MASARAP na tanghalian ang bumungad sa kanila nang marating ang picnic site. Nagtulong sina Dara at Fiona na mag-ayos ng pagkain mula sa picnic baskets na nauna nilang ipinahatid sa lugar. Dahil bago lang sa burol na iyon sina Oz at Dash ay nag-enjoy silang tingnan ang masarap sa mata na berdeng tanawin ng sakop na lupain nila Blaze. “Ang ganda dito. Parang ang saya magtayo ng bahay tapos ang tahimik lang. Malayo sa sibilisasyon,” komento ni Dash sa kaibigan. Napatingin naman si Dara at napangiti. Si Dash ay dumipa pa at pumikit na parang ninanamnam ang preskong hangin. Si Oz naman ay bumuntonghininga at naupo na sa espasyo sa picnic blanket sa lugar na malapit sa pwesto ni Fiona. “Maganda nga pero hindi ko kayang tumira sa deserted place. Maiinip ako. Pwede na ganito kapag