CHAPTER 6

2239 Words
***XALENE's POV*** I had never been very nervous throughout my entire life, only now. Ngayon lang na makakausap ko si Miss Felicity. Kaninang umaga ay tinawagan niya kasi ako na pupuntahan niya ako. At ayon sa kanya, tungkol daw sa inutos ni Doc Zrion at Leren sa kanya na tutulungan nila ako sa issue ko na sampung milyon ang pag-uusapan namin. Dagli akong nag-aalala dahil baka imbes na good news ay bad newas pala ang sasabihin niya. Baka biglang sabihin niya na wala nang magagawa pa upang malinis ang pangalan ko at magtago na lang ako sa baul habambuhay. “Hello po, Miss Felicity,” kaagad kong bati pagkabukas ko ng pinto pagdating niya sa apartment ko. Sa kabila ng mahabang byahe niya, napakaganda pa rin ni Miss Felicity. Lihim na napa-sana all na naman ako. Talagang nakakainggit ang glass skin niyang mukha. Ang flawless. Hindi katulad ng mukha ko na baku-bako na nga gawa ng mga pimples kong mga buhay na buhay ay namumula pa nang sobra. “Hi, kumusta ka?” At nang ngumiti siya ay gumaan naman ang aking pakiramdam. “Ayos lang naman po kahit na ang lungkot.” Tipid akong ngumiti. “Pasok po kayo.” “Thank you.” Iginiya ko siya sa sala. “Nasabi na ba sa iyo ni Corinne ang tungkol sa balak nina Zrion at Leren na tutulungan ka nila sa problema mo?” at umpisa agad niya sa sadya niya. Kiming tumango ako. “Opo, at hiyang-hiya po ako sa inyo ni Doc Zrion. Nagkaroon pa tuloy kayo ng aasikasuhin.” “Huwag mong isipin iyon dahil gusto ka lang tulungan ni Leren tulad nang madami mo raw naitulong sa kanya noon. Nakausap ko rin siya at nalulungkot siya na wala siya sa tabi mo ngayong kailangan mo rin sana ng makakaramay.” “Gagang ‘yon,” kako na parang wala lang pero deep inside ay may kung anong humaplos sa puso ko. Masaya ako na malamang hindi ako nakakalimutan ng bruhang iyon kahit na ang yaman na niya. “Syempre nauunawaan ko naman po sila ni Doc Zrion.” Bumuntong-hininga si Miss Felicity. “Sa totoo lang ay naiinggit ako sa friendship niyong tatlo. Sana may mga kaibigan din akong tulad niyo. Ang mga kaibigan ko kasi puros mga lalaki. Tatlong lalaki at pare-parehas pa silang sakit sa ulo ko.” “Talaga po? Mga lalaki ang mga kaibigan mo? At si Doc Zrion ang isa.” Bagsak ang mga balikat niya pero nakangiti naman na tumango. “Dalaga pa lang ako pero para na akong may anak na mga lalaking pasaway dahil sa mga issues nila sa buhay.” Natawa na ako. Nakatulong iyon para gumaan saglit ang dibdib ko. Pagkalipas ng ilang sandali ay muling binuksan ni Miss Felicity ang tungkol sa issue ko. Natuwa naman ako nang sinabi niyang wala nang magiging problema dahil naibigay na ng abogado ni Zrion ang sampung milyon sa abogado ni Karylle. Lahat ng reklamo sa kanya ay iuurong na rin daw ng organisasyon ni Karylle bilang kapalit. At nangako raw si Karylle Kho na hindi na mapag-uusapan sa social media ang tungkol sa issue upang hindi na lumaki pa. “Salamat po, Miss Felicity. Pakisabi po kay Doc Zrion at Leren kapag nakausap niyo sila na babayaran ko po ang sampung milyon oras na makabalik ako sa pagba-vlog. Pag-iipunan ko po iyon,” naiiyak kong sabi nang matapos siya. Inabot ni Miss Felicity ang kamay ko at bahagyang pinisil. “Huwag mo munang isipin iyon dahil hindi naman iyon utang kundi tulong.” “Hindi po. Seryoso po talaga ko. Babayaran ko iyon. Kung kinakailangang maghanap din ako ng dyowang mafia ay gagawin ko po. Puwede na ring AFAM o kaya apat na M. Mashundang milyonaryong malapit nang matigok,” giit ko. Hindi ako nagpapatawa, ito na nga yata ang pinakaseryosong parte ng buhay ko, pero natawa pa rin sa akin si Miss Felicity. Malamang dahil sa apat na M. “Ikaw talaga.” Napangiti na ulit ako. “Ikukuha ko lang po kayo ng mamimeryenda. Wait lang po.” Tatanggi sana siya pero hindi ako pumayag. Ang laki ng naitulong niya sa akin kaya kahit man lang simpleng miryenda ang mai-offer ko sa kanya. Madali akong kumilos. Iniwan ko siya saglit at tinungo ko ang kusina. At dahil alam kong hindi kumakain ng sweets si Miss Felicity ay fruit platter ang ginawa ko. Sinamahan ko na rin ng fresh avocado shake. Dala ang tray ay ngiting-ngiti ako na binalikan ko ang bisita ko sa sala. Magaan na ang pakiramdam ko. Siguro naman ngayong naibalik na ang sampung milyon ay titigil na rin ang mga bashers ko sa paghihila sa akin sa ibaba. Sana tumigil na sila sa panlalait sa akin. “Miryenda po muna tayo, Miss Felicity,” agaw ko sa pansin niya dahil busy na siya sa cellphone niya. “Thank you.” Sumimsim agad siya sa shake. “This is delicious. I like it.” “Natutunan ko po iyang shake na iyan dahil sa amo ko noon na matanda.” Tumango-tango siya. “So, anong balak mo ngayon? Are you going back to vlogging soon?” tapos ay pagbubukas niya sa maaari naming mapag-usapan habang pinagsasaluhan namin ang inihanda kong makakain. “Hindi po muna. Tama po sina Corinne at Leren na mag-lie low muna ako. Wala pa naman akong mukhang maihaharap pa sa mga followers ko.” Napakagaan na inihawak ni Miss Felicity ang kamay niya sa balikat ko at sa masuyong tinig ay sabi niya, “Mas mainam nga kung ganoon. Hindi bale at gagawin naman lahat ni Zrion para malaman kung sino talaga ang kumuha ng sampung milyon na donations. Iyong pagbabalik natin ng pera kay Karylle ay para lang matigil ang issue sa social media pero gagawin pa rin natin ang lahat para mahuli ang totoong may sala. Hindi maaari na ganoon na lang iyon.” “At kakalbuhin ko po siya sa bulbol niya oras na malaman ko kung sino siya. Iisahin kong bubunutin,” gigil kong ayuda. Bahagyang natawa na naman si Miss Felicity. Akala yata na naman ay nagpapatawa ako. Seryoso pa rin ako. Seryoso ako na iisa-isahin ko talagang itityani o iti-tweezer ang bulbol ng sinuman tao na iyon. Aba’y hindi ako papayag na wala akong gawin dahil sinira niya ang buhay ko. Imbes tuloy na nag-iisip ako ng iku-content ko ngayong week, nganga. Heto ako nabuburyong dahil wala na akong ginawa kundi matulog at kumain. Buwisit siya! Ang ringtone ng cellphone ni Miss Felicity ang umistorbo sa aming pag-uusap. “Excuse me, Xalene. I'll just answer this call. Baka importante,” aniya sa akin bago tumayo at lumayo konti. Ngumiti lang naman ako. Kunwa’y inabala ko ang sarili ko sa pagkain ng grapes, pero ang totoo ay naghanda ng kusa sa pagma-marites ang tainga ko. “Yes, Syver?” she answered. Napakunot-noo ako sa binanggit niyang pangalan. Syver daw, eh. Where have I heard that name? Pamilyar. “Hindi naman. Why?” Narinig ko na malalim na napabuntong-hininga ni Miss Felicity. “Oh, about that…” Curios na napatingin ako sa kanya habang nginunguya ang sinubo kong grapes. Hula ko may hiniling o hinihiling sa kanya ang kausap niya na mahirap pagbigyan. Ano kaya ‘yon? “I’m sorry, Syver, pero wala pa. Bakit aalis na ba ang caretaker mo? Akala ko ba ilang araw pa?” Syver? Ulit ko sa isip ko sa pangalang binanggit niya. Pamilyar talaga, eh. “Sabagay…” Nailagay ni Miss Felicity ang hintuturo niya sa labi niya. Grabe kahit sa pakikipag-usap sa phone ay ang social niya tingnan. Again, I saw her sighed. “I can't promise, but I'll look into it, okay?” tapos ay sabi niya sa kausap niya. “Ano ka ba ayos lang. Iyong kapatid mo ngang arogante pa sa arogante ay tinutulungan ko kapag may mga ganito siyang problema ikaw pa kaya na maayos kausap?” Napalabi ako. Hindi ko na makuha ang usapan nila, eh. Tsismosa mo! tapos ay sita na sa akin ng maliit na tinig sa likod ng utak ko. At may point siya. Bigla tuloy akong nahiya kay Miss Felicity. Para akong walang pinag-aralan pala na nakikinig sa usapan nang may usapan. “Totoo. Siya na nga ang humihingi ng tulong nakabusangot pa. Manang-mana sa ina niya,” sabi pa ni Felicity na aking narinig. Sabagay kahit ayaw ko ay maririnig ko talaga ang pakikipag-usap ni Miss Felicity dahil ang lapit niya. “Isa sa mga pasaway na sinasabi ko,” pagbibigay-alam niya sa akin nang sa wakas ay natapos din ang tawag at bumalik sa pagkakaupo. Hindi talaga ako tsismosa kaya ngumiti lang ako. Kahit tamaan pa ako ng kidlat hindi talaga ako tsismosa. “Kaninong kapatid po siya?” hindi ko nga lang napigilan na tanong. “Kapatid ni Zrion.” Nanlaki ang mga mata ko. “Ah, siya po pala ‘yon.” “Oo, at siya rin ang sinasabi ko na