableng sabi ng babaeng dumiretso sa paglakad na parang hindi naman talaga ito apektado sa banggaang naganap.
“Sorry,” sagot naman niya kahit hindi siya nilingon man lang ng babae. Naiwan ang mabangong samyo nito sa hangin. Kung hindi siguro mainit ang ulo niya dahil sa hindi niya natuloy na bakasyon dahil sa biglaang utos ng aman niya ay baka hinabol niya ito at nagpakilala.
“As I was saying, ha? Hindi na rin kayo natuloy? Sige, sa GC na lang. Mag-check in muna ko. Ang init dito sa isla! Sige, Dude, ingat!” Pagkababa ni Oz ng tawag ay isinukbit ang backpack na itim at tumuloy na sa Reception ng Valle Hotel de Palawan. May ipinadadalang importantent dokumento roon ang kanyang ama tungkol sa isang resort na gusto rin nilang i-develop sa lugar na iyon. Business partner ng pamilya nila ang may ari ng Valle Realties at dahil sa hotel na iyon ang main office nila sa Palawan ay doon niya dinala ang mga papeles. Kahit na digital age na ay hindi ipinagkakatiwala sa iba ang mga importanteng deals nila. Parehong old fashioned ang dalawang kumpanya.
“VIP suite for Oswald Navarro,” alam na ni Oz ang silid niyang naka-book dahil sinabi ito ng sekretarya ng kanyang ama noong nagbigay ito ng last minute instructions.
"Sir, we could only give you a junior suite. Someone else took the available VIP suite just now. We will give you a free tour to compensate you for the inconvenience if—” Hindi na naituloy ng lalaking nakauniporme ang sasabihin dahil nag-init na ang ulo ni Oz.
“What? Sino ang nagpa-downgrade ng kwarto ko?” Hindi naman talaga dapat ito big deal kay Oz ngunit sadyang mainit lang talaga ang panahon at naiirita rin siya kapag biglaan siyang inuutusan sa mga business trip na walang paunang sabi.
“We cannot disclose that information, Sir.” Kahit ganoon ang sinabi ng lalaki ay napansin ni Oz na tumingin ito sa may likuran niya na parang balisa.
“Here’s your key card, Sir. Do you need assistance to go to your room?” tanong ng lalaki na wala naman sa kanya ang atensiyon.
“Hindi na. Thank you,” Nakakunot ang noo niyang kinuha ang key card na inilapag ng receptionist sa L-booth counter na gawa sa kahoy. Napansin niya muling nakatingin sa likod niya ang lalaki na parang gumalaw pa ang kilay. Hindi siya nagpahalata nang marahang umikot upang hanapin ang tinitingnan ng receptionist. Kunwari ay pupunta na siya ng elevator para umakyat sa silid niya. When he turned around, he saw someone familiar. Nagsalubong ang kilay niya nang ma-realize na iyon ang babaeng nakabangga niya noong pababa siya ng shuttle base sa suot nitong dilaw na sundress at puting sneakers. Tinitigan niyang mabuti ang mukha ng babae. Nagpalit kaya ito ng damit? He remembered wanting to meet someone while he was waiting at the domestic airport. Nang lalapitan na niya ang magandang babaeng iyon upang bigyan ng calling card niya o hingan ng numero, tumalikod ito at nagpunta ng restroom. Hindi na niya ito nakita muli dahil tinawag na ang flight niya. Ang babaeng iyon ay parang ang nakaupo sa single couch sa lounge ng hotel na umiinom ng mango shake. Hindi nakatiis si Oz. Bumalik siya ng reception. Nagulat ang lalaking receptionist na may malalaking butil ng pawis sa noo kahit na malamig ang buga ng aircon sa tapat nito.
“I just want you to nod your head to answer my question then you can just turn around and give me some of thoes pamphlets behind you. It doesn’t matter to me what the reason is, I just want to know who took my room. Was it that woman wearing a yellow dress that you kept on looking at while you were talking to me? You have to tell me if not, I’ll talk to your manager.” He asked in his most intimidating and baritone voice. Mukhang umepekto naman sa receptionist dahil tumango ito at saka tumalikod. Nanginginig ang kamay na kinuha ang pamphlet ng mga tours ng isla sa likuran at saka humarap sa kanya.
