CHAPTER 4

1075 Words
Kinabukasan sa school. Pagpasok nya ng gate ay napansin nya na pinagtitinginan sya ng mga estudyante. "Hi Leslie!" Bati sa kanya ng grupo ng mga lalake ng makita sya. Ilang estudyante pa ang bumabati sa kanya at alam ng mga ito ang pangalan nya. "Leslieee!" Tawag sa kanya ng mga kaibigang sina Rhea at Cecil. "Girl ang galing mo may talent ka pala eh. Ang ganda ng boses mo." Nakangiting sabi ni Cecil. "Nasa f*******: page ka ng school." Pinakita sa kanya ni Cecil ang cellphone. "Hah talaga". Tinignan nya ang f*******: page ng Lateneo at nakita nya na nafeature doon ang pagkanta nya sa AUUP. Nakalagay din doon ang mga detalye nya. Mula sa buo nyang pangalan, course, age at pati yung tungkol sa pagiging transferee student nya. Tinawagan sya ni Teresa sa cellphone. Pinapunta sya nito sa student's club office. Pagkarating doon ay nadatnan nya ang maraming flower bouquet. "Bakit ang daming bulaklak!" Namangha siya pagkakita sa mga yun. "Sayo lahat yan. Mukhang maraming nainlove sayo nung kumanta ka ang galing mo kasi at ang ganda mo pa." Sabi ni Teresa. Inisa isa niyang tignan ang mga dedication na nandoon. "Dito sa bulaklak na to ako nagulat eh!" Binigay sa kanya ni Teresa ang isang bouquet ng bulaklak kay Leslie. Binasa nya ang dedication. "You did great - Ricci Nievera." "Oh diba kailan lang nung nagtrending yung confession nya kay Andrea Diamantes ngayon may pabigay bigay na ng bulaklak sayo. Ang haba ng hair mo ha." "Nagpadala din ba si Dex.." hindi na lang niya tinuloy ang sasabihin at tinignan na lang isa isa ang bulaklak kung nagbigay din si Dexter ngunit wala sya nakita. Nagpunta siya at mga kaibigan sa canteen. Pagdating doon ay naabutan nilang nakaupo ang basketball team. Napatingin ang mga ito kay Leslie at nagkantahan. "Dont know what to do whenever you are near......" Hindi niya malaman ang magiging reaksyon. Napatingin na lang sya sa mga ito at dahil mga nakatingin sa kanya ay nakaramdam sya ng pagkailang. Nahihiya siya. Natuwa din siyang napansin siya ng mga ito. Nakita nya si Dexter na nakangiti sa kanya. Pakiramdam niya ay nagba-blush siya. Sumunod na lang sya sa mga kaibigan sa counter ng canteen. Maya maya ay lumapit ang isang player sa kanya. "Hi. Nareceive mo ba yung pinadala kong flower?" Tanong nito sa kanya. "By the way i'm Tyler. And your name is Leslie right?" sabi nito sabay lahad ng kamay nya. "Ahh yes!" Naalangan na sabi niya. Dahil nakalahad ang kamay ni Tyler ay tinanggap nya ang pakikipagkamay nito. "Tyler let's go!" Napatingin siya kay Dexter ng tawagin nito si Tyler. Palabas na ng canteen ang buong team kaya nagpaalam na din si Tyler sa kanya na aalis. Napatingin siya kay Dexter na nasa malapit sa pintuan ng canteen. Nakatingin din ito sa kanya. Pakiramdam niya ay kinilig siya na naglandas na naman ang paningin nila. Sa parking lot ng school nadatnan nya si Dexter na nakaupo sa motor nya. "Hi!" Nakangiting bati nito sa kanya ng makita sya. Dahil hindi malaman kung paano babatiin ay napatingin na lang siya kay Dexter. "Motor mo ba to?" Tanong ni Dexter. Umalis siya sa pagkakaupo sa motor nya pagkakita sa kanya. "Palagi ko kasi to napapansin na katabi ng motor ko eh sayo pala." Dagdag pa nitong sabi. Hindi niya naiwasan tignan ang mukha nitong nakangiti sa kanya. Sinasadya nyang tumabi parati sa motor ni Dexter at napapansin pala niya yun. "Alam mo dapat hindi ka nagmomotor eh delikado yan. Hindi ka na ba nagba bus?" Tanong pa ni Dexter. "Ha hindi na!" Ang tanging nasabi lang niya. Naisip nya na nakilala nga sya nito na kasabay nya noon sa bus. "Graduating ka na rin pala sa accountancy. Akala ko 1st year ka pa lang kasi nun lang kita nakita dito. Hinanap pa nga kita sa building ng freshman nung araw na nakasabay kita sa bus eh kaya pala hindi kita mahanap." Napatingin siya kay Dexter pagkasabi nun. 'Hinanap nya ko??' "Leslie Marie Fuentes 22 years old college of accountancy. Alam mo hindi ako mahilig magbasa ng mga article sa f*******: page natin pero ito paulit ulit kong binabasa." Napangiti si Dexter sa kanya pagkabasa nito ng article sa f*******:. Maya maya ay lumapit sa kanya si Dexter. "I'm Dexter Jon Roque. Nice to meet you Leslie!" Nakangiting nilahad ni Dexter ang kamay niya para makipagkamay sa kanya. Tinanggap naman niya yun. "Hi!" Tanging nasabi niya. Ngumiti din siya. Parang nakuryente ang pakiramdam niya ng magdampi ang mga palad nila. Naramdaman nya ang mahigpit nitong paghawak sa kamay nya habang nakangiti at nakatitig sa mga mata nya. Hindi niya alam kung ilang segundo silang magkahawak kamay. Natigilan sila pareho ng biglang tumunog ang cellphone ni Dexter. Biglang siyang kumawala sa pagkakahawak ng kamay kay Dexter. "Istorbo naman to!" Napapailing na sinagot ni Dexter ang tawag sa cellphone nya. Nagpasya na lang si Leslie na umalis ng tumalikod si Dexter at may kausapin sa cellphone. Hindi pa sya nakakalayo sa pagdadrive ng marinig niya ang pagbusina sa likod nya. Napalingon siya kay Dexter na humahabol sa kanya kaya hininto nya muna sa gilid ang motor nya. Iniisip nya kung ano pa kayang kailangan ni Dexter sa kanya. "Leslie can I get your number?" Nakangiting sabi ni Dexter. "Ha bakit? Eh hindi ko kasi memorize eh." Pagdadahilan niya. Naalangan siyang ibigay sa binata ang number niya. Alam naman niya ang ibig sabihin nun. "Ganun! oh eto number ko text mo na lang ako mamaya ha!" Sinulat ni Dexter ang number nya sa isang piraso ng papel at binigay sa kanya. Pagkabigay ay nagpaalam na si Dexter. "May praktis pa kasi kami ng basketball eh. Ingat ka ha hintayin ko text mo." Nakangiting sabi ni Dexter. Tumalikod na siya para bumalik sa school. Naiwan na napatingin na lang si Leslie sa papel na binigay sa kanya ni Dexter. Kinagabihan, bago matulog ay nakatingin si Leslie sa isang piraso ng papel na may nakasulat na number ni Dexter. Sinave nya ito sa cellphone nya pero naaalangan sya na itext ito. Interesado ba sya sakin? Pero may girlfriend na sya. Simula noong nakita nya si Dexter sa bus ay parati na itong laman ng isip nya at inasam pa nya na magkakilala sila pero mula noong nakita nya na may kahalikan ito sa parking ay parang biglang nagbago ang pagtingin nya dito. Meron na syang girlfriend. Yun yung paulit ulit na pumapasok sa isip nya. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD