Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming naglalakad ni Sonja ngunit napapansin ko nang unti-unti nang kumukonti ang mga kahoy sa paligid. Nawawala na rin ang liwanag sa paligid dahil wala na ring mga umiilaw na kabute. “Sonja, dumikit ka sa akin. Hindi natin alam kung anong klaseng nilalang na naman ang lilitaw mula sa kung saan,” saad ko bago inilahad ang kamay ko sa kaniya. Napangiwi pa ako nang maramdaman ang saglit na paghapdi ng bumukas kong sugat. Inabot niya ang kamay ko bago siya tumabi sa akin. “Sonja, ayos ka lang ba?” tanong ko sa kaniya dahil kanina ko pa napapansin na tahimik lang siya. Kung umimik man siya ay saglit lang. “Ah, oo,” sagot niya. Nang lingunin ko siya ay malayo ang tingin niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung may gumugulo sa isip niya. Hindi kasi a