CHAPTER 4

1562 Words
CHAPTER 4: Request JOYCE/DESTINY'S P.O.V Nagising ako at nasilaw ako sa ilaw sa kisame at nang iikot ko ang paningin ko ay narealize ko na nasa hospital nga pala ako at naramdaman ko ang pamamanhid ng binti ko dahil sinimento ito ng doctor dahil nagkaroon ako ng injury kaya naman aabutin pa ako ng ilang araw bago ako makalabas ng hospital. Napalingon ako nang makita ko ang pagbukas nang pintuan ng ward at nakita ko si Kaizo at may dala-dala itong fruit basket at saka niya ito nilapag sa tabi ng higaan ko. "I'm glad that you're awake now," seryosong sabi niya sa akin at saka naupo sa tabi ng kama ko. Kumunot naman ang noo ko dahil nakita ko na siya ang kasama ko at hindi si Sace na naghatid sa akin sa hospital kaya naman huminga muna ako nang malalim saka bumaling sa kanya. "Si Sace nasaan?" agad na tanong ko at nakita ko namang natigilan siya saka napakamot sa batok niya. "He went outside earlier, and we didn't talk because I know that he didn't want to talk to me either," Marahan naman akong napatango kaya naman nakita kong napatingin sa 'kin si Kaizo nang seryoso. "Did your foot still hurt?" marahan naman akong umiling. "I'm fine now," "I'm glad to hear that. By the way, I'm sorry for what happened at the venue. I'm the one who's responsible for your injury because we didn't check the place before we started to shoot the advertisement; I'm sorry," he told me sincerely. Muli akong umiling sa kanya at saka marahang ngumiti. "Nah, it's okay and don't mind it." "No, tell me if you want me to do something because I'm willing to do it so that I can make it up to you," seryosong sabi niya kaya naman naalala ko si Sace at 'yong pinangako ko sa kanya na makakadate niya si Fate. Hinawakan ko ang kamay ni Kaizo at nakita ko ang pagkabigla niya nang gawin ko 'yon sa kanya kaya naman ngumiti ako nang marahan. "Really? You'll do what I want?" Marahan naman siyang natawa at saka tumango. "Yeah, I'll do it. So what's your favor?" Kunwari ay napapaisip pa ako saka ako humarap sa kanya bago huminga nang malalim bago sumagot sa tanong niya. "Then will you let Sace to date Fate?" "What?!" kita kong nagbago ang ekpresyon ng mukha niya dahil sa pagkabigla sa sinabi ko kanina. "Are you serious, Destiny?" "Yes! I'm serious do you think I'm kidding?" seryosong sabi ko sa kanya at bigla na lang akong natauhan sa sinabi ko na 'yon kay Kaizo dahil na-realize ko na magtataka nga naman siya kung bakit gusto ko na mag-date si Fate at Sace kaya naman agad akong nagsalita nang mahina ulit. "So that y-you can take care of me..." Nakita at narinig ko naman na huminga siya nang malalim. "I thought that you already moved on, and I thought that you don't have feelings for me now, but I guess you can't still forget about that," "I'm sorry, I lied. But please, can you do that for me? 'Di ba gusto mo makabawi sa akin, then let them date." seryosong sabi ko at nakita ko naman napapikit siya nang mariin. "Fine, I'll do what you want but it's only this time okay? After that I want you to move on for real okay?" seryosong sabi niya kaya naman napangiti ako pero deep inside ay nasasaktan ako dahil tinutulungan ko lang naman maging masaya si Sace pero ano bang magagawa ko tao lang naman ako at gusto ko lang naman sumaya 'yong lalaking gusto ko. "Thank you," ngiting sagot ko at nakita ko namang inabot sa akin ni Kaizo 'yong binabalatan niyang mansanas kaya naman napangiti ako at saka inabot 'yong prutas na binibigay niya sa akin saka ko kinain 'yon. Gwapo naman si Kaizo kaya naman di na rin ako nagtataka kung bakit dahil ako ang lumikha sa kanila sa nobela ko at sa mundong 'to kaya naman hindi ko rin maintindihan kung ano ba talagang nangyayari dahil 'yong totoong ako na si Joyce ay nagkakagusto sa fictional character na si Sace na naging totoong tao dahil napasama ako sa isa sa mga characters kaya naman hindi ko rin alam kung ano bang mangyayari sa mga susunod dahil ang prediction ko na mangyayaring aksidente sa kanila ay nagkatotoo gaya ng sinulat ko noon sa nobela at ngayon lang ako nakaramdam ng kaba nang maalala ko bukod sa aksidente na 'yon sa venue ay marami pang mangyayaring aksidente at isa sa mga may kagagawan nun ay ako-- I mean si Destiny dahil sa pagkabulag niya sa pag-ibig ay marami siyang nasaktan na tao sa paligid niya at hindi ko alam kung mangyayari pa rin ba ang mga bagay na naisulat ko sa nobela dahil isa na ako sa mga tauhan. At bilang si Joyce sa katauhan ni Destiny ay hindi ko naman magagawang mag-utos nang ibang tao para lang pumatay o magbalak nang masama sa iba at gusto ko sisihin ang sarili ko dahil do'n dahil kung alam ko lang na mabubuhay pala ako bilang tauhan sa Splintered Heart hindi ko sana masiyadong pinahirapan si Fate at hindi ko ginawang masama si Destiny kaya naman hindi ko alam kung mababago pa rin ba ang takbo ng storya ngayong kasama na ako sa mga tauhan at hindi ko alam kung sila Fate at Kaizo pa rin ba ang magkakatuluyan kung tutulungan si Sace na mapalapit kay Fate dahil imposible man na magustuhan siya ni Fate ay alam kong may tiyansa pa rin kung susubukan namin ang makakaya naming dalawa. "Destiny do you hear me?" agad akong napakurap at natauhan nang marinig ko ang boses ni Kaizo na tinatawag ako kaya naman napatikhim ako. "S-sorry, a-ano nga ulit ang sabi mo?" "I said, I already texted Fate that I'm going to dinner with her, but I want you to tell Skye to meet Fate as you wanted them to date," sabi niya kaya naman napanganga ako dahil hindi ako makapaniwala na gagawin at siya ang magpaplano kung paano magde-date si Fate at Sace. "Oh! T-thank you," pasalamat ko kay Kaizo saka ako napakamot nang ulo ko. "What about you? Do you want me to stay here all night so that you can be with me today? Don't get the wrong idea okay? I'm only doing you a favor because I owe you something and I'm not doing this b-because I want to." seryosong sabi ni Kaizo kaya naman hindi ko alam kung nasasaktan ba ako dahil hindi niya talaga minahal si Destiny o nasasaktan lang ako para sa totoong Destiny na ganito pala ang pakiramdam kapag ikaw ang nasa kalagayan ni Destiny na mahirap pala pag walang taong may gustong magmahal sa 'yo at nagsisisi na ako kung bakit ko ginawa kay Destiny ang mga bagay na 'to at naging masama siya dahil sa kagustuhan niyang may magmahal sa kanya samantalang pareho lang kami ni Destiny na parehong mag-isa sa buhay. "I understand, and I want you to be happy too because I'm tired of being selfish. I want to change myself before it's too late. That's why I don't want to be bad anymore. If only I can be happy like you guys, b-but it's impossible for me b-because I don't have someone who can love me as I love to them," huminga ako nang malalim matapos sabihin 'yon dahil naramdaman ko ang pagbabara ng lalamunan ko at kasabay nun ang pagpatak ng aking luha na hindi ko namamalayan. Pinunasan ko ang mga luha ko saka ako muling nagpatuloy. "You'll never understand my pain b-because Fate always loved you, and for us who didn't love back by our loved ones. It's hard for us to move on because every time we face a new day, it reminds us that no matter what we do, no one can love us like how we love the person we loved. So I w-want you to understand that it's n-not easy t-to be alone forever, I-I only want to be loved you know b-but it's hard," Natigilan ako sa pag-iyak ng maramdaman ko ang mainit na yakap ni Kaizo at hindi ko ine-expect na yayakapin niya ako kaya naman ng maramdaman ko ang yakap niya ay napayakap din ako sa kanya nang mahigpit at ramdam ko ang init ng yakap niya na ang sarap sa pakiramdam. Kung si Sace siguro ang yumayakap sa akin ngayon ay ang saya-saya ko na pero okay na rin sa akin dahil hindi ko namalayan na nilalabas ko na pala kay Kaizo ang sama ng loob ko sa nakaraang buhay bilang si Joyce at ngayong ako naman ang tumatayong si Destiny ay wala pa ring tao na nagpapahalaga sa akin at ngayon ko lang na-realize kung gaano ako kalungkot sa nakaraang buhay ko dahil mag-isa lang ako noon at wala akong kaibigan at pamilya na malalapitan sa tuwing nalulungkot ako dahil walang kahit na sino ang may gustong magmahal sa akin kaya naman masyado palang mabigat para sa akin ang gampanan ang pagiging si Destiny dahil ang role ko pa rin sa buhay ko na 'to ay mapasaya ang ibang tao kahit na malungkot man ako dahil 'yon lang ang paraan para makilala nila si Joyce at sa panahon naman na 'to ay ginagawa ko pa rin 'yon para makilala naman nila si Destiny. ---  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD