CHAPTER 5

1553 Words
***SYVER's POV*** “Great work, guys,” nakangising papuri ko sa mga tauhan ko nang sa wakas ay malimas namin ang perang nakatago sa s***h fund ng isang bilyonaryong senador. Tiyak na pagkagising niya bukas ay iiyak iyon ng dugo oras na makita niyang zero balance na ang lihim na account niyang nakuha lamang niya sa gawaing bribery, embezzlement at kickbacks. Akala mo kung sinong matino na senador pero ginagago niya lamang ang mga tao na bumoto sa kanya noong eleksyon. At kulang-kulang thirty million din ang nakuha namin. Malaki-laki na rin kaya dapat lang namin na ipagdiwang. Minsan lang na maka-jockpot ng ganito. “Hindi man lang ako nangawit, boss,” pagyayabang ni Rand sabay inat ng mga kamay. Si Rand ay dating grey hat o ‘just for fun’ hacker lamang. Hindi sinasadya na nakilala ko siya noon sa isang computer shop at minanmanan ang kanyang talento sa computer system. At dahil napahanga niya ako sa bilis ng kanyang mga kamay ay hindi na ako nagdalawag isip pa noon na offer-an siya na maging tauhan ko. “Paano wala ka namang ginawa,” pang-asar dito ni Trevor. Isinandal naman nito ang likod sa kinauupuang gaming chair. Si Trevor naman ay dating white hat o ethical hackers. Kabilang siya sa mga authorized hackers na hinahangaan sa ginagawa nilang pag-secure sa mga system ng mga malalaking kompanya. Ibig sabihin, topnotch hacker siya noon na positibo at kapaki-pakinabang pati sa gobyerno. Not until, nakilala ko siya’t sinulot ko siya upang makasama. “Mga ungas, kung hindi sa akin wala kayong mga silbi,” sabad na ni Colum matapos humigop ng kape. Si Colum ay ang system developer ng aking team. Ang kaniyang tungkulin ay ang pagsusulat ng mga code, pagbuo ng mga aplikasyon, pamamahala ng seguridad sa system namin, at pagtataguyod ng mga teknolohiya na nagpapabuti sa mga sistema na siyang malaking tulong sa aming gawain na hacking, data breaches, identity theft, financial fraud, at ransomware attacks. Iniungol lang ni Trevor ang pagtutol. “Yabang nito. Ang dami namang error ng mga ginawa mo,” si Rand ang hindi nakatiis na tumuligsa. “Totoo naman,” giit ni Colum with matching nakakakaasar na pagtawa-tawa. Napapangiti lang naman ako sa mga litanya nila. Sanay na ako sa bangayan nila. “That’s enough. Magaling kayong tatlo,” pero mayamaya ay awat ko na sa kanila. At dahil ako ang boss nila, nanahimik agad sila. Ako kasi si Syver Ruggiero, maliban sa ako ang boss nila ay ako naman ang computer specialist ng team namin. Tungkulin ko naman na pag-aralan ang mga bagong teknolohiya, nagtatayo ng kasanayan, at naglulutas ng mga teknikal na isyu sa mga systema. Pero bago iyon ay isa akong Black Hat Hacker. Bata pa lang ako ay pinaturuan na ako ni Dad sa hacking kaya malawak din ang alam ko sa pagha-hack katulad nina Trevor at Rand. “Dating gawi pahinga muna tayo ng isang buwan, guys. Ensure that all the systems you will leave behind are properly secured. No one should be able to enter. Alalahanin niyo, malaking isda ang nahuli natin ngayon kaya tiyak na gagawa siya ng paraan para mabawi niya ang nawala at pagbayarin tayo,” mayamaya ay seryosong bilin ko na sa kanila. “Areglado, boss,” sabay-sabay nilang sagot. “Trevor and Rand, delete all traceable IP addresses. Colum, double the firewall before shutting down,” naninigurong paalala ko pa sa kanila kahit na alam ko namang alam na nila ang gagawin. “Move!” Saglit lamang ay naging busy na ulit sila sa pagtipa ng kanilang mga computer bilang pagsunod sa command ko. Nang tumayo naman na ako ay tinipon ng apat na bodyguards ko ang lahat ng mga gamit at isinilid nila sa mga bag. Matapos mailigpit ang lahat ay nauna nang umalis sa lugar ang mga hacker ko. Nang makaalis sila ay may idikit ang pinaka-kanang kamay ko na si Toby sa pinto at mga dingding sa lumang bahay na nagsilbing safehouse namin sa loob ng isang linggo. “All set, boss. In ten minutes sasabog na ang lugar,” imporma sa akin ni Toby. “Let’s go,” order ko naman pagkarinig iyon. Sa pangunguna ko ay lumabas na kami sa bahay na iyon. Convoy ang limang sasakyan na nilisan na namin ang lugar. At medyo nakalayo na kami nang tuluyang sumabog ang lumang bahay. All the evidence indicating our presence there for a week has already been destroyed by the strong fire. Ang lapad na ng ngiti ko nang tuluyan kaming makaalis sa lugar na iyon na walang naging problema. KINABUKASAN, magaan ang katawan ko na bumangon at sisipol-sipol akong nag-shower. Eksaktong makabihis ako ng pambahay nang may kumatok sa pinto. “Bukas ‘yan, Mang Edgar,” sagot ko habang nagsusuklay. Wala naman akong ibang kasama sa mansyon kundi ang caretaker kong si Mang Edgar. “Magandang umaga, Sir,” bungad na bati ng mabait na matanda pagbukas niya ng pinto. Tumayo ito doon sa may pinto na yukong-yuko ang ulo at magkahawak ang mga kamay sa harapan. Nagtatakang tumitig ako sa kanya. “May sasabihin ka, Mang Edgar?” “Ipapaalala ko lang sana, Sir, na sa limang araw na lang ay aalis na ako. May nakuha na ba kayong kapalitan ko?” My face turned softer. Napa-‘oo nga pala’ ako sa isip-isip ko. Matagal nang nagpaalam sa akin si Mang Edgar na magbabakasyon siya sa probinsya nila ng higit dalawang buwan dahil gusto raw niya munang makasama ang pamilya niya, lalo na ang bagong panganak niyang apo, kaya hindi ko siya masisisi kung kailangan niyang ipaalala ngayon sa akin ang bagay na iyon. “Pasensiya na, Sir, kung namomoblema ka dahil sa pagbabakasyon ko.” Napabuga ako ng hangin. “Ayos lang, Mang Edgar. Sa tagal mo nang nanilbihan dito sa akin ay ngayon ka lang naman magbabakasyon ng ganoong katagal kaya nauunawaan po kita. Huwag kang mag-alala dahil bago mag-Lunes ay makakahanap na ako ng pansamantalang papalit sa iyo. Gagawa ako ng paraan.” Nagliwanag ang mukha ng matanda. “Salamat, Sir.” Ngumiti naman ako. Pagkaalis ni Mang Edgar ay nakagat ko ang labi ko. What should I do now? Saan ako kukuha ng maaaring kapalit ng matanda? Kung ang mansyon lang ay kahit hindi ko na kailangan sana ng caretaker, pero dahil sa mga alaga kong aso na dapat may nagbabantay at nagpapakain sa kanila kapag wala ako, ay kailangan talagang maghanap ako ng papalit kay Mang Edgar pansamantala. Ang tanong saan nga? Sa dami ng sekreto ko sa buhay ko ay hindi naman kasi ako puwedeng kumuha na lang basta-basta sa mga agency. Kailangang iyong mapagkakatiwalaan din sana tulad ni Mang Edgar nang sa ganoon ay kahit anong makita niya rito ay tikom ang bibig niya. Hanggang sa pumasok sa isip ko si Felicity. Baka may nakita na siya. I picked up my cellphone from the top of the bed and quickly dialed her number. “Yes, Syver?” She answered the phone in two rings. “Hello, Felicity. Did I disturb you?” “Hindi naman. Why?” “Itatanong ko sana kung may nahanap ka na bang magiging yaya ng mga aso ko kahit dalawang buwan lang?” walang pasakalyeng tanong ko na. “Oh, about that…” Narinig ko na malalim siyang napabuntong-hininga. Napahimas ako sa noo ko. Mukhang alam ko na ang sagot. “I’m sorry, Syver, pero wala pa. Bakit aalis na ba ang caretaker mo? Akala ko ba ilang araw pa?” “Sa Lunes pa naman. Kaso kasi kailangan din niyang turuan ang papalit sa kanya lalo na pagdating sa pag-aalalaga sa mga aso ko kaya as soon as possible ay meron na sana akong makuha.” “Sabagay…” “Sa tingin mo may mahahanap ka?” Again, I heard her sighed. “I can't promise, but I'll look into it, okay?” “Thank you, Felicity, and I’m sorry kung kinukulit kita. Alam kong hindi mo ito trabaho kaso wala talaga akong mahingan ng tulong kapag ganitong bagay.” “Ano ka ba ayos lang. Iyong kapatid mo ngang arogante pa sa arogante ay tinutulungan ko kapag may mga ganito siyang problema ikaw pa kaya na maayos kausap?” I almost laughed myself to death. “Totoo. Siya na nga ang humihingi ng tulong nakabusangot pa. Manang-mana sa ina niya,” sabi pa ni Felicity. “Naka-record sa akin ang sinabi mo kaya hanapan mo ako ng yaya kung hindi ipaparinig ko ito kay Zrion,” nakatawang biro ko. “Heh! Huwag mo akong bina-blackmail, Syver!” Humagalpak ulit ng tawa. “Alright, I’m going to hang up now. Tawagan mo na lang ako kapag meron ka nang maire-recommend.” “Okay. Bye.” At pinindot ko na ang end button bilang pagtatapos ng tawag. Inalis ko muna ang problema ko tungkol doon dahil alam ko namang gagawan ni Felicity ng paraan iyon. Si Felicity pa ba? Eh, wala yatang hindi alam gawin ang babaeng iyon. Matapos kong ayusin ang sarili ko ay tinungo ko ang kinaroroonan ng limang aso ko at nakipaglaro sa kanila. Bumawi ako sa kanila dahil sa loob ng tatlong taon na pabalik-balik ako dito sa Pilipinas mula Middle East ay halos hindi ko na sila nabigyan ng panahon. Tuwang-tuwa tuloy sina Akdal, Colt, Astra, Glock at Magnum.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD