CHAPTER 1

1576 Words
CHAPTER 1: Comfort JOYCE/DESTINY'S P.O.V Matapos naming mag-usap ni Lina kanina ay iniwan niya rin ako kaagad kaya naman agad akong naligo at nagbihis at habang tinitingnan ko ang lamat ng walk-in closet ni Destiny ay ‘di ako makapaniwala dahil puro magagarang dress iyon at ngayon ko lang na-realize na hindi nga pala sanay magsuot ng jeans at t-shirt si Destiny sa novel ko kaya naman puro fitted dress at iba't-ibang style ng dress lang ang sinusuot niya dahil sophisticated si Destiny. Huminga ako nang malalim bago kinuha ang spaghetti dress na kulay pula sa closet ni Destiny kaya naman ‘yon na lang ang sinuot ko at habang nakatingin ako sa salamin ngayon ay ‘di ko maiwasang mapanganga dahil maganda pala si Destiny. At dahil ako ay nasa katauhan niya, ‘di ko maiwasan ang mapangiti dahil sa buong buhay ko ay ngayon lang ako naging maganda sa paningin ko at ngayon lang ako naging makinis dahil maputi ang katawan ni Destiny. At dahil ako ang kumukontrol sa katawan ni Destiny ngayon ay naisip ko na lang na kumilos sa tunay na ako. Wala namang masama kung umakto ako bilang tunay na ako. Nang matapos kong magbihis ay kumuha naman ako ng stiletto sa ibabang baitang ng walk-in closet ko at ipinares ko iyon sa suot kong dress kaya naman nang sinuot ko iyon ay nanakit ang paa ko dahil naninibago ako dahil ‘di pa naman ako nakakapagsuot ng stiletto dahil puro doll shoes ang sinusuot ko sa past life ko. Nang makapag-ayos na ako ay ‘di na ako nag-make up dahil lip balm lang ang nilagay ko sa labi ko saka ko nilugay ang buhok ko. Nang matapos ay dahan-dahan akong naglakad pababa sa hagdan at dahil ‘di ko namalayan na natapilok ako ay naramdaman ko na lang na babagsak ako at bago pa mangyari ‘yon ay naramdaman kong may mga bisig na nakapulupot sa bewang ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang gwapong lalaki na nakaputing long sleeves at naka-fix ang buhok nito sa kabilang side ng ulo niya. Kulay gray ang mga mata nito, matangos ang ilong at makapal ang mga kilay. "Are you okay, Des?" Agad akong natauhan nang marinig kong tinawag ako nito kaya naman inayos ko ang pagkakatayo ko pero naramdaman kong na-out balance ako kaya naman ‘di ko namalayan na nahila ko ang damit niya dahilan para masira ang dalawang magkasunod na butones niyon at nakita kong nakalabas na ang dibdib nito kaya naman napalunok ako at naramdaman kong namumula ang mukha ko dahil sa kahihiyan. "S-sorry! Hindi ko sinasadya n-natatapilok kasi ako eh!" agad na sabi ko at nagulat ako nang marinig kong tumawa siya. Habang nakatingin ako sa kanya ay naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko at napansin ko rin ang dimples niya sa pisngi. "Wow! For so many years, ngayon lang kita narinig na mag-sorry sa mga taong nakakaharap mo, what happened? Umiba na yata ang ihip ng hangin sa 'yo ah?" sabi niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at saka ako napairap. "Iniinsulto mo ba ako?" sabi ko at nakita ko namang muli siyang napatawa nang marahan kaya naman huminga ako nang malalim. "B-by the way a-ano pa lang ginagawa mo dito?" tanong ko at nakita ko namang agad din siyang sumeryoso nang marinig ang sinabi ko at bago pa siya makapagsalita ay narinig ko ang isang babae na nagsalita. "Skye, you're here!" sabi ng babae mula sa itaas kung saan ako galling. Kumunot ang noo ko nang ma-realize ko kung sino ang lalaki sa tabi ko. Siya si Skye Ace ang kababata nina Destiny at Fate na second male lead sa story ng Splintered Heart. "Hey, are you free today? Maybe we can eat lunch together, Fate?" sabi ni Sace at kaya Sace ang sinabi ko, dahil short cut iyon ng pangalan ni Skye Ace. "Sorry, Skye, I'm going to meet Kaizo today, so I can't go out with you. I'm sorry," sabi naman ni Fate kaya naman nang halikan siya ni Fate sa pisngi nang makababa ito ay agad din kaming nilagpasan nito. Napansin ko naman na napahinga nang malalim si Sace sa tabi ko ng makita kong nakatanaw siya kay Fate na papalabas ng mansion. "Do you really like her?" Hindi ko namalayan ang sarili ko na tinanong siya no’n. "Yes, I do like her," sabi niya kaya naman napalabi lang ako at saka ako nagpasiyang iwan na sana siya nang maramdaman kong hawakan niya ang braso ko kaya naman agad akong napalingon sa kanya. "Do you have plans today?" seryosong