naghahanap ng yaya para sa mga aso niya.” “Oh…” Tumango-tango ako. “Hay, hindi ko na alam ang uunahin ko na asikasuhin. Kung hindi lang parang kapatid na rin ang mga turing ko sa mga pasaway ay sasabihin ko sanang bahala sila sa buhay nila.” “Naku, nakakasira sa beauty ang pag-iisip po. Tingnan mo po kakaisip ko lagi ganito na ang mukha ko,” patawa ko sa kanya habang nakaturo ang hintuturo ko sa madumi kong mukha. Nagkatawanan kaming dalawa. “Sana nga makakuha ako ng yaya na mapagkakatiwalaan daw, mahilig sa hayop o kahit sa aso lang, mabait, at madaling pakisamahan. Goodluck sa akin,” pero mayamaya ay pabuntong-hininga na sabi na naman niya. “Huwag po kayong mag-alala dahil makakahanap po kayo,” pampalubag-loob ko naman, when something clicked in my mind. Parang switch iyon na nagpaalala sa akin na kailangan ko nga pala ng makapag-aabalahan habang nagla-lie low sa pagba-vlog. Mapagkakatiwalaan? Check ako. Mahilig sa aso? Lalong check ako. Mabait? Mas check ako. Madaling pakisamahan? Ah, walang duda na check ako. Maganda? Aba’y check na check ako. “Gaga, walang sinabi na maganda!” mabilis na sita sa akin ng aking konsensya. Hindi man lang makahirit. “Sana nga, Xalene, dahil sa Lunes ay aalis na raw ang caretaker niya,” sabi ni Miss Felicity. Itinaas ko na ang aking isang kamay bilang pagboboluntaryo. “Ako po.” Nakusot ang nangingintab sa kinis na mukha ni Miss Felicity. “Anong ikaw?” Ngumiti ako na halos kita lahat ng mga ngipin ko. “Ako na lang po ang kunin niyo na yaya ng mga aso ng kapatid ni Doc Zrion.” Kumislap man ang mga mata niya ay may halong pag-aalinlangan na tinitigan niya ako. “Are you sure?” Hindi ibinababa ang kamay ko na tumango ako nang sunod-sunod. Umiling si Miss Felicity tapos ay siya ang nagbaba ng kamay ko. “Kung iniisip mo na kailangang gawin mo ito dahil tinulungan ka namin ni Zrion sa sampung milyon, No. You don't have to do this, Xalene.” “Hindi po.” Ikinampay-kampay ko ang dalawang kamay ko. “Hindi po iyon ang dahilan, Miss Felicity. Ang totoo kasi ay bigla kong naisip na ang boring na dito sa bahay. Gusto kong may gawin ako o trabaho ako na puwede kong pagkaabalahan habang nagpapahinga ako sa pagba-vlog. At naisip ko na puwede po iyon, ang magiging yaya ng mga aso. Hindi niyo po kasi itatanong pero mahilig po ako sa mga aso.” “Really?” Hindi makapaniwala si Miss Felicity. “Opo. Bata pa lang ako ay dog and cat lover na ako. Ang kaso namatayan kasi ako noong ng alagang aso, si Itim. Ayun po, hindi na muna ako nag-alaga dahil nasaktan ako nang sobra. Pero madami po kaming aso at pusa sa bahay. May limang alagang aso at tatlong pusa sina nanay at mga ate ko. I mean wala lang akong alaga na as in alaga ko po talaga tulad ni Itim noon.” “Pero mahirap alagaan ang mga aso na aalagaan mo kung sakali. Mga giant dog breed sila.” “Ayos lang po.” “Sure ka talaga?” “Sure na sure po. Kaysa naman mabulok po ako rito sa apartment ko na walang ginagawa. Baka bigla ko na lang kakausapan ang sarili ko kapag na-depress ako.” Nagkibit-balikat si Miss Felicity. “Oh, siya sige pero mas maganda siguro kung pag-isipan mo muna hanggang bukas. Let me know your final decision tomorrow morning. No pressure, okay?” Matamis ang naging ngiti ko dahil natitiyak ko naman na hindi na magbabago ang desisyon ko. Wala na akong mapupuntahan. Kung babalik ako saglit sa pamilya ko ay baka lalo lang akong magkaroon ng depression, ang gulo doon, idagdag pa ang manyak na pinsan ko na iniiwasan ko pa rin hanggang ngayon. Kung maghahanap naman ako ng trabaho pansamantala ay tiyak na hindi rin naman ako matatanggap oras na malaman nila na ako si Xalene Silvano na kumupit ng sampung milyon. Hindi na rin ako makakabalik pa kay Madam Soledad dahil nag for good na ang matanda sa ibang bansa. Tuluyan nang pinili na makasama ang mga anak. At kahit naman gusto kong mag-travel ay wala naman akong sapat na pera. Isa pa ay ngayon pa ba ako gagastos na wala nang income? Ang pagyayaya ng mga aso ang siyang tanging paraan na lang para hindi ako mabaliw. Bahala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD