NAKARAAN 1
***XALENE's POV***
Isinasara ko ang pinto ng banyo upang maligo nang biglang may nagtulak niyon mula sa labas.
"Gian?!" Napamulagat ako at hindi nakahuma agad-agad. Napakabilis na nakapasok sa loob ang pinsan ko.
Ngumisi siya sa akin ng malademonyo.
"Anong ginagawa mo?!" Pinilit kong magtapang-tapangan.
"Huwag ka nang pakipot, Xalene. Ang tagal kong hinintay na umuwi ka kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataon. Akin ka ngayon," manyak niyang sabi. Ini-lock na niya ang pinto at lumapit sa akin.
"Diyan ka lang, Gian!" Umatras ako. Takot na takot man ako ay sinikap kong makaisip ng paraan para makawala sa kaharap kong panganib. Magkamatayan man kami ay hindi ako papayag na magtagumpay ang demonyo na adik na ito. Kaya kong ibigay kahit sa sinong lalaki diyan ang katawan ko, ang virginity ko, huwag na huwag lang sa kadugo ko. Nakakadiri. Nakakagalit. Mas hindi ko matatanggap.
Matagal nang panahon na alam kong pinagnanasaan ako ng pinsan kong ito. Nakailang ulit na niya akong pinagtangkaan. Siya ang dahilan kaya lagi akong nakikitulog kina Leren. Siya ang dahilan kaya mas pinipili ko noon sa mga stay in na mga trabaho. Ayokong nanatili ako sa sariling bahay namin dahil sa kanya. Ayoko siyang magtagumpay sa masamang plano niya sa akin.
"Huwag ka nang maarte. Pasalamat ka na lang dahil may nagkakagusto pa sa iyo kahit ang pangit mo."
"Kung pangit ako mas pangit ka!" singhal ko sa kanya. Lalapastanganin na nga niya ako, tatawagin pa akong pangit. Letse siya!
Natawa siya.
"Sinasabi ko sa 'yo huwag mong ituloy ang binabalak mo, Gian. Hindi ka mapapatawad ni Nanay oras na malaman niya ito. Utang na loob para na tayong magkapatid," pakiusap ko na.
"Kasalanan mo dahil ang sexy mo. Nakakalibog ka, Xalene, kahit na ang pangit mo," anyang binasa ng dila niya ang mga bibig niya.
Wala, walang saysay kahit anong sabihin ko sa kanya. Halata sa mga namumulang mga mata niya na tumira na naman siya ng ipinagbabawal na bato. Wala na siya sa tamang pag-iisip. Wala nang takot.
"Sisigaw ako!" Napaatras pa ako subalit napasandig na ang likod ko sa tiles na pader ng banyo. Nagsimulang mangibabaw ang takot sa dibdib ko.
"Eiiihhhh!" at tili ko na ng matinis nang dumaluhong ang hayup na lalaki.
"Huli ka!" Hinuli niya ako at pinunit agad ang suot kong shirt.
"Walanghiya ka!" Kinalmot-kalmot ko siya. I fought him fiercely ngunit nahawakan niya ang dalawang kamay ko paitaas sa ulo ko at marahas na isinandal sa tiles na pader.
"Ang bango mo talaga, insan. Sa wakas hindi na lang ang panty mo ang naaamoy ko," ungol niya habang sinasalabusab niya ng halik ang leeg ko.
"Bitawan mo akong hayup ka!" Diring-diri ako. Sinusubukan ko pa ring pumiglas, makawala, pero ang lakas niya.
"Gian!" Mabuti na lamang at biglang sulpot na ang bayaw ko. Narinig niya malamang ang mga tili ko kaya puwersahang binuksan niya ang pinto. Sinipa niya at agad niyang hinila si Gian saka sinuntok sa panga.
"Pinsan mo 'yan, gago!" Kuya Paolo snarled angrily. Asawa siya ng panganay kong kapatid na si Ate Zara.
"Hayaan mo ako at ikaw naman ang susunod na titira sa kanya, bayaw. Basta ako lang uuna sa kanya. Akin ang virginity niya," demonyong sulsol ni Gian kay Kuya Paolo.
"Gago ka talaga!" Sinipa ito ni Kuya Paolo sa sikmura.
Nagpambuno na silang dalawa. Ako nama'y parang basang sisiw na yakap ang sarili. Awang-awa ako sa sarili ko. Gayunman, galit na galit ako. Isinusumpa ko, hindi si Gian ang makakauna sa akin. Hindi ko ipagkakalaob sa kanya ang virginity ko. Hayup siya.
"Ayos ka lang, Xalene?" Nilapitan agad ako ni Kuya Paolo nang hindi na makapanlaban si Gian. Pero nang hahawakan niya ako sana sa braso ay iniiwas ko ang sarili ko. Ang sama rin ng tingin ko sa kanya dahil isa pa ang buhog na ito na manyak. Hindi niya alam pero minsan ay nahuli ko siyang sinisilipan si Ate Yoona, ang pangalawa kong Ate. At baka nga pati rin ako, hindi ko lang natetyempuhan.
Nahagip ng mata ko ang tuwalya. Madaling kinuha ko iyon at tarantang iniwan ko na sila. Walang sali-salita na lumabas ako ng bahay.
"Saan ka na naman pupunta, Xalene?" Nakasalubong ko pa si Ate Zara pero hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy ako nang alis at wala na akong balak pang bumalik sa impyernong bahay namin hangga't kinukopkop nila ang demonyong Gian na iyon.
At siguro naman, maniniwala na sila ngayon na pinagtatangkaan talaga ako ng demonyo na gasahain. Saksi na si Kuya Paolo. Hindi ko na alam kung hindi pa sila maniniwala at pagtatakpan pa rin nila si Gian.
Habang nakabalabal sa mga balikat ko ang aking tuwalya ay naglakad-lakad ako. Mabuti na lang gabi, hindi mainit. Nang malayo na ako ay saka lamang tumulo ang mga luha ko.
Ano ba namang kapalaran ito oo. Ang mga taong dapat nagtatanggol sa akin ay sila pa ang kinatatakutan ko. Ang saklap.
Sana buhay pa si Tatay. Sana mayoon akong kapatid na lalaki. Sana may lalaking pumoprotekta din sa akin.
Bumontong-hininga ako at napahimas sa aking binti. Nangawit na ako kakalakad.
Nang ilingat ko ang paningin ko sa paligid ay nasa bandang mall na pala ako. Ang layo na pala nang nalakad ko na hindi ko namamalayan gawa nang aking pag-i-emot.
Sa puntong iyon ay naghanap ako nang maaaring upuan. Doon sa may maliwanag ako nagtungo banda. Ginhawang-ginhawa ako na napaupo sa gilid ng kalsada.
"Aahh!" Ilang minuto na akong nakaupo roon nang may marinig akong lalaki na naghikab.
Takang-taka na napalingon ako sa may poste. Ang inakala kong mga sako-sakong basura lamang ang naroon ay may tulog pa lang lalaki na bagong gising. Gusgusin ang hitsura niya pero halatang maganda ang katawan ng mukong.
"Good morning," napataas ang kilay ko nang bati niya sa akin. Hindi dahil gabi na pero naggu-good morning siya pero iyon ay dahil English ang pagbati niya
Pulubi na nag-i-English? Weh?
Nag-inat siya ng mga kamay at tumayo. Ang hitsura niya'y tipikal na lalaking pulubi sa kalye. Puros grasa ang katawan, nanlilimahid sa dumi, mahaba ang buhok niya na may pulang sumbrero, at kung anu-ano ang nakasabit na basura sa kanyang pantalon na may mga butas. Magkaganoon pa man, kakaiba ang kanyang tangkad.
"I'm hungry. Gusto mong kumain," tanong niya nang makita niya ako. Nakitabi siya ng upo.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Feeling close?
"Wala akong pera," kako nang na-realize kong nanlilimos siya.
"Ako meron. Anong gusto mong kainin?"
Awtomatiko ang pag-asim ng mukha ko. Muntik ko na siyang tarayan ng, "Eh, di ikaw na ang may pera!" Hindi ko lamang ginawa dahil napag-isip-isip ko rin na baka nagmamagandang loob lamang siya. Baka may naglimos sa kanya ng malaki at gusto lamang niyang i-share sa akin dahil akala niya ay namumulubi rin ako.
"Do you want something healthy or indulgent?" tanong niya pa.
Napamaang na talaga ako. Ano daw indal—? Ay ewan!
"Sige, hintayin mo ako rito at bibili ako," aniya na sabay tayo nang hindi niya mahintay ang sagot ko.
Ang ikinagulat ko ay ang ipasuot niya sa akin ang sumbrero niya. Masama ang tinging tiningala ko siya.
"Diyan ka lang. Huwag mong tangayin ang sumbrero ko. Promise, I'll be quick," sabi pa niya habang nakangiti. Lumabas ang pang-commercial niyang mga ngipin. Commercial ng toothpaste o kaya ng mouthwash.
Pulubi ba talaga ang lalaking ito? Parang mas may tartar pa ang ngipin ko kaysa sa kanya, ah.
