PROLOGUE
Prologue: The Reincarnation
JOYCE/DESTINY'S P.O.V
"Ms. Gomez ilang beses ko bang sasabihin na bukas na ang due date ng manuscript mo kaya hindi mo na pwedeng i-adjust ang petsa ng pasahan ng manuscript mo?" seryosong sabi sa akin ng editor kong si Jake.
"Sir, kailangan ko lang po mag-extend dahil hindi ko pa rin po natatapos ang story. Kailangan ko pa po ng palugit bago ko maipasa ang manuscript ko," pagmamakaawa ko kaya naman nakita ko namang napabuntonghininga ito.
"Pasensiya ka na talaga, Ms. Gomez, madaming tumatangkilik sa mga nobela mo lalo na ang Splintered Heart kaya naman kailangan mo nang tapusin ang nobela mong ‘yon dahil maraming readers ang pilit na nangungulit sa amin kung kelan naman ire-release ang book mo kaya kailangan mo na tapusin ang storya na ‘yon sa lalong madaling panahon dahil malaki ang maitutulong no’n sa reads mo," sabi naman niya sa 'kin kaya naman napasimangot ako.
"S-susubukan ko kung maipapasa ko bukas ang manuscript," sabi ko at nakita ko namang umiling siya.
"Wag mong subukan, gawin mo," sabi niya sa 'kin bago ako iniwan sa desk ko kaya naman agad akong napasubsob sa mesa ko.
Ano bang gagawin ko?! Bukas na ang pasahan ng manuscript at hindi ko pa rin naiisip kung anong magandang ending para kay Fate at Kaizo na main characters ng story ko.
Kilala ako bilang si Writeristic kaya kailangan di ko mabigo ang mga mambabasa ko kaya naman napabuntonghininga na lang ako saka ako malungkot na lumabas ng building namin at nakita ko naman ang mga kasama ko sa trabaho na masayang nag-uusap habang palabas ng building.
Ang alam ng mga tao ay napakagaling ko at marami akong kaibigan dahil sikat ang isa sa mga nobela ko pero ‘di nila alam na loner ako sa totoong buhay at ni isa sa mga taong kilala ko ay wala man lang gustong makipagkaibigan sa akin kaya naman nasanay na ako sa buong buhay ko na mag-isa lang ako dahil ‘di naman ako maganda bukod pa roon ay nerd ang tingin sa akin ng mga taong nakapaligid sa akin dahil sa pagiging obsess ko sa pagsusulat.
Kaya naman sa pamamagitang ng pagsusulat ko dinadaan ang mga sama ng loob ko kaya ‘di ko inaasahan na maraming tao na magugustuhan basahin ang Splintered Heart na gawa ko kahit na ang lungkot lang naman ng istorya ko.
Balak ko kasing gawin na sad ending ang nobelang ‘yon kaso naiisip ko ang mga magiging reaksyon ng mga mambabasa ko kapag nalaman nilang mamamatay lang si Fate sa huli.
Kaya naman nahihirapan ako isulat ang ending dahil dun ako nagkamali, sinulat ko ng tuloy-tuloy ang nobela ng di ko man lang naisip kung ano bang magandang ending para sa dalawang bida ko sa nobelang sinulat ko.
Bagsak ang mga balikat na pumunta ako sa parking lot saka ko sumakay sa sasakyan ko at nagpasiya akong sa apartment na lang ako magsusulat kaya naman nagsimula na akong magmaneho.
Hindi naman ako pinanganak na mayaman, dahil sa nobela ko kaya ako nakabili ng sasakyan at nakaupa sa apartment pero compare sa ibang mga manunulat na kilala ko ay mas maganda ang mga buhay nila habang ako mag-isa na lang sa buhay dahil ulila na akong lubos at wala rin akong nobyo dahil lahat ng mga lalaking nagkakagusto sa akin kapag nalaman nila ang obsession ko sa pagsusulat ay sinasabi nilang creepy daw ako kaya naman nagpasiya na akong sa loob ng 28 years na pamumuhay ko ay hindi na ako magnonobyo.
Habang nagmamaneho ako sa madilim na daan ay bigla na lang kumabog ang puso ko ng makita ko ang truck na papasalubong sa sinasakyan ko at bago ko pa marealize ang lahat ay sumalpok na ang sasakyan ko sa truck at naramdaman ko ang paggulong ng sasakyan ko papuntang bangin at naramdaman ko na lang ang pag-ikot ng paningin ko at pagsakit ng buong katawan at ulo ko!
At sa mga sandaling iyon ay napaiyak na ako dahil alam ko na sa mga oras na ‘yon ay imposible pang mabuhay ako dahil ilang minuto lang ay sasabog na ang sasakyan ko kaya naman ng maramdaman ko ang panghihina ng katawan ko ay agad namang nandilim ang paningin ko.
***
Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang ceiling lights sa taas ng kisame at nang igalaw ko ang mga katawan ko ay di naman ako nakaramdam ng sakit ng katawan kaya naman bumangon ako sa higaan at nakita kong nasa loob ako ng magandang silid!
Nakita kong karamihan na mga nakalagay na gamit sa kwarto na ‘yon ay puro mamahaling gamit at ang iba ay gawa pa sa mga ginto kaya naman nanlaki ang mga matang umikot ang paningin ko!
"Nasaan ako?!" agad na sabi ko sa sarili ko kaya naman agad kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at bago pa ako makalabas ay nauntog ako sa taong papasok naman ng silid kaya naman upo ako sa sahig at kasabay nun ay natapon sa akin ang malamig na juice!
At nang mapatingala ako ay nakita ko ang isang maid at nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa akin at tila natulala ito kaya naman agad akong tumayo at nang akmang hahawakan ko ito sa balikat ay nakita kong agad nitong sinalag ang mga braso niya.
"Ma'am Destiny patawarin nyo po ako di ko na po uulitin please po wag n’yo akong sisantihin mahal ko po ang trabaho ko at kailangan a-ako ng pamilya ko!" naiiyak na turan nito kaya naman kumunot ang noo ko.
"What did you call me?" tanong ko at nakita ko namang dahan-dahan itong napaharap sa akin.
"M-ma'am D-destiny?" nagtatakang tawag niya ulit sa 'kin kaya naman napalingon ako sa paligid namin at nakita ko namang dalawa lang kami ang tao sa loob ng silid.
"A-ako ba ‘yong tinawag mong Destiny?" takang tanong ko at nakita ko namang naguguluhan siyang tumango sa akin.
"A-ayos lang po ba kayo ma'am?" tanong niya kaya naman napakamot ako sa ulo ko saka ko natawa ng sarkastiko.
"S-sigurado ka bang a-ako si Destiny, ‘d-di kaya nagkakamali ka lang?" sabi ko at nakita ko namang nagsimula na itong matawa nang mahina.
"Ano bang nangyari sa inyo ma'am? Nagising lang kayo t-tapos ‘di n’yo na kilala kung sino kayo?" takang sabi niya sa akin kaya naman napabuntong-hininga ako dahil naguguluhan ako sa mga pangyayari.
"S-sino ka nga ulit?" takang tanong ko at nakita ko namang ngumiti siya.
"Ako po si Lina, personal maid n’yo," sabi niya kaya naman napatango-tango ako.
"Naguguluhan talaga ako p-parang nakakapanibago at nakakapagtaka na tinatawag mo kong Destiny kahit na ako naman talaga si Joyce hindi kaya napagkamalan n’yo lang ako?" takang tanong ko ulit at nakita ko namang huminga ito nang malalim.
"Ma'am ganito po kasi ang nangyari, umuwi po kayo kagabi na lasing dahil nalaman n’yong engaged na po ang ate n’yong si Ma'am Fate kay Sir Kaizo at dahil may lihim kayong nararamdaman para kay Sir Kaizo nagpakalasing kayo kagabi dito sa kwarto n’yo at ako po ang naglinis ng silid n’yo at pinunasan ko po kayo para mawala ang hang-over n’yo kaso po sa nakikita ko ay malakas po yata ang hang-over n’yo o nauntog po kayo?" sabi naman ni Lina sa akin kaya naman agad bumagsak ang panga ko nang ma-realize ko na kung anong nangyayari!
Ibig bang sabihin nito totoong namatay ako sa past life ko at nabubuhay na ako ngayon sa katauhan ng isa sa mga karakter ng nobela ko na Splintered Heart at ngayon ay isa akong kontrabida? Pero kung ako na si Destiny ngayon nasaan ang tunay na Destiny?!
Oh my gosh! Ngayon na-realize ko na kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ni Lina nang matapunan niya ako.
Kilala sa nobela ko si Destiny bilang brat at pinakamasamang babae dahil lahat ng tao sa paligid niya ay iniinsulto at minamaliit niya dahil nabulag siya sa pagmamahal niya kay Kaizo kaya naman tinatrato niya nang masama ang mga taong nakapaligid sa kanya pero kung ano na ngayon si Destiny, hindi ko na kayang gawin ang mga bagay na ‘yon dahil hindi naman ako ang totoong in love kay Kaizo o sa kahit na sino dahil ngayon lang ako napasok sa mundo at buhay na 'to at ang tanging alam ko lang ay ang takbo ng kwento kaya naman a-anong mangyayari kapag nagbago ang katauhan ni Destiny?
H-hinding-hindi ko kayang maging kasingsama ni Destiny dahil hindi naman talaga ako siya.
"O-okay na-realize ko na lahat, by the way gusto ko palang humingi ng sorry sa 'yo sa mga nagawa ko noon pero maniwala ka man o sa hindi, ‘di ko talaga maalala kung anong nangyari sa akin at pangako ko sa 'yo na hindi na mauulit ang mga ginawa kong masasama sa 'yo," sabi ko kay Lina at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong naiiyak na siya kaya naman napangiti ako at saka siya niyakap nang mahigpit bago ako napabuntong-hininga.
Hindi ko alam kung paano nangyari na napunta ako sa katauhan ni Destiny pero isa lang ang masasabi ko, hindi ko kayang gayahin ang tunay ni Destiny kaya sana sa huli ay wala akong pagsisihan kung umakto lang ako na tunay na ako si Joyce Ann Gomez o mas kilalang si Writeristic.
---