“Here you go, Sir. Have a nice day po.” Tumango si Oz bilang sagot at bumalik na muli sa tapat ng elevator. Tatlo ang elevator ngunit under repair ang isa.
Habang nag-aabang ng bakanteng lift ay inilinga niya ang paningin sa paligid. Elegante ang hotel na kahoy ang tema. Puti at brown lang ang makikita sa buong ground floor ng sampung palapag na hotel ng resort na iyon sa isang isla ng Palawan. Dahil purong glass ang facade ng building na kaharap ng dalampasigan, tumatagos ang liwanag at ang repleksiyon ng magkahalong asul at luntiang dagat, puti at asul na ulap. May charter plane pa simula sa local airport papunta roon na kasama rin sa bayad kung sa resort na iyon magpapa-book. Para itong private getaway ng mga mayayaman.
“Are you going up?” Pagharap niya sa nakabukas na elevator ay nagulat siya nang naroon na ang babaeng naka-dilaw. She was pressing the hold button and was tapping one foot as if she’s bored. She leaned forward slightly and the movement caught his attention, ang cleavage pala nito ang nakapukaw ng atensiyon ni Oz. He realized then that he was too engrossed in appreciating the interior of the hotel that he didn’t notice when she got beside him and went inside the lift.
“Yes,” sagot niya nang humakbang na siya papasok. Maliit lang ang elevator at kasya ang lima hanggang pitong tao. He moved to the far end of the lift. Pag-atras niya ay umatras din ang sakay ng elevator. She pressed 8th and 7th floor and the close door button. Alam ni Oz na sa 8th floor ang VIP suite at sa 7th floor naman ang silid niya. Lalo niyang nakumpirma ang hinala na ang babaeng iyon ang dahilan ng pagka-downgrade ng kwarto niya. He was looking forward to lounging on the biggest room in the hotel. Sumagi din sa isip niyang maghanap ng babaeng pwedeng makasama ng isang gabi lang, no strings attached.
He looked at the woman in front of him na nakayuko sa cellphone nito at may wireless earphone sa tainga. Her hair was tied back into a messy bun na mukhang elegante kahit magulo tingnan. Ang suot nitong yellow sundress na hanggang tuhod at puting sneakers na parang may stain na dilaw ay mas nakapag-angat ng kaputian ng babae. Her skin looked creamy and smooth na parang masarap haplusin. He closed his eyes and threw the idea under the bus. Hind pa siya nababaliw para pumatol sa isang babaeng gagamitin ang ganda at cleavage upang makuha ang gusto. Pagdilat niya muli ng mata ay napatingin na naman siya roon. Dahil nakayuko ang babae at made of mirror ang buong interior ng elevator, napagmasdan niya ang magandang mukha nito. Oval shape ang mukha, matangos ang ilong at mataas ang cheekbones. Matangkad din ito at mahaba ang binti. Her body proportion is perfect. Mga ganoong katawan ang tipo ni Oz, makipot ang beywang, maganda ang hubog ng balakang at may ipagmamalaki ang hinaharap. Maputi ang balat niyang mala-kulay gatas. Sigurado si Oz na madaling mamula ito kung maarawan o kung magagalit. Naisip niyang subukan ngunit nang nag-angat na ito ng ulo at nagtama ang paningin niya, bigla siyang kinabahan at nag-iwas ng tingin.
“It’s rude to stare, you know.”
“I wasn’t even staring. Don’t get ahead of yourself.”
“K fine, sabi mo.” Umirap ito na nakataas pa ang kilay.
“Nagtatagalog ka naman pala,” he said clearly amused in seeing her eyes roll because of him.
“E ano naman sa’yo?” Pairap pa nitong sabi. Tama nga si Oz, her cheeks and ears turned red in anger. Kung bakit ito nagagalit sa kanya ay hindi niya alam at wala na siyang tsansang alamin pa dahil bumukas na ang pinto sa seventh floor.
“Wala lang. See you around, sungit.” Kumindat si Oz at saka lumabas ng elevator. Naiwang nakakunot ang noo ng babaeng mabango. Hindi naiwasan ni Oz na maamoy ang pabango nito nang palabas na siya. Weakness pa naman niya ang ganoong amoy, fresh na matamis.