CHAPTER 2: Surprised
THIRD PERSON'S P.O.V
Kinabukasan ay maagang nagpunta si Joyce sa DESTINY SWEET & BLENDS kung saan si Destiny ang nagmamay-ari ng coffee shop matapos ipaliwanag sa kanya ni Lina na kailangan niyang pumasok ngayon sa coffee shop niya dahil marami na siyang aasikasuhin na orders mula sa mga customers niya.
Nang makarating siya doon gamit ang sasakyan niya ay nakita niya ang mga staff niya na sumalubong sa kanya at karamihan ng mga customers ay nandon na rin kaya naman agad siyang pumunta sa opisina niya at napansin naman ni Joyce na tahimik lang ang mga staff doon sa coffee shop kaya naman inayos muna ni Joyce ang mga listahan ng mga i-shiship na order para naman maibalot kaagad nila ang mga orders.
At habang nag-aayos si Joyce ng mga orders ay bigla niyang naalala ang sinabi niya kay Sace kahapon noong matapos nilang kumain sa labas at dahil don ay di na maalis sa isip niya ang lalaki.
Nang tanungin niya kasi ito na magpractice ito sa kanya ay hindi agad nakapag react si Sace sa sinabi niya dahil hindi ineexpect ng lalaki na tutulungan niya ito upang mapalapit sa kapatid ni Destiny.
"And if I practice with you what will I do in exchange for you?" iyan naman ang sinabi ng lalaki sa kanya matapos niyang tanungin ito at nagulat naman siya sa sinabi ng lalaki dahil ineexpect pala ng lalaki na may kapalit ang pagtulong niya kaya naman ang sinagot na lang ni Joyce sa lalaki ay, "Ako ng bahala kay Kaizo para mas mapalapit ka kay Fate."
Kaya naman ng magkasundo sila na araw-araw niyang tutulungan si Sace para mapalapit kay Fate ay nakaramdam si Joyce ng pagsisisi dahil parang mali ang ginagawa niyang pagtulong sa lalaki at hindi niya rin naman alam kung sa pagtulong niya ba sa lalaki ay mahuhulog din ba ang loob nito sa kanya lalo na't masama ang naging pakitungo ni Destiny dito sa mismong nobela niya.
Sa kabilang banda naman ay abala si Kaizo sa pag-aasikaso ng magiging advertisement nila para sa bagong subdivision na pinagawa ng kumpanya nila.
"Sir kailangan po natin ng magmomodel para sa advertisement at nandito na po sa list ang mga pasok na celebrities at models na pwedeng maging model para sa advertisement." sabi naman ng sekretarya ni Kaizo habang nakatingin siya sa computer niya at nang ilapag nito ang listahan ay agad niyang binasa ang mga nakasulat doon at kumunot naman ang noo niya ng makita niya ang pangalan ng kapatid ng fiance niyang si Fate na si Destiny.
"Bakit nandito sa list si Destiny?" tanong niya sa sekretarya niya at nakita niya namang huminga ng malalim ang babae bago ito nagsalita.
"Sir si Ma'am Destiny po kasi ang compatible para sa advertisement isa pa kilala po kasi siya bilang isang kilala na model kaso dahil meron na siyang coffee shop ngayon bilang na lang ang mga sponsorships na tinatanggap niya, isa pa sabi sa board meeting kanina ay mas maigi kung si Ma'am Destiny ang kukunin natin dahil mas tataas daw ang magiging ratings ng advertisement," paliwanag nito sa kanya at napahinga naman ng malalim si Kaizo.
Naisip niya na baka di tanggapin ng babae ang kontrata kapag tinanong nila ito para mag modelo sa advertisement ng company nila dahil nasabihan niya ng masasakit na salita ang dalaga noong nalaman nito na na engage na siya sa kapatid nitong si Fate.
Hindi naman kasi manhid si Kaizo para hindi malaman na bata pa lang sila ay may gusto na sa kanya si Destiny at alam niyang isa iyon sa magpapahirap sa trabaho niya ngayon dahil sa personal na dahilan.
"Okay, cancel all of my appointments for now. I will go to her coffee shop and I will ask her if she's willing to model on our advertisement." sabi naman ni Kaizo at agad naman sinunod ng sekretarya niya ang sinabi niya rito at saka naman siya naglakad palabas ng opisina niya at saka pumunta sa parking lot para sumakay sa kotse niya at saka nagmaneho papuntang DESTINY SWEET & BLENDS.
Nang makapasok siya sa coffee shop ay napansin kaagad ni Kaizo na nagkakagulo sa loob at napansin niya na may customer na nagrereklamo kaya naman agad pinuntahan ni Destiny ang ginang na nag-iiskandalo sa kasalukuyan.
"Ma'am, what's the problem?" agad na tanong ni Destiny sa ginang ng tanungin niya ito at nagulat silang lahat ng tapunan ng ginang ng hawak nitong kape ang damit ni Destiny at natutop naman ni Kaizo ang mga bibig niya dahil alam niya na baka patulan ni Destiny ang matandang babae dahil spoiled brat ang dalaga pero hindi inaasahan ni Kaizo ang sumunod na nangyari.
"Look ma'am, I will apologize on behalf of my staff here pero sana po wag na kayong bumalik dito kung ganito niyo tatratuhin ang mga nagtatrabaho sa coffee shop na 'to dahil una po sa lahat di niyo kami pinapalamon kaya wala kayong karapatan na bastusin ang isa sa mga tao na nandito, hindi po nabibili ng pera ang dignidad ng tao." sabi ni Destiny at hindi naiwasan ni Kaizo ang mapanganga at mamangha sa inasal ni Destiny.
Nasanay na kasi si Kaizo na makitang bayolente ang dalaga pero sa pagkakataong iyon ay nakapagtimpi ito at maayos nitong kinausap ang nagwawalang costumer nito.
Nang umalis na ang ginang dahil napahiya ito sa sinabi ni Destiny ay nakita ni Kaizo na humarap ito sa isa sa mga tauhan niya.
"Ma'am sorry po talaga sa nangyari please wag niyo po ako sisantihin kailangan ko po ang trabahong ito pangako po pagbubutihan ko na sa susunod," mangiyak-ngiyak na turan ng babae.
"Look, hindi sisisantihin okay? Don't apologize to me dahil wala kang kasalanan, sadyang matapobre lang ang customer na 'yon. Don't worry I will add that woman to our black list para di na siya makabalik dito, but for now let me change my clothes." sabi naman ni Destiny at mas lalong namangha si Kaizo sa nasaksihan dahil mukhang nawala na ang Destiny na kilala niya dahil sobrang laki ng nagpapabago nito ngayon.
Pumunta kaagad sa kanyang opisina si Destiny at nagpalit ito ng uniform at matapos nun ay muli siyang lumabas at hindi ito nagulat ng makita si Kaizo kaya naman nagtaka ang lalaki sa inasta niya.
"Destiny," tawag niya sa dalaga kaya naman nakita niyang nagtatakang tumitig sa kanya ang dalaga.
"K-kaizo?" kunot-noong tanong nito sa kanya kaya naman di niya napigilang matawa ng marahan saka tumango.
"Yes, it's me." seryosong sabi niya sa dalaga kaya naman tumango lang ito sa kanya at nagtuloy lang ito sa pag-aayos ng mga orders kaya naman tumikhim muna ang binata bago muli nagsalita.
"I hope you can forgive me for what happened the other day," sabi niya sa dalaga at napansin niyang nag-isip pa ito.
"Ano bang nangyari?" tila inosenteng tanong nito sa kanya kaya naman napabuntong-hininga siya.
"What I mean is I didn't mean to hurt your feelings when you find out that I'm getting engage with Fate." paliwanag naman ng binata sa dalaga at nakita niyang natawa ito ng pagak.
"Oh, that? Sorry, I already forgot what happened that day. Don't worry, I already moved on, and I'm okay with it now. By the way, congratulations on your engagement." sinserong sabi ni Destiny sa kanya at naramdaman ni Kaizo na di siya makapaniwala sa inaakto ng babae dahil nasanay siya na palagi itong naghahabol sa kanya at nakaramdam siya ng kaunting pagkadismaya.
"I'm glad that you're fine now," mahinang turan niya sa dalaga at ngumiti lang ito sa kanya.
"Bakit ka nga pala napunta dito?" tanong naman ng dalaga sa kanya at naalala naman ni Kaizo ang pakay niya.
"I just wanted to ask you if you can model for our advertisement," sabi naman niya sa dalaga at nakita niya namang nagulat ito sa sinabi niya.
"A-ako magmomodel sa advertisement niyo?" sabi nito sa kanya at tumango naman siya bilang tugon sa dalaga.
"Yes, we need your popularity for our advertisement ratings." sabi naman niya dito at nakita niya naman na natahimik ang dalaga.
"I don't think I can model," sabi ng dalaga kaya naman napakamot ng ulo si Kaizo.
"Look, I will do everything you ask me if you agree to my proposal," sabi naman ni Kaizo at nakita niya naman na napaisip pa ang dalaga at saka ito huminga ng malalim.
"Kahit anong i-request ko ha?" sabi naman nito sa kanya at tumango naman siya bilang sagot.
"Okay fine, tell me when will I start the modeling," sabi nito sa kanya at nabunutan naman ng tinik sa dibdib si Kaizo dahil naisalba niya ang kumpanya nila sa advertisement.
"Thank you," nakangiting turan ni Kaizo sa dalaga at nakita niya naman na ngumiti lang ito sa kanya.
"I will text you later when I think about my request," sabi nito at tumango lang siya bilang tugon at nagulat siya ng hawakan ng dalaga ang kamay niya at may inabot itong box ng coffee at cake.
"Dalhin mo na 'yan, ipakain mo sa mga employees mo para naman mawala ang pagod nila, sometimes your employees need a reward when they did a good job you know," sabi ng dalaga at ngayon ay sigurado na si Kaizo dahil parang nauntog ang ulo ng dalaga at bigla na lang itong bumait at pakiramdam naman niya ay ibang tao ang nasa harapan niya ngayon.
---