IPINAAYOS ni Blaze ang isang malaking beige tent para sa kanilang anim. Kumpleto ito with mosquito net at may aircoolers pa sa loob. Imbis na sleeping bags ay dalawang malaking airbeds ang nakalagay sa loob. May mosquito net ang pintuan para hindi pasukin ng mga insekto. Kumpleto rin sa dim lights ang loob ng tent. Dahil halos maghahatinggabi na rin ay napagkasunduan nilang magpahinga na upang magising ng maaga. Hindi na rin sila bumalik sa Lodge matapos nilang makaligo sa swimming pool at mag-dinner. Mukhang sanay magtayo ng tent ang mga tauhan nila Blaze dahil mga isa’t kalahating oras lang ay nakahanda na ito. Lalong namangha si Oz sa lugar na iyon. Mas marami siyang naiisip na ideya para sa sunod na mga projects niya. “Bakit ka nakatulala?” Tanong ni Fiona sa kanya nang map