Chapter 3

1226 Words
    “Aah! Can’t I have a moment of silence?!” Nang tingnan ang cellphone kung sino ang tumatawag ay bumangon ito at sumandal sa headboard ng kama.   “Papa, good morning po.” Magalang niyang sinagot ang ama niyang tumatawag lang kapag may kailangan.   “Oswald, I heard from someone that the President’s only daughter is in that hotel where you are staying right now. Try to look out for her. Kung pwede mong kaibiganin ay gawin mo. We need connections dahil malapit na naman ang board meeting. I have to maintain my position.   Tinakpan ni Oswald ang receiver ng phone bago siya bumuntonghininga. His father was talking about his position as CEO. Kahit malaki ang share ng mga Valle sa N.O. Realties na pag-aari ng pamilya ni Oswald ay iniwan ang posisyon at pamamalakad sa tatay niya. Imbis na takeover or merger ang nangyari ay parang simpleng investment lang. Ayon sa ina ni Oz ay dating magkaibigan ang President ng Valle Realties at kanyang ama kaya marahil tinulungan lang ito. They are treating each other as partners in other investments as well, kasama ang project na rason ng pagpunta niya roon sa Palawan.   “Sige po, Papa. Kaso ang alam ko ay mailap ang anak na iyon. Hindi nga naipapakita sa mga society pages kung sino siya,” sagot niya sa ama. Dahil high profile ang pamilya, itinago sa publiko ang tunay na pagkatao at itsura ng nag-iisang tagapagmana ng Valle Realties kahit noong bata pa siya. Ang balita ni Oz noon ay sa ibang bansa raw ito nag-aral at nanirahan. Iyon ang press release ng pamilya sa mga nagtatangkang magtanong at maghanap sa Bilyonarya.   “I know. All I know is that her name is Venice Valle. You can use your resourcefulness to help out your father, can’t you?”   “Sige po, Papa. I’ll do my best. Give my love to mom.” bulong niya.   “Salamat, Son. I’ll give your mom your love. Ingat ka diyan.”   Napaisip si Oz kung paano niya mahahanap ang ibinilin ng ama. Bumaling siya sa kaliwa at nakaisip ng ideya nang makita ang key card ng hotel. Dinampot niya ito at lumabas ng kwarto. May oras pa naman siyang kumain at maglibot sa resort bago ang appointment niya. Dumaan siya sa Reception booth at nakita ang taong pakay.   Napangisi si Oz nang makitang napaatras ang receptionist na nakausap niya at nagpalinga-linga na parang naghahanap ng saklolo.   "Hi, Ferdie, right?” Nabasa niya ang nameplate ng lalaki. Trainee pala ito doon kaya mukhang madali pa itong malinlang ng mga babaeng maganda at may cleavage.   “Yes, sir. How can I help you?”   “I’ll go straight to the point. I’ll forget what happened earlier if you’ll tell me which room Ms. Venice Valle is staying.” Walang hingahan niyang tanong. Silang dalawa lang ang tao sa reception booth kaya’t hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.   “Po? Sino po?” Nakakunot ang noo ni Ferdie at napakamot pa ito ng nakapomadang ulo.   “Someone told me that a woman named Venice Valle is staying at this hotel.” Inilapat pa ni Oz ang dalawang palad sa booth para mas maintimidate si Ferdie. Mukha namang gumana ito dahil napaatras ang pobreng lalaki.   “Bawal po kaming magbigay ng impormasyon sa mga—”   “I’ll tell your manager what you did if you will no cooperate, go and look. Wala namang makakaalam nito.” Luminga linga si Oz at sinipat ang mga CCTV camera. Hindi naman siguro naririnig ang pinaguusapan nila.   “Pero—” Matapos ang ilang segundong pag-iisip ay nagtipa ito ng letra sa keyboard na nasa ilalim ng booth. Napakunot ang noo nito bago sumagot.   “Wala pong lumabas na ganoong pangalan sa mga guests. Sigurado po ba kayo na iyon ang name?” Napailing si Oz dahil parehas silang hindi sigurado. Mukhang hindi rin ipapaalam ang tunay na pangalan ng anak ng may-ari sa sarili nilang hotel.   “May iba bang katunog ng name na iyon?” Naningkit ang mga mata ni Ferdie at napayuko pa upang mas tingnan ang listahan na siya lang ang nakakakita.   “Wala po, Sir. Parating na po ang karelyebo ko. Night shift po kasi ako.” Kinakabahang sabi ni Ferdie na halatang pinapaalis na siya.   “Sige na nga. You’re free from me. Thanks for trying to help. Ingat ka pag-uwi.” Nakahinga ng maluwag ang lalaki nang marinig ang salitang free. Kabado marahil ito dahil trainee pa lang siya at isang pagkakamali lang ay maari siyang matanggal sa trabaho.   “Here is my card. Kapag hindi ka naregular dito, call me. I’ll try to squeeze you in one of our offices.” Inilapag ko ang card ko sa booth. Laging ready ang mga cards ko na nakalusot sa lahat ng bulsa ng dala kong damit. Kahit wala akong wallet ay lagi akong may card. Bukod sa ginagamit ko ito pang-pickup ng mga babae, kailangan ko rin ito dahil Real Estate ang negosyo namin.   “Salamat po, Sir.”   “Saan pala ang restaurant dito?” tanong niya.   “Sa 9th floor po ang mga restaurants at function halls. Sa 10th floor po may swimming pool, gym and additional bar.”   “Okay, thanks! Ay, oo nga pala. Would you know the name of the— Ah, nevermind. Thanks!” Itatanong sana ni Oz ang pangalan ng babaeng nakadilaw na kumuha ng suite niya ngunit nagbago ang isip. He wanted to get that woman out of his system and finding out her name would make things worse for him. Tumalikod na si Oz at lumakad papuntang elevator. Nang bumukas ito ay napanganga siya sa nakitang papalabas. He tried to close his mouth before she could notice but it was too late.   Hindi man siya pinansin ng babae na mabilis na lumabas ng elevator papunta ng beachfront ay nakita niyang namula ang pisngi at tainga nito nang magkatinginan sila at mahuli siyang napanganga. Sinong hindi mapapanganga kung makakita ng isang diyosang naka-two-piece bikini? Nagkataong inaayos nito ang manipis na puting blazer na may print na asul na mga bulaklak nang bumukas ang elevator. He saw what was hidden inside the swimsuit blazer. Red two-piece bikinis that made her creamy white skin seemed more delectable. Kung nadistract na si Oz sa cleavage nito noong naka-sundress lang ay mas nakakawala ng focus ang bumulaga sa kanya. Parang gusto rin kasing kumawala ng mga dibdib ng babae palabas ng hapit na two-piece swimsuit.    Napalingon pa si Oz at napagmasdan pa ang pagindayog ng balakang nito palabas ng hotel. Bigla siyang nagsisi na hindi siya pupunta ng dagat at may mga kailangan siyang gawin.   “Aish, Oz, mag-focus ka. Trabaho, trabaho, hindi babae!” bulong niya sa sarili habang papasok na ng elevator. Hanggang sa makarating siya ng 9th floor ay hindi maalis sa isip niya ang babaeng iyon. Habang gusto niya itong kalimutan na ay mas lalo pang bumabalik ang imahe ng katawan at mukha nito sa isipan niya.   “Matutulog na lang talaga ko pagkatapos ng trabaho,” bulong niya sa sarili.   Dahil sa pag-iwas na makita muli ang babaeng gumugulo ng isip niya, he followed his plan. Pagtapos niyang mag-breakfast at magawa ang ipinunta sa Palawan, nagkulong siya sa kwarto at natulog. Hindi na rin siya lumabas noong kinagabihan. He asked for room service and just stayed in his room.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD