Amara, the Dungeon Guide

2170 Words

Ramdam ko ang init na unti-unting bumabalot sa aking katawan at humihila pabalik sa aking kamalayan. Bawat hagod niyo sa aking katawan ay ramdam ko ang unti-unting paglisan ng sakit na nararamdaman ko. Ang sarap sa pakiramdam ng init na tila isang yakap ng minamahal. Ramdam ko ang dahan-dahang panunumbalik ng aking lakas. At ilang sandali lang ay nagawa kong imulat ang aking mga mata. Agad na bumungad sa akin ang batuhang kisame ng unang palabag. Nanuot sa aking ilong ang amoy ng mamasa-masang halaman sa paligid. Habang nakatitig ako sa kisame ay hindi ko napigilan ang muling pagbuhos ng luha ko nang maalala ang sinapit ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Parang pinipiga ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ko ‘yon sinapit. Hindi ko maintindihan. Bakit, bakit ako? Bakit kailan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD