bc

To Become a God

book_age16+
455
FOLLOW
1.6K
READ
adventure
reincarnation/transmigration
student
humorous
straight
loser
male lead
magical world
harem
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Leo Morales has been living his life miserably. His parents died when he’s way too young to even remember their faces. He was raised by his abusive aunt and had him work at such a young age to earn a living. Growing up, he has been bullied for having such a tragic life. With this, he thought he was born and would die living a miserable life.

However, on a normal day where he found himself running away from his bullies, he saw a ring of light popping out of nowhere, not expecting that will mark the major turn of his life. As he passes through the light, he feels a force pulling him at such high speed. As he opens his eyes, he finds himself in a completely different world along with others called Fuegan and soon find out that he and the others are god candidates or people that has been chosen by the gods to participate in the Divine Quest to acquire the Divine Core, the treasure that will give them divinity and help them ascend to the land of gods and goddesses.

But among all god candidates, only one must become a god.

Betrayal, hatred, vengeance, adventure, and of course, harem awaits Leo as he sets his feet on the dungeon grounds and start his quest “To Become a God”

chap-preview
Free preview
The Summon
TAGAKTAK ang pawis ko at halos kapusin na ako ng hininga. Gusto ko nang magpahinga dahil nangangalay na rin ang mga binti ko kakatakbo, pero hindi maaari. Hindi ako pwedeng tumigil dahil maaabutan nila ako. At kapag nangyari ‘yon, baka hindi lang bugbog ang abutin ko sa kanila. “Bilisan ninyo ang takbo! Habulin n’yo ang putanginang Morales na ‘yon!” Dinig na dinig ko ang nanggagalaiting sigaw ni Jude, ang lider ng grupong hindi nagsasawang apihin ako at gulpihin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pilit kong binibilisan ang bawat paghakbang ng mga paa ko. Ramdam ko ang kaba at takot dahil ito ang unang beses na pumalag ako sa kanila. Ito ang unang beses na sinagot ko sila. Hindi ko na kasi natiis ang mga sinasabi nila lalo na sa namayapa kong mga magulang. Kung ako lang sana ang iniinsulto nila ay ayos lang. Wala akong problema roon dahil kaya ko namang tanggapin ‘yon. Kaya kong palagpasin ‘yon at magkunwaring hindi ko narinig. Pero ang insultuhin ang mga magulang ko, iyon ang bagay na hinding-hindi ko mapapalagpas. Iyon ang bagay na ipaglalaban ko kahit na anong mangyari. Nagtago ako sa lumang gusali at sumandal sa pader. Inayos ko ang aking suot na salamin upang mas malinaw kong makita ang paligid. Makalat sa loob, mabaho, at maalikabok. Madilim na rin dahil tuluyan nang lumubog ang araw. Siguro naman ay hindi nila iisiping narito ako. “Huwag lang talagang magpapahuli ang hayup na ‘yon. Sisiguruhin kong hindi lang bugbog ang aabutin niya sa akin!” Dinig na dinig ko ang boses ni June. Nasa kabilang bahagi lang siya ng pader. Sa tapat ko mismo. Mas bumilis ang kabog ng dibdib ko. Parang sasabog na ito. Mas lalo akong namawis. Hindi ko na rin napigilan ang panginginig ng mga binti ko dahil sa takot. Sa takot ko na baka makita nila ako ay pati paghinga ko ay pinigilan ko na. Itinapat ko sa kaliwang bahagi ng aking dibdi ang kanang kamay ko at mariin itong pinisil para pigilan ang pagkabog nito. “Hanapin n’yo!” singhal ni Jude sa mga kasama niya. Pinakinggan ko ang mga yabag nilang unti-unting lumalayo sa kinaroroonan ko. Pero bago pa man sila tuluyang makalayo ay biglaang nagkaroon ng liwanag sa loob ng gusaling kinaroroonan ko. Kitang-kita ko sa maruming sahig ang pabilog na liwanag na may kakaibang mga marka sa gilid. “Ano ‘yon?” dinig kong tanong ng isa sa kanila at sunod-sunod na boses na ang palapit sa kinaroroonan ko. At bago pa man ako makahakbang para sana tumakas ay nakita na nila ako. “Si Morales!” sigaw ng isa sa kanila sabay turo sa akin. Agad akong napatingin sa dako nila at doon ay nakita ko si Jude na nanggagalaiting nakatingin sa akin. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya at ang talim ng titig na ipinupukol niya sa akin. “Tangina mo, Morales, huwag mong isiping matatakasan mo ang ginawa mo sa aking hayup ka!” sigaw ni Jude. Ramdam ko sa bawat salitang binitiwan niya ang galit sa akin. Nakaramdam ako ng higit pa sa panganib. Ramdam kong hindi lang simpleng bugbog ang mangyayari sa akin kaya napahakbang ako palayo sa kanila. “Hawakan n’yo, bilis!” utos nito sa mga kasama niya. Agad naman silang sumunod at patakbong pumunta sa akin. Mabilis din akong tumakbo palayo sa kanila. At nang dumaan ako sa liwanag ay nakaramdam ako ng malakas na pwersang tila hinihila ako papunta sa gitna ng liwanag. Ilang sandali pa ay nagliwanag ito nang pagkatingkad-tingkad kaya hindi ko napigilan ang ipikit ang mga mata ko. Nang humupa ang liwanag ay bumungad sa akin ang kulay puting paligid. Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawang igalaw ang kamay at paa ko. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid at wala akong ibang nakikita kundi puti. Hindi ko rin alam kung lumulutang ba ako o may inaapakang sahig. Wala na rin sina Jude. Tanging ako na lang ang narito at hindi ko alam kung totoo ba ito o panaginip. Wala na akong ibang maalala matapos kong pumikit dahil sa liwanag sa loob ng gusali. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na naman ang pwersang tila hinihila ako pababa. Kasunod no’n ay ang malakas na paghatak sa katawan ko paibaba. Napasigaw ako sa gulat. Ramdam ko ang pagbaliktad ng sikmura ko. Hindi ko rin makita kung saan ako babagsak dahil hindi ko maimulat ang mga mata ko sapagkat napakalakas ng hangin. Ang sakit sa mata. Biglaang natigil ang malakas na paghila. Kasunod niyon ay ang pagbagsak ko sa damuhan. Nang imulat ko ang mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa gitna ng parang ng mga damuhan. Amoy na amoy ko ang kalikasan sa bawat pag-ihip ng hangin. Nang iangat ko ang mga mata ko ay nanlaki ang mata ko dahil sa pagkamangha nang makita ko ang kambal na buwan. Isang pula at isang bughaw. Sa paligid ng mga buwan ay ang dagat ng mga kumikislap na bituin. Napaawang ang bibig ko dahil sa labis na pagkamangha. Ito ang unang beses na naramdaman kong napakalapit ko sa kalangitan, na para bang abot-kamay ko na ang buwan at mga bituin. Pinagpag ko ang suot kong uniporme bago tumayo. Muli kong iginala ang mata ko sa buong paligid. At mukhang ako lang ang naririto. Wala ring kahit na anong bakas na may ibang tao. Kahit mga kabahayan ay wala. Napagdesisyunan kong maglakad-lakad baka sakaling may makasalubong akong puwedeng mapagtanungan. Pero napagod na lang ako ay wala pa rin akong nakita. Isa pa, tila walang hangganan ang parang ng damuhang kinaroroonan ko. Wala akong nakikitang kahit na anong puno o halaman maliban sa d**o. Wala akong nagawa kundi ang magpahinga at humiga sa damuhan at pagmasdan ang kalangitan. Nang makapagpahinga ay doon ko naramdaman ang pagod na unti-unting gumagapang sa buong sistema ko. Ramdam ko rin ang paghila ng antok sa aking kamalayan. At nang nasa gitna na ako ng pagtulog at pagiging gising ay bigla akong napabangon nang marinig ko ang malakas na alulong ng isang hayop. Sinundan ko ang pinagmumulan ng alulong at ilang metro mula sa kinatatayuan ko ay may malaking kulay itim na lobo na may nagniningas na pulang mga mata. Sa pagitan namin ay may umiilaw na espada at iba pang mga sandata. Ano ba talagang nangyayari? Nasaan ako?!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

Abducted By My Twin Alien Mates

read
38.7K
bc

The General's Grandson(TAGALOG/SPGR18+)

read
167.0K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.2K
bc

DARCY'S DADDY (BXB)

read
22.2K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
55.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook