To Begin Again

2428 Words

“Basta mayroong liwanag, ligtas ka laban sa mga whitegrounder,” pahayag ni Amara habang binabagtas namin ang madilim na kweba pabalik sa Limezone para mangolekta ng sapat na elemental orbs mula sa slimes. “Pero dahil wala tayong flamerose sa inventory mo, mapipilitan tayong gamitin ang fire orbs at bilisan ang bawat pagkilos dahil limang segundo lamang ang itinatagal ng epekto ng bawat orb,” dagdag niya pa. Nilingon ko siya at sinimangutan. “Oo, alam ko na ang bagay na ‘yan. Huwag mo nang ulit-ulitin pa, pakiusap lang.” “Ang sungit naman nito,” puna niya bago dumikit sa akin at humawak sa braso ko. “Pahawak, ha,” aniya bago pinisil-pisil ang braso ko. “Wow, muscles,” komento niya at humagikhik pa. Kaagad kong binawi ang kamay ko mula sa kanya at mahina siyang itinulak palayo. “Huwag kan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD