Dahil sa elemental orbs mula sa slimes ay nagawa naming magkaroon ng tubig na maiinom. Kahit papaano ay nagawa naming maibsan ang pagod na nararamdaman. Ang problema na naman na kinakaharap namin ay kung saan kami maghahanap ng pagkain. Walang kahit na anong palatandaang may mapagkukunan kami rito. “Tara na, Sonja,” aya ko sa kanya para magpatuloy sa paglalakad. “Kailangan nating makahanap ng tagong lugar kung saan pwede tayong magpahinga o kahit magpalipas ng araw,” dagdag ko bago inialok ang kamay ko sa kanya. “Paano ang pagkain natin?” tanong niya habang tinatanggap ang kamay ko. “Baka may mahanap tayo habang naghahanap tayo ng mapagpapahingahan,” sagot ko. Tumango lang siya bilang tugon, at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Habang palayo-kami nang palayo sa parang ng mga ligaw na b