CHAPTER 3: The Accident
THIRD PERSON'S P.O.V
Nang dumating ang araw ng sabado ay naghanda kaagad si Destiny dahil iyon ang araw na pupunta siya sa subdivision na pinatayo ng kumpanya ni Kaizo at nang makarating doon si Destiny ay panay naman ang natatanggap niyang message mula kay Sace kaya naman tinext ni Destiny ito na pumunta kung nasaan siya ngayon.
Nang makapasok si Destiny sa isa sa mga bahay na nasa subdivision ay nakita niyang biglang tumahimik ang mga staff ni Kaizo ng makita siya ng mga ito kaya naman marahang napangisi si Destiny dahil naisip niya na baka iniisip din ng mga ito na magagalit siya kapag narinig niya na maingay ang paligid niya katulad na lang sa nangyari sa coffee shop niya dahil noong nakaraan ay inisip din ng mga empleyado niya na magagalit siya kapag nakita niyang nagtsi-tsismisan ang mga ito at dahil hindi naman siya ang tunay na Destiny ay pinaliwanag niya sa mga ito na hindi na siya magagalit sa mga ito.
Matapos nyang mag-isip ay nakita ni Destiny ang isa sa mga staff na naroon na lumapit sa kanya.
"M-ma'am Destiny, aayusan na daw po k-kayo para makapagsimula na raw po kayo," sabi nito sa kanya kaya naman ngumiti lang siya dito saka tumango at napansin naman niyang nagulat ang babae dahil ngumiti siya rito at tila di ito makapaniwala na nakita siya nitong ngumiti.
Ngayon lang napansin ni Destiny na parang na deja vu siya dahil parang narinig niya na kung saan ang sinabi ng babae sa kanya at parang nakapunta na siya sa bahay na 'yun.
Habang inaayusan si Destiny ay nakita niya kaagad si Sace na papunta sa direksiyon niya.
"Anong meron? Akala ko hindi ka na magmomodelo?" agad na tanong nito sa kanya kaya naman malungkot siyang ngumiti sa lalaki.
"Well, pumayag ako sa isang kondisyon. Sinabi ko kay Kaizo na papayag ako magmodel sa advertisement nila kapag pumayag din siyang gagawin niya lahat ng i-rerequest ko sa kanya." sabi niya sa lalaki at nakita niya namang kumunot ang noo nito.
"Ano bang hihilingin mo sa kanya?" kunot-noong tanong nito.
"Well, sasabihin ko lang naman kay Kaizo na kumbinsihin niya si Fate para makipagdate sa 'yo kahit isang beses lang," sabi naman ni Destiny kay Sace at nakita naman niyang napangiti ito sa sinabi niya.
"Really? You will do that for me?" di makapaniwalang turan ng lalaki sa kanya kaya naman ngumiti siya rito.
"Of course, I will do that because I want you to be happy," sabi niya sa lalaki at nagulat naman siya ng yakapin siya nito kaya naman naramdaman niya ang pagkabog ng dibdib niya ng mga sandaling iyon at para siyang nakalutang sa langit dahil sa saya na nararamdaman niya.
Habang magkayakap sila ni Sace ay narinig nila ang pagtikhim ng isang lalaki malapit sa kanila at nang tingnan iyon ni Destiny ay nakita niya si Kaizo na nakatingin sa kanila at parang naiilang ito.
"Destiny magsisimula na ang shooting, ikaw na lang ang hinihintay nila ready ka na ba?" tanong ng bagong dating sa kanya at tumango naman siya bilang sagot at hinalikan naman ni Destiny sa pisngi si Sace bago niya iwan ang dalawa doon dahil pumunta na siya sa shooting area.
Kailangan kasi na parang pino-promote ni Destiny ang bahay na nasa loob ng subdivision at habang pinapakita ang parte ng bahay ay imo-modelo iyon ni Destiny kaya naman nakita ng dalawang lalaki kung gaano kasexy ang dalaga sa suot nitong fitted dress kung saan may butas ito sa bandang dibdib at nakikita nila mismo ang cleavage ng dalaga doon.
Habang nagsho-shooting si Destiny ay bigla niyang napansin ang kisame sa ibabaw ng dalawang lalaki ng maalala niya bigla ang past life niya kung saan naisulat niya sa nobela na maaaksidente si Kaizo at Sace dahil mahuhulugan ang mga ito ng mabigat na bagay dahil sinubukan nilang sagipin si Fate at sa pagkakataong iyon ay siya ang kasama ng dalawa kaya naman nagulat ang mga taong kasama nilang nandoon ng bigla siyang tumakbo sa direksyon ng dalawang lalaki at saka niya tinulak ang dalawa dahilan para mapaupo ang mga ito sa sahig at nagulat silang lahat ng mahulog sa kanya ang kisame kung saan nakasabit ang ceiling lamp at napasigaw si Destiny sa sakit ng maramdaman niyang nabasag ang isa sa mga lamp doon at bumaon ang bubog niyon sa paa niya.
"Des, why did you do that?!" nakita naman ni Destiny ang nag-aalalang si Sace ng lumapit ito at matauhan sa nangyari.
Agad binuhat ng lalaki ang ceiling lamp na nahulog sa paa niya pati na ang ibang parte ng kisame na nahulog saka naman lumapit sa kanya si Kaizo at halatang gulat na gulat ito sa nangyari.
"Why did you save us, Destiny? Y-you used to be selfish, and you don't care about o-others," sabi naman ni Kaizo sa kanya at nagulat na lang si Destiny ng suntukin sa mukha ni Sace si Kaizo.
"Don't you f*****g told that to her! Can't you see? Nagbabago na si Destiny kaya wag mo siyang iinsultuhin," galit na turan nito sa lalaki at saka naman siya binuhat ni Sace nang makitang dumudugo na nang sobra ang paa niya.
"Sorry g-guys, b-babawi na lang ako sa shoot sa susunod kapag m-maayos na ako," sabi ni Destiny sa mga staff bago sila sumakay ni Sace sa sasakyan nito ng makalabas sila sa bahay na pinanggalingan nila.
"Paano nila nagagawang pagshoot-in ka sa ganung klaseng bahay? Hindi man lang nila chineck kung matino ang bahay tapos gusto nila magpatira ng mga tao doon samantalang di naman matibay ang pagkakagawa sa bahay, what if something more than that happened to you?" sabi ng lalaki sa kanya at kahit papaano ay nakaramdam ng kasiyahan si Destiny dahil nakikita niyang nag-aalala talaga ng sobra sa kanya si Sace.
"What if kami ni Fate ang naaksidente sinong unang sasagipin mo," hindi namalayan ni Destiny na tinanong niya iyon kay Sace at nagulat siya ng hawakan nito ang kamay niya.
"I will save you of course," seryosong sabi nito sa kanya at nagulat si Destiny ng makita ang kamay ng lalaki sa kamay niya at nang mga oras na iyon ay nagwawala na ang puso niya.
"And why me?" agad na tanong niya kaya naman nagulat siya ng huminga ito ng malalim.
"Kaizo is always there for Fate, and I'm just another man who's in love with her, and we're the same. That's why I'm the one who will protect you from now on. I'm sorry if I didn't do this to you before as your childhood friend, and I can't imagine how lonely you are before. Now I'm starting to understand why you're always stubborn," sabi ni Sace sa kanya at nagulat ito nang yakapin niya ito dahil bigla na lang napaiyak si Destiny sa narinig niya.
Para bang tinutukoy ni Sace ang tunay na pagkatao niya na si Joyce na palaging nag-iisa sa past life niya.
"T-thank you f-for staying by my side now," mahinang turan niya sa lalaki at nagulat naman siya ng maramdaman na niyakap din siya nito pabalik bago ito nagmaneho papuntang hospital at nang makarating sila doon ay maraming tao ang nakatingin sa kanila dahil nagulat ang mga ito na nandoon si Destiny.
Dinala kaagad siya sa emergecy room at ilang oras din naghintay si Sace sa labas ng E.R bago tuluyang lumabas doon ang doctor.
"What happened to her doc?" tanong kaagad ni Sace sa doctor ng makalabas ito.
"Sa ngayon ay nilunasan na namin ang natamo niyang sugat pero kailangan niya pa rin mag-stay sa hospital ng ilang araw para maipahinga niya ang binti niya dahil nakatamo ng pilay ang pasyente at namaga ang paa niya dahil doon kaya naman kailangan muna namin gamutin ang binti niya bago namin siya payagan na makalabas ng hospital." paliwanag ng doctor sa kanya bago ito nagpaalam na aalis sa kanya.
Simula ng huling makita ni Sace si Destiny ay para lang siyang nanaginip niyon dahil sobrang laki ng pinagbago ng dalaga simula ng huli silang kumain sa restobar na magkasama at natutuwa naman si Sace sa pagbabago ng dalaga dahil simula pagkabata nila ay hindi ito nakikihalubilo sa ibang tao at natuwa siya dahil kahit papaano ngayon ay nagiging malapit na sila sa isa't-isa at nakaramdam ng pagsisisi si Sace dahil naramdaman niyang nahuli na siya dahil ngayon lang niya narealize na sobrang lungkot pala ng pagkatao ni Destiny dahil lumaki itong walang kaibigan dahil lahat ng taong lalapit dito ay palagi nitong pinagtatabuyan at nasaktan siya para sa dalaga dahil maski ang lalaking una nitong minahal ay ikakasal pa sa kapatid niya kaya naman naisip ni Sace na kahit pa masakit para sa kanya na makasal si Fate kay Kaizo na babaeng mahal niya ay hindi pa rin iyon matatapatan ang sakit na nararamdaman ni Destiny ng malaman nito ang engagement ng dalawa at hindi siya makapaniwala na kahit pa nasasaktan ito ay tinutulungan siya ngayon ng dalaga para lang mapalapit sa kapatid nito sa paraan na alam nito.
At kahit na ganun ay gusto rin ni Sace na manatili sa tabi ngayon ni Destiny dahil alam niyang siya lang meron ang dalaga ngayon dahil kahit ang mga magulang ng mga babae ay walang pakialam sa kanya dahil sa dami ng kasalanan ng dalaga sa mga ito dahil puro sakit ng ulo ang binibigay sa mga magulang nila noon pero ngayon na nakikita ni Sace na tuluyan ng nagiging ibang tao si Destiny ay nangako siya sa sarili niyang hindi niya na iiwan ito kahit kailan.
---