sabi niya kaya naman agad akong napatawa nang pagak. "So, you're going to use me as a rebound now?" pang-aasar ko sa kanya at nakita ko namang kumunot ang noo niya. "No, of course not! I-I just want you to have lunch with me because I cook something in the restaurant today," sabi niya kaya naman agad kong naalala na mahilig nga palang magluto si Sace. "Okay fine, I'm coming with you," sabi ko at nagulat naman ako nang makita kong ngumiti siya at gaya kanina ay naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko at saka ako nagpahila sa kanya papunta sa kotse niya at nang makasakay kami doon ay agad din siyang nagmaneho papunta sa Redux Restobar na pag-aari ng pamilya nila. "What do you want to drink?" agad na tanong niya sa akin nang makaupo kami sa VIP seat sa loob ng restobar. "I just want an iced tea," sabi ko lang at saka naman siya tumango. Hindi rin naman kami naghintay ng matagal bago i-serve ang pagkain namin at nalaman ko na ang pagkain na inihanda para sa 'min ay ang pagkain na niluto ni Sace. Agad na kuminang ang mga mata ko nang makita kong isa ang carbonara kaya naman ‘yon kaagad ang kinuha at kinain ko. Nakita ko namang mahinang natawa si Sace habang nakatingin sa akin. "You know what Des? I like the version of you now, ibang-iba ka kumilos ngayon kaysa sa palaging kinikilos mo noon," sabi niya kaya naman napangiti ako. 'Do you like me as a Joyce, huh?' Napangiti ako ng maisip ko iyon kaya naman ‘di ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. "Thank you for the food, ang sarap ng carbonara na niluto mo," sabi ko at nakita ko namang napangiti siya sa sinabi ko. "Well, I didn't know that you like these foods," sabi niya kaya naman muli akong napangiti. "I know this is weird but I want to know if I hurt you before," sabi ko at nakita ko namang natigilan siya sa tanong ko. "W-wow, you look like you had amnesia," ‘di makapaniwalang sabi niya kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko. "Well?" naiilang na turan ko at narinig ko namang muli siyang natawa nang marahan. "I'm so amaze, but don't worry hindi naman malala ang mga ginawa mo sa 'kin, naranasan ko lang naman masapak ng isang Destiny noong inasar kita na noong mga bata pa tayo na di ka magugustuhan ni Kaizo," sabi niya kaya naman agad akong napabitaw sa kutsara ko at agad akong nabilaukan sa sinabi niya kaya naman dali-dali akong napainom ng tubig. "I-I'm sorry sa mga nagawa ko sa 'yo," sabi ko nang makahinga na ulit ako nang maluwag at nagulat ako nang napangisi siya. "Apology accepted. I hope you won't go back in your old self because I like the way you are now," sabi niya at nakita kong seryoso siya nang sabihin niya iyon kaya naman muli akong napahawak sa dibdib ko dahil kumakabog na naman ang puso ko at isa lang ang masasabi ko. Crush ko yata si Sace at hindi ko rin ine-expect na magkakagusto ako sa isa sa mga karakter ng story ko. Hindi ko lang ineexpect na napaka-wholesome niya pa lang tao kapag naging tunay siyang tao at ngayon na nae-experience ko 'to, ‘di ko maiwasang matuwa dahil sa buong buhay ko bilang si Joyce ay ngayon ko lang naramdaman na hindi ako mag-isa dahil kasama ko si Sace. "I-I hope we can hang out again next time," nahihiyang sabi ko sa kanya at nakita ko namang napangiti siya sa sinabi ko. "Sure," sabi niya kaya naman nang matapos kaming kumain ay nagpasiya kaming maglakad-lakad muna at habang naglalakad kami ay di ko ine-expect na makikita namin si Fate at Kaizo na masayang nag-uusap sa loob ng isang mamahalin ring restaurant at nang mapabaling ako kay Sace ay nakita ko na nasasaktan siya kaya naman naikuyom ko ang kamao ko. "Do you want me to help you to get closer with Fate?" ‘di ko namalayang sabi ko sa kanya at nakita kong nagulat siya nang mapatingin siya sa akin. "How?" desperadong sabi niya kaya naman huminga ako nang malalim. "Practice to me first," sabi ko at nakita kong nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko sa kanya ng mga oras na 'yon pero isa lang ang alam ko, gusto ko na makalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Fate para ‘di ko na siya makitang masaktan pa ulit dahil siya lang ang unang lalaking nagustuhan ko nang ganito at ito yata ang sinasabi ng karamihan na love at first sight. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD