Chapter 2

1162 Words
  PAGPASOK ni Oz ng silid ay dumiretso siya sa banyo. He wanted to shower and get the thought of that woman out of his mind. Naghubad na siya papasok pa lang ng banyo and he saw her effect on his body. Sa ilalim ng shower ay malamig na tubig ang ipinaligo ni Oz.   “You better get your act together, Oswald. Do your thing and then leave without a trace,” kastigo niya sa sarili.   Alam niyang hindi siya pwedeng ma-involve sa kahit na sino sa ngayon kaya’t puro one-night stands lang ang pinapatulan niya. Sa tipo ng babaeng nakasalamuha niya sa elevator, hindi ito pang-one night stand lang. Hindi rin ito ang klase ng babaeng mauuto ni Oz dahil unang pagkikita pa lang nila ay parang kumulo na ang dugo nito sa kanya. Napangisi siya dahil the feeling is mutual. Hindi rin naman nagustuhan ni Oz ang ginawa nitong pag-agaw ng VIP suite.   Nang magbibihis na siya ay natawa si Oz nang makitang ang dala niyang polo shirt ay kakulay ng suot ng babaeng iyon. Umiiling siyang nagbihis ng cream na slacks at ng puting sneakers. Wala naman siyang planong magpunta ng dagat dahil napakainit ng panahon. His schedule for the day is to have breakfast, bring the documents to the hotel’s office and then spend the whole day sleeping.   Matapos niyang iligpit ang mga damit niyang pinaghubaran at inilagay sa kanyang bag ay nahiga siya sa puting kama. Kagaya ng reception hall ay kahoy, glass at puti rin ang tema ng silid. Maaliwalas ito tingnan. Tanaw din mula sa floor to ceiling na bintana ang beach front. Doon niya napansin na may ilang hagdanan pa bago makarating sa dagat. May swimming pool area rin bago makarating sa beach side. Kumuha siya ng complementary comb mula sa toiletries ng hotel. Matapos magsuklay ng may kahabaan niya ng buhok ay naisipan niyang tanungin ang mga kaibigan kung anong pasalubong ang ipapadala nila. He took his phone na ipinatong niya sa side table ng kama at muling nahiga. Sa group chat ng MOVERS niya ipinadala ang mensahe. Ang MOVERS ay hango sa umpisa ng mga pangalan ng isang grupo ng mga mananayaw na sikat sa social media at Youtube. Malik, Oswald, Vance, Ezra, Reece at Stone Dash. Naiimbitahan din sila sa mga events at pagtitipon. Kahit na lahat silang anim ay nakatapos na ng kolehiyo at may mga sariling negosyo ng pamilya na kailangang asikasuhin ay naisisngit pa rin nila ang pagsasayaw. Sa katunayan ay mayroon pa silang Manager na nagbobook ng mga sayaw nila at gig. Alam ni Oz na hindi nila magiging propesyon ang pagsasayaw kahit na kumikita pa sila dahil doon. Naging libangan at passion lang nilang anim na magkakaibigan. Siya ang choreographer at performance leader habang si Stone Dash naman ang overall leader ng grupo.   Oz: Dude, may ipapabili ba kayo rito? Ezra: Babae, uwian mo ko mga dalawa Oz: Sira ulo. Hindi ka pa magkasya sa mga ka-fling mo Reece: Dried pusit na lang kung meron Oz: Ganyan ang mga bilin, hindi mga bagay na meron naman sa Maynila Ezra: May pusit din dito! Oz: Malik, Dash kayo, Dude? Ezra: Busy yata sila sa mga babae nila Oz: Inggit ka ba? Ezra: Hindi siyempre, collect and collect then select ang motto ko Oz: Tatawanan talaga kita kapag nakahanap ka ng katapat mo Ezra: Malabo yan, Dude. Stone Dash: Ang daming ibabackread! Honey at Dried pusit, Oz at saka pala cashew nuts para kay Mama Oz: Sure, Dude. Noted lalo na ang kay Tita Mercy. Ezra: Honey? Bakit kulang pa ba ang tamis mo? Stone Dash: Sira ulo ka talaga. Nasaan si Malik? Oz: Noong weekend pa hindi na macontact. Stone Dash: O siya, paalam muna. Ingats mga bro. Oz: Ingat din. Ezra: Kayong dalawa ang mag-ingat, puro kayo babaero!   Noon niya naalalang bukod kay Malik ay hindi rin sumagot si Vance sa pag-uusap at kulitang iyon. Ito pa naman ang pinakamahilig sa pusit sa kanilang anim. He made a mental note to buy more pasalubong kahit na magbayad pa siya ng extra sa bagahe niya.   Ibababa na sana niya ang phone nang mag-ring ito. Ang sekretarya at assistant niya sa opisina ang tumatawag. Kahit hindi pa siya full time na nagtatrabaho sa opisina ng kanyang ama ay may mga Business functions na pinapupuntahan sa kanya at dahil doon binigyan na siya ng assistant na tatayo ring sekretarya. Pangalawang beses pa lang silang nagkausap nito at sa telepono pa.   “Oswald Navarro, speaking.” Sinadya niyang maging pormal dahil gusto niyang magbigay ng seryosong impresyon sa mga makakasama niya sa trabaho sa opisina. Hindi naman lingid sa lahat na isang Executive position agad ang ilalaan sa kanya roon dahil sa nag-iisa lang naman siyang anak. Sa kanilang magkakaibigan ay si Ezra lang ang alam niyang may kapatid. Lahat sila ay mga nag-iisang anak ng kanilang angkan kaya’t wala silang choice kung hindi aralin ang mga negosyo ng kanilang pamilya.   “Sir Oswald, your father asked me to ask you if you’re already to the hotel.” Napailing siya sa narinig. Masakit sa tainga ang English ng kausap.   “Yes. You can tell me father who asked you to ask me that I’m already at the hotel. I’ll have breakfast first then go to the office. My appointment there is at 11 in the morning so I still have enough time.”   “This is noted, Sir. Your flight would be tomorrow afternoon. Do you need a driver to fetch you to the airport?” Napailing muli si Oz. Gusto niya sabihin sa sekretarya na mag-Tagalog na lang.   “I’m aware of my flight details. My father’s secretary already sent me the details earlier. No, I won’t need a driver to fetch me from the airport.” Sa bawat sagot ni Oz ay itinatama niya ang maling grammar na narinig mula sa sekretarya. May diin sa salitang from na dapat ay ginamit niya kapalit ng to.   “If you aren’t needing anything right now, have a safe trip. Please do reach out to me if you are problems.”   “Thank you, Ms. Sernan. I will reach out to you in case I’ll be needing any help.” Napamasahe ng sentido si Oz nang ibaba niya ang tawag. Sa isip niya ay itinatama niya ang sinabi ng babaeng kausap. If you won’t be needing anything right now, have a safe trip. Please do reach out to me in case you have problems. Pakiramdam ni Oz ay gusto niyang uminom ng gamot sa sakit ng ulo dahil sa sekretarya niya. Kung hindi lang niya nabasa ang malungkot na kwento sa buhay ni Fanny Sernan ay hindi niya ito tatanggapin bilang sekretarya.   Pumikit si Oz na nakapatong ang kamay na may hawak ng cellphone sa kanyang noo. Nang tumunog ito at mag-vibrate muli ay napasigaw siya sa inis.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD