Pinagmasdan ko ang naghihingalong katawan ni Leo. Kitang-kita ko ang marahang pag-agos ng dugo mula sa sugat na dulot ng pagtarak ko ng espada ko sa katawan niya. Wala akong nararamdamang kahit na anong guilt o kahit na awa sa kanya. Inilibot ko ang tingin ko at nakita ang goblins na nag-aabang lamang na umatake. Marahil ay naamoy nila ang dugo na nagmumula kay Leo kaya muli silang lumapit. Pero dahil sa apoy na dulot ng paggamit ko ng elemental orb ay hindi nila magawang lumapit at pagpiyestahan ang katawan ni Leo. “Huwag kayong mag-alala, makakakain din kayo maya-maya,” nakangising sambit ko bago naglaho ang hawak kong espada. Inilabas ko ang plauta at hinipan ito ng dalawang beses. Ilang sandali lang ay may narinig akong matinis na tunog ‘di kalayuan sa akin. Lumingon ako at nakit