HABANG tumatagal sila sa Rancho ay namamangha siya sa mga natutuklasan niya tungkol doon. Bukod sa lodge na mukhang isang magkahalong modern at old cabin ang tema ay may centralized water heating system sila. Kapag pagod ay gusto niyang mainit na tubig ang ipinapaligo at natuwa siya na ganoon ang naranasan sa lodge na iyon. Matapos magbihis ng pantalong akma pang-horseback riding, isang fitted black pants at cotton na puting longsleeves na v-neck ay nahiga si Oz sa puting kutson ng kama. He sighed in contentment nang marealize na senso foam ang kutson. Mas nakakarelax para sa likod at katawan ang paghulma ng kutson paghiga niya. Nakadagdag pa sa pagkakomportable ng silid ang malakas na airconditioning unit. Presko ang hangin sa labas ngunit dahil halos magtatanghali na ay minabuti