Bago matulog kinagabihan, napatingin si Dexter sa cellphone nya. Naisip niya si Leslie.
'Bat kaya hindi sya nagtetext? Hindi kaya may boyfriend na sya. Kahit may bf na siya, si Dexter Roque ako walang babaeng humi-hindi sakin.'
Inilayo na lang niya ang cellphone sa kanya. Papikit na siya nang marinig ang malakas na tugtog sa kabilang kwarto.
'Potangina talaga ng babaeng 'to eh gabing gabi na nagtitiktok pa.!'
Nakita niya ang makapal na libro sa ibabaw ng mesa sa tabi ng kama. Kinuha niya yun at binato sa dingding na yari sa plywood. Malakas yun tumama sa dingding. Napansin niya ang maraming gasgas ng dingding na yun sa kababato niya ng kung ano ano sa tuwing mabubwisit sa ingay ng kapatid na si Desiree. Maya maya ay tumigil na ang malakas na ingay sa kabila. Papikit na uli siya ng marinig niya uli ang tugtog pero medyo mahina na yun. Itinakip na lang niya ang unan sa tenga niya. Alam niyang hindi na niya masasaway ang pasaway niyang kapatid.
Sa P.E class ni Leslie ay iba't ibang sports ang topic nila. Habang nakaupo sa sports field at nagdidiscuss ang professor ay dumating si Dexter.
"Nandito ngayon sa Mr. Roque para magturo sa inyo ng basic moves sa paglalaro ng basketball. Mag thank you kayo sa kanya kahit busy sya hindi sya nagdalawang isip na pumayag na magturo sa inyo" Sabi ng Professor.
"Thank you Dexter"
"Salamat"
"I love you Dexter"
Naalala ni Leslie na binigyan sya ni Dexter ng papel na may nakasulat na cellphone number kahapon para itext nya pero hindi nya yun ginawa.
Napayuko na lang sya ng ulo at nagtago sa likuran ng nasa harapan nya para hindi sya nito makita.
Ilang sandali pa ng magsalita na si Dexter.
"Alam nyo madali lang naman matutunan ang paglalaro ng basketball. Syempre kung gusto mong maglaro ng basketball ang una mong dapat matutunan yung general rules at objectives ng laro. May mga moves na bawal sa basketball. For example, kung gusto mong tumakbo sa court kailangan mong idribble ang bola hindi mo pwedeng bitbitin habang naglalakad o tumatakbo sa court. May mga line din na nakapalibot sa court, boundary yun"
Marami pang mga bagay ang pinaliwanag si Dexter tungkol sa paglalaro ng basketball at lahat ay seryosong nakikinig sa kanya. Napapansin ni Leslie na panay ang sulyap nito sa kanya.
"Ididivide ko kayo sa dalawang group ha. Pumwesto dito sa left side yung may mga boyfriend/girlfriend na. Doon naman sa right side yung mga single."
Nagsipagtayo ang mga estudyante at pumwesto sa group kung san sila nabibilang. Si Dexter ay tahimik na nakamasid kay Leslie.
Habang papunta si Leslie sa right side dahil wala naman syang boyfriend ay naisip nya na mukhang interesado sa kanya si Dexter kahit may gf na siya kaya naisip nya na pumwesto na lang sa left side para isipin ni Dexter na may boyfriend na sya. Napasulyap sya kay Dexter na nakatingin sa kanya.
"Huy Leslie bakit nanjan ka wala ka naman boyfriend. Dito tayo." Biglang sigaw ni Rhea ng pumwesto siya sa left side.
"Oo nga dun ka sa single." Pag sang ayon pa ni Cecil.
"Ha sorry akala ko kasi dito eh." Napakamot na lang sya ng ulo habang lumilipat ng pwesto.
"Oh sige na magsiupo na kayo." Abot tenga ang ngiti na sabi ni Dexter.
"Bat mo sila pinagroup?" tanong ng professor
"Eh warm up lang yun Sir mga inaantok kasi sila eh... Oh diba mga nabuhay ang dugo nyo." Tumawa siya.
"Before I show you the different basketball moves, I'll give you some tips. First. Bago ka maglaro ng basketball kailangan ihanda ang sarili mag-stretching mula ulo hanggang paa kasi kailangan isip muna bago puso dapat isipin mo sa papasukin mo eh handa kang masaktan ano man ang kalalabasan. Pangalawa. Habang naglalaro, pilitin mo na maagaw ang bola. Parang pag ibig lang yan hindi hinihintay, inaagaw yan. Paghirapan mo kahit madaming nakapalibot sa kanya wag mo syang bitawan. Ipaglaban mo sya. Wag na wag mong papaagaw pag nasa sayo na."
Panay ang sulyap niya kay Leslie habang nagsasalita. Nagtawanan at palakpakan naman ang mga estudyante sa sinabi niya.
Pinakita na niya yung iba't ibang moves sa basketball. Marami ang kinikilig habang ginagawa niya yun.
"Mahirap mag-explain at maglaro kapag magisa lang kaya kukuha ako ng makakalaban ko sa inyo."
May mga nagvo-volunteer na maging kapartner nya. Biglang napayuko ng ulo si Leslie ng makitang nakatingin sa kanya si Dexter.
"Doon ako kukuha sa mga walang jowa ha. Miss singer come here!"
Napatingin lahat kay Leslie nang tawagin siya ni Dexter.
Tumayo si Leslie at lumapit sa nakangiting si Dexter sa harapan.
"Marunong ka ba mag-dribble?" Tanong niya kay Leslie.
"Ganito lang!" Pinakita niya kung paano ang tamang pag-dribble.
Ginawa naman yun ni Leslie.
"Ngayon magdi-dribble ako tapos ita-try mong agawin sakin yung bola."
Nagdribble siya ng bola na nakaharap kay Leslie.
"Sige agawin mo." Pautos niyang sabi. Sinubukan agawin ni Leslie ang bola pero bigla siyang umikot kaya napahawak sya sa bewang nito.
"Oh foul ka na agad nanyakap ka feeling mo nasa bus pa rin tayo." Sabay tawa niya.
Nagulat siya ng biglang agawin ni Leslie ang bola at drinibble ito. Pinilit niya naman yun agawin. Maaagaw niya na sana ang bola pero biglang umikot si Leslie kaya yung hips na malapit sa butt nya ang nahawakan niya. Napahawak din siya sa legs ni Leslie ng tatangkain nya uli agawin ang bola. Habang nakikipag agawan ay nagtataka sya dahil alam ni Leslie ang tamang galaw. Naisip nyang marunong mag basketball si Leslie. Pumunta si Leslie sa gilid ng ring at shinoot ang bola. Natulala na lang siya ng mashoot yun ni Leslie. Nagpalakpakan ang buong klase at namangha na marunong maglaro ng basketball si Leslie.
"Alam nyo guys yung ginawa ni Mr. Dexter na paghawak sa butt, hips at legs ko ay isang foul."
Tumawa ang mga estudyante.
"Tsaka mali yung pipilitin mong agawin yung bola at handa kang makipag agawan kahit maraming nakapalibot kasi pwede kang masaktan at mafoul. Tapos pag na-foul ka magagalit ka kasi hindi mo matanggap na hindi mo naagaw o naagawan ka at kapag paulit ulit mong ginawa pwede kang ma-out sa laro mas lalong mawawalan ka ng chance na mapasayo yung bola. Huwag nyong pilitin na agawin at huwag makipag agawan kung alam nyong malabo mo ng makuha lalo kung marami pa namang oras." Seryosong sabi ni Leslie. Nag agree naman ang mga kaklase nya at nagpalakpakan.
Napangiti si Dexter sa mga sinabi ni Leslie. "Eh paano ka naman magkakapuntos kung hindi ka makikipag agawan. Hindi lalapit ng kusa sayo yung bola. Alangan tumunganga ka na lang at manood na inaagaw sya ng iba. Ako hindi ko hahayaan yun makikipag agawan ako at didiskarte para makuha ko sya kahit ma-foul ng ilang beses." Walang kakurap kurap niyang sabi habang nakatitig kay Leslie.
"Kahit may hawak ka naman na sariling bola?" Sagot naman ni Leslie.
"Alam mo parang may pinaghuhugutan ka!" Natatawang sabi ni Dexter.
Tahimik na nakatingin naman ang buong klase at Professor habang nagpapalitan ang dalawa ng salita sa harapan. Maya maya ay narinig nila ang bell hudyat na tapos na ang klase.
♥️