Prologue
'Tangnang trabaho to pati gulo ng mag asawa ako pa mamomroblema. Ni hindi ko nga kayang manakit ng babae papatayin ko pa. Eh pulis ako hindi naman hired killer.'
Napapailing na wika ni Dexter sa sarili habang palabas sa opisina ni Police Major General Cervantes. Inalala niya yung mga sinabi nito sa kanya kanina.
"Si Jelai kasi nakunan nung isang linggo dahil sa stress kaiisip sa asawang may kalaguyo. Eh alam mo naman nag-iisang anak ko yan eh kauna unahan ko sanang apo yung dinadala nya kaya lang dahil dun sa lintik na asawa at kalaguyo nawala. Kinompronta ko yung lintik na Karlo na yun tinanong ko kung totoong may kabit wala naman daw malamang hindi naman yun aamin. Ngayon ito ang ipagagawa ko sayo sundan mo si Karlo at alamin mo kung may kabit nga. Ngayon kapag nalaman mong may kabit nga bahala ka na kung anong gagawin mo dun sa babae basta ayokong hahadlang pa yun kay Jelai at sa asawa nya. Alam ko mababaw itong pinapatrabaho ko sayo eh hindi lang talaga mapanatag ang loob ko."
Ninong ni Dexter ang Police General at bestfriend ng namayapa nyang ama. Ito din ang tumayong ama nya magmula ng mamatay ang papa nya noong bata pa lang sya. Malaki ang naitulong nito sa kanilang pamilya lalo na sa kanya. Dahil nag iisa lang ang anak nito ay itinuring na rin siyang anak kasama ang dalawa pa nyang kapatid na babae. Ito din ang tumulong sa kanya para maging isang pulis.
Kinahapunan ng pumunta sya sa tapat ng building kung saan nagtatrabaho si Karlo na asawa ni Jelai. Parang kapatid na rin ang turing nya kay Jelai dahil madalas din nya ito makasama noon kaya naiinis sya sa isiping kinakaliwa ito ng asawa.
'Eh kung ito na lang kayang gagung asawa na to ang barilin ko'.
Iniisip nya kung ano ang gagawin nya sa babaeng kabit. Kung ikukulong ba niya at kasuhan ng concubinage.
'Kaya lang mahaba habang proseso pa yun tsaka malamang pati yung gagung Karlong yun makulong din. Eh kung iframe up ko sa ibang kaso malabo din naman o takutin ko na lang.'
Maya maya ay nakita nyang lumabas ng building si Karlo at sumakay sa kotse nya. Sinundan niya ito gamit ang motor niya. Naisip niya na baka pumunta ito sa babae nya. Maya maya ay huminto ito sa isang bangko. Mga ilang minuto ay may sumakay na yung babae doon.
'Ito siguro yung kabit.!
Dahil madilim at malayo ang kinapupuwestuhan nila ay hindi niya maaninag ang itsura ng babae. Naisip nya na doon sa bangko nagtatrabaho yung babae base sa uniform nitong suot. Naalala nya na doon din sa bangko na yun nagtrabaho si Ana dati.
Plano sana nyang sundan ang kotse pero naalala nya na may inuman silang magkakaibigan kaya umalis na lang sya at ituloy na lang bukas ang pagmanman doon.
Kinabukasan bumalik sya sa bangko naisip nya na ganung oras ang uwian ng mga empleyado doon. Nagtingin tingin sya sa paligid kung nandoon ang sasakyan ni Karlo pero hindi nya 'to nakita. Maya maya ay naglabasan na ang mga babaeng empleyado. Dahil pare pareho ang suot na uniform ng mga yun at parehong mahahaba ang buhok ay hindi nya masabi kung sino sa mga yun ang nakita nya kahapon.
Mga ilang minuto ay napansin nyang may nangyayaring komosyon sa lugar ng mga babae. May isang lalakeng nanghablot ng bag ng isa sa mga babae. Nakita nya na hinabol naman ito ng isang babae. Agad agad na nagpunta doon si Dexter. Napansin nyang nilalabanan ng babae ang lalakeng snatcher. Marunong ang babae sa martial arts.
Tinulak ng snatcher ang babae at may kinuhang patalim sa bulsa nito. Nang tatangkaing saksakin ang babae ay agad agad namang napigilan ni Dexter. Sinipa nya sa mukha ang snatcher na ikinatumba naman nito. Kinuha nya ang posas na nakasabit sa bulsa nya at pinosasan agad ang lalake. Tumawag sya ng backup sa presinto para madala doon ang snatcher.
Habang kausap ang isang pulis sa kabilang linya ay natigilan sya ng mapatingin sa babaeng kumalaban sa snatcher. Si Leslie. Saglit syang natigilan habang kausap ang nasa kabilang linya. Natigilan at napatingin din si Leslie ng makita sya.
"Hello hello boss nanjan ka pa ba? saan lugar yan?" paulit ulit na sabi ng pulis na kausap ni Dexter sa kabilang linya ng hindi na sya nakapagsalita.
Nang matauhan si Dexter ay sinagot nya ang tanong ng kausap. Nang matapos ang tawag ay ibinulsa na nya ang cellphone.
"Leslie hi!" Wika nya pagkababa ng tawag.
"Hi Dexter." Nasabi din ni Leslie. "Kumusta. So pulis ka na."
"Oo!" sagot ni Dexter "Ano ba nangyari dito?" Tanong niya na hindi malaman kung pano sisimulan ang pakikipag usap kay Leslie. Hindi din maalis ang tingin nya sa dalaga.
"Biglang inagaw ng lalakeng yan yung bag ng kasama ko eh." Sabi ni Leslie sabay tingin sa kaibigan nya na mangiyak ngiyak habang chini-check ang laman ng bag nya.
"Ah mabuti marunong ka ng self defense. Hindi ka naman ba nasaktan?" Tanong ni Dexter na biglang nag alala kay Leslie.
"Medyo masakit lang tong kamay ko nung sinuntok ko yung mukha nyan." Sabay pakita nya ng kamay nya na namumula dahil sa suntok nya sa snatcher.
"Marunong ako ng self defense eh ikaw ang nagturo sakin dati diba!" Napangiti siya ng maalala yung araw na tinuruan sya ni Dexter magmartial arts noong college sila.
"Pero sabi ko nun sayo hanggat maaari kontrolin mo din dahil pwede ka mapahamak. O gaya nyan hindi mo naman kailangan gawin yan eh kung hindi ako dumating nasaksak ka nitong gagung to." Sabay batok ni Dexter sa snatcher habang nakaupo ito sa sahig.
Ilang minuto pa ay may dumating na police mobile at sinakay ang snatcher sa loob. Magpapaalam na sana si Leslie na aalis ng pigilan ni Dexter.
"Ay Leslie wait. Need muna nya ifill out 'to para masampahan ng kaso."
Binigyan ni Dexter ng isang form ang kaibigan ni Leslie na nasnatchan ng bag.
"Leslie ano na nga ba cellphone number ko hindi ko kabisado eh patingin sa cellphone mo." Narinig ni Dexter na sabi ng kaibigan ni Leslie na si Jane habang nagfifill out ng form. Kinuha naman ni Leslie ang cellphone sa bag at tinignan doon ang number ni Jane.
"Leslie pafill out na din pala para idagdag natin sa kaso nito yung assault dahil sinaktan ka nya". Binigyan din ni Dexter ng form si Leslie.
"Ah ganun ba sige". Kinuha niya ang form kay Dexter.
Nang matapos ifill out ni Leslie at Jane ang form ay umalis na sila.
Tinignan ni Dexter ang form ni Leslie. Napangiti sya ng makita na single ang status na nakalagay doon. Kinuha din nya ang cellphone number at sinave ito sa cellphone nya. Binasa nya din ang iba pang detalye ni Leslie.
"Sige na dalhin nyo na to" sabi ni Dexter sabay tadyak nya sa snatcher habang nakaupo sa sasakyan.
"Huwag na huwag kang papatol sa babae ha. Tangnaka kung hindi ako dumating nasaksak mo yun."
Nang makaalis ang mobile ay umalis na din si Dexter. Naisip niyang may maganda din palang mangyayari sa kanya sa pagmamanman niya dahil natagpuan nya doon si Leslie ang kauna unahang babaeng nagpatibok sa puso niya.
♥️