MAYROONG dumating na isa pang golf cart at pumarada sa tapat ng Lodge. Nakatayo silang lima sa tapat ng pintuan nang may lumapit na babae. Napakunot ang noo ni Oz nang makita ang babaeng naka suot ng off shoulder longsleeved blouse na itim, itim rin na leggings at boots. Nakabucket hat din itong itim na natatakpan ang kalahati ng mukha. Nang tumingala ito para kausapin ang dalawang babae ay parang binuhsan si Oz ng malamig na tubig. “Nanay said we can eat breakfast right now. Inaayos lang ang lamesa. We don’t need to wait another hour if you’re hungry na. Dash, ano kakain na ba--” Dire-diretsong salita ng babae ngunti nang makitang nakatingin sa kanya si Oz ay sabay silang napasigaw na dalawa. “Bakit ka nandito!?” Parehong mataas ang tono ng boses nila kaya’t nagtaka ang mga ka