Nang makumpleto na silang anim kasama ang manager ay ikinuwento na ni Oswald ang problema. “Seryoso?! Pinapunta n’yo kami rito ng,” “alas-dos ng madaling araw para pag-usapan ‘to?” Nagbuga pa ito ng hangin bago naupo sa isa sa single couch ng Living room ng manager. “Ikaw, Vance! Kayo ni Malik matuto nga kayong magbasa sa GC! Hanap kami ng hanap sa inyo noong isang linggo pa. Pupunta nga tayo dapat ng Rancho, hindi lang natuloy.” Pagsesermon ni Oswald sa dalawang kasama na missing in action. “Hindi naman pala natuloy bakit nagagalit ka pa?” Naiiling na sagot naman ni Vance na lumakad patungong bar upang kumuha ng baso at alak nilang mga bagong dating. Halos magkakasunod na nagsidatingan ang mga kotse nina Vance, Malik, Ezra at Reece. Nagmukhang parking lot ang tapat at lab