Tumalikod na siya at umalis. Namamanghang sinundan ko na lang siya ng tingin. Doon ko napansin na ang broad din ng kanyang shoulders. Tipong balikat ng mga oppa sa mga Korean Drama na ang sarap takbuhin at i-back hug.
Nang hindi ko na siya matanaw ay bahagyang sinampal ko ang pisngi ko. "Umayos ka, Xalene. Wala ka na ngang matinong matitirhan sa palaboy ka pa talaga mai-in love. Diyos ko ka!"
Nakailangang buntong-hininga ako at tumayo. Inalis ko sa ulo ko ang sumbrero. Sa una'y diring-diri ako pero nang amoyin ko ay ang bango-bango naman. Napaka-manly ng amoy ng cologne na ginamit.
Minsan pa ay napaisip ako habang nakatitig sa sumbrero ng lalaki. Pulubi ba talaga siya?
Kumibot-kibot ang mga labi ko. Sabagay pulubi nga, at ang pulubi kung saan-saan nakakapulot ng mga bagay-bagay, kung saan-saan nagkakalkal. Baka kakapulot lang niya ang sumbrero kaya amoy pa ang pabango ng totoong may-ari. Tama. Ganoon nga siguro.
Ilalapag ko na sana sa tabi ng kalsada kung saan ako umupo ang sumbrero at aalis na, subalit hindi ko naman magawang iwanan. Kawawa naman ang lalaking iyon kung mawawala ang sumbrero. Isa pa ay baka isipin niya na tinangay ko.
Sa huli, nagpasya na lang akong hintayin siya. Wala rin naman akong pupuntahan. Hindi na ako puwedeng magpunta sa bahay nina Leren na lagi kong takbuhan dahil pag-aari na raw iyon ni Doc Zrion na boyfriend niya. Mahirap nang maglabas-pasok ako roon na wala siyang permiso.
"Kain na tayo?" sabi ng lalaki nang bumalik siya bitbit ang isang bucket ng fried chicken at isang box ng beer.
Literal na napanganga ako dahil ang tatak pa ng pinambilhan niya ay sa pamosong restaurant.
"Bakit?" tanong niya nang mapansin ang pagtataka ko.
Tinulungan ko ang baba ko na itinulak upang magsara ang bunganga ko. "A-Ang mahal nito, ah? Sana kahit sa karinderya ka na lang bumili. Alam kong mahirap mamalimos kaya sana itinago mo na lang ang pera mo para may pangkain ka ulit bukas at sa mga susunod pang mga araw." Nakukonsensya ang tinig ko.
Siya naman ang napatanga sa mukha ko.
"Oy, mukha lang akong mayaman dahil ang ganda-ganda ko pero mahirap lang ako. Kahit pagpag kumakain ako," paliwanag ko na may kasamang biro.
Nakatanga pa rin siya sa mukha ko. Hindi siya nagkomento pero mas ayos na 'yon. Kaysa naman itama niyang hindi ako maganda.
"Sa susunod kung may nagbigay sa 'yo ng madaming pera o kaya naman kung nakapulot ka ng pera ay gamitin mo nang mainam. Ipunin mo para hindi habambuhay ay palaboy ka ng kalsada," patuloy ko sa seryoso ulit na boses.
"Ayos lang. Malaki naman ang napulot ko," sabi na niya.
"Magkano naman?"
"Mga one hundred thousand yata."
"One hundred thousand?! Seryoso?!" Nakamulagat na ulit ko.
Tumango siya. "Oo. Nakasilid siya sa isang paper bag."
"Talaga ba?" Syempre naiinggit ako, hindi ko lang ipinahalata. Ang totoo ay parang gusto ko na nga ring magpalaboy-laboy, tutal wala naman na akong matinong titirhan. Baka makapulot din ako ng one million, di ba?
"Kain na tayo?" Tipid siyang ngumiti.
In fairness, guwapo talaga ang mukong. Siguro kung mawawala ang grasa sa mukha niya, mapaliguan, at mapagupitan ay madami siyang tatalunin sa kaguwapuhan.
"Sige," kako at binulatlat ko na ang chicken bucket. Hindi na ako nahiya at nakonsensiya dahil madami naman pala siyang pera. Mas madami pa sa akin. Lol!
Siya nama'y nagbukas ng dalawang lata ng beer. "Umiinom ka?" saka iniabot ang isa sa akin.
Umiling ako dahil hindi talaga ako umiinom. Hindi naman kasi bad influence ang mga kaibigan ko. Sa pagkain kami matakaw hindi sa bisyo kaya nga naging yobab pa lalo ang isa. Pero dahil parang natakam ako sa alak ngayon ay kinuha ko iyon.
"Akala ko hindi ka umiinom?"
"Oo nga pero feel ko ngayon uminom, eh," kako at tinungga ang beer. Ngiwing-ngiwi ako. Hindi masarap. Mapait.
Napangiti ulit ang lalaki ngunit dahil bumaba ang tingin niya ay natigilan kami parehas. Noon ko lang napansin na nakatambad na ang bra ko dahil nawala na pala sa pagkakatakip ang tuwalya sa dibdib ko. Madali kong inayos ang sarili ko at itinungga ulit ang beer na parang wala lang. Naubos ko na ang isang lata.
"Binastos ka ba?" tanong ng lalaki na tulak ng simpleng malasakit. Pinagbuksan niya ako ng isa pang beer.
Tumango ako. "Ng pinsan ko."
Nagsalubong ang mga kilay niya.
"Ayos lang. Hindi naman siya nagtagumpay."
"What do you mean?"
"Lumaban ako kaya hindi niya nakuha ang gusto niya."
"I'm sorry. I shouldn't have asked."
Tiningnan ko siya. "Matalino ka siguro noon bago ka naging palaboy. Panay ang English mo, eh. Sayang wala ang cellphone ko. I-video sana kita dahil tiyak viral ka. Sasabihin ko..." Makulit na umakto akong may hawak na cellphone at nag-vlog. "Guys, look may nakilala akong pulubi na Englisherist!"
Na kanya namang pinatulan. "Hi, guys. Nice to meet you all."
Natawa ako dahil nag-finger heart pa siya.
"Kumain na nga tayo. Para na tayong tanga," at sabi ko na may kasamang hampas sa braso niya.
Natawa rin siya. Kumuha siya ng isang paa ng chicken at iniabot sa akin.
"Ang sweet naman. Thank you, handsome," makulit kong pasalamat. Sh*t, mukhang natamaan ako agad sa beer dahil handsome na ang tingin ko sa isang pulubi. Kumapal agad sa aking pakiramdam ang mukha ko.
Mayamaya'y tahimik na nga kaming patungga-tungga ng beer. Nagugustuhan ko na ang pakiramdam ng lasing. Parang ang gaan-gaan ng katawan ko. Ang mga paa ko'y parang hindi nakalapat sa lupa. Nakakawala ng problema. Ang galing.
"So, wala kang uuwian?"
Sukat sa aking narinig ay nabura ang ngiti sa labi ko. "Wala, eh. Puwede ba ako rito sa kalsada? Share tayo? Malawak naman dito."
"Oy!" Nagulat siya nang bigla akong humiga.
Humalakhak ako. Hindi ko na rin mapigilan ang tawa ko.
"Madumi diyan," saway sa akin ng lalaki.
"Ang arte mo naman. 'Di ba nga dito ka nakatira? Dito ka natutulog gabi-gabi?"
"Basta umupo ka." Napalatak siyang hinila niya ako sa kamay para paupuin.
Pinabigyan ko naman siya. Ang ikinagulat ko ay nang muntik nang magdikit ang mukha namin. Ilang sandali na hindi ako huminga habang nakatitig sa mukha niya. At may naramdaman ako sa puson ko na hindi ko maipaliwanag na pangangailangan.
Nakaapekto kasi sa akin ang pananabik na nakita ko sa mga mata niya. Dagdag na lamang ang epekto ng alak.
Saglit lang ay tumaas ang kamay ko sa mga pisngi niya. Sinalat ang kanyang labi. Gusto kong tikman iyon kung gaano kasarap. Wala akong pakialam kahit mabaho pa ang hininga niya at kung madumi ang mukha niya.
Madumi din naman ang mukha ko. Mabuti nga siya kung maghihilamos siya ay tiyak na kikinis ang mukha niya. Sa akin kahit kuskusin ko pa ng hollow blocks ay hindi na mawawala ang mga pimples ko.
Ako kasi si Xalene Silvano, ang taong pimples kung tawagin ng dalawang kaibigan ko dahil punong-puno ng breakouts ang mukha ko. Na noong nagsaboy ng pimples ang kalangitan ay ako lang yata ang nasa labas kakagala.
"Uhmp," impit na ungol ko nang idikit ko na ang mga labi ko sa kanya.
At nang lumaban siya, para akong inilubog sa apoy. Mukhang ang lalaking ito na ang hinihiling ko kanina na pag-aalayan ko sa aking virginity. Na hindi na baleng ma-devirginized ako ng kahit sinong lalaki huwag lang ang kadugo ko.