CHAPTER 6: MINE

1147 Words
Nagpaalam na ang professor at nagpasalamat kay Dexter bago umalis. Isa isa na rin nagsialisan ang mga estudyante. Nagpapicture muna ang iba kay Dexter bago umalis. Hindi makaalis si Leslie dahil hinihintay pa niya ang mga kaibigang si Rhea at Cecil na matapos sa pagpapapicture kay Dexter. "Sali ka Leslie!" Pag-yaya ni Cecil sa kanya habang nagpapapicture sila ni Rhea kay Dexter. "Ha ayoko may inaayos pa ko." Pagtanggi niya na kunyaring inaayos ang mga gamit sa bag. "Sure ka ayaw mo magpa-picture sakin bahala ka pang f*******: at i********: din yan." Sabi ni Dexter matapos magpapicture ang mga kaibigan niya. May ibinulong si Cecil kay Rhea. "Mauna na lang pala kami sa inyo ha. Bye!" Biglang umalis ang dalawa niyang kaibigan na napatingin muna sa kanila ni Dexter. "Huy teka hintayin nyo ko!" Nagmadaling inayos ni Leslie ang mga gamit na nailabas nya sa bag nya. "Bat hindi ka nagtext kahapon hinihintay ko text mo eh?!" Lumapit sa kanya si Dexter. "Eh nawala kasi nilipad yung papel na binigay mo sakin kahapon." Sambit niya. Nagpaalam na siya kay Dexter at umalis. "Tapos na ba class mo?" Tanong ni Dexter. Sumunod siya at sinabayan sa paglalakad si Leslie. "May isa pang subject." "Hintayin kita." Napatingin si Leslie sa katabing si Dexter. "Bakit?" Tanong niya. "Eh gusto ko lang!" Napakamot ng batok at namumula ang mukhang sabi ni Dexter. "Dexter didiretsuhin na kita ha. Nakita kasi kita last time sa parking kasama yung girlfriend mo. Kung may gusto ka sakin at plano mong ibilang ako sa mga girlfriend mo kung ilan man sila eh huwag mo na lang ituloy. Hindi ako pumapatol sa may sabit na." Hindi niya napigilang irapan si Dexter. Naalala niya yung nakita niyang nakikipaghalikan ito sa parking ng eskwelahan. "Grabe ka naman parang sa sinasabi mo ang dami kong girlfriend. Wala naman akong girlfriend eh." "Nakita ko kayo sa parking naghahalikan kayo. Nakita mo din ako nun diba." "Eh hinalikan nya ko eh!" Panay ang kamot ng batok ni Dexter. "Hindi ko naman siya girlfriend. Nagselos ka ba?" Sabi ni Dexter na pumunta sa harapan nya at naglakad ng patalikod habang nakangiti sa kanya. Hindi niya naiwasang titigan si Dexter na nasa harapan nya habang naglalakad sila. Nakangiti ito sa kanya at nakatitig. Pakiramdam niya ay nalulusaw ang puso nya sa mga tingin nito. Maya maya ay bigla nya naapakan ang paa ni Dexter. Napahawak naman si Dexter sa bewang niya hanggang sa natumba sila pareho. Napaibabaw si Leslie kay Dexter habang nasa ground ng campus. Napasubsob siya sa leeg ni Dexter at napayakap naman si Dexter sa likuran nya. Nagkatitigan sila habang nakahiga sa ground. Ilang segundong nagtama ang kanilang paningin na pakiramdam nila ay sila lang ang nandoon. Narinig nila ang hiyawan ng mga estudyanteng nakakita sa kanila. "Si Dexter tsaka si Leslie. "Si Dexter pala tsaka yung singer" "Hala may gf na si Dexter" "Diba yung nsa HRM ang gf ni Dexter" Biglang natauhan si Leslie at agad agad syang tumayo at umalis. Naharang naman si Dexter ng mga gustong magpapicture sa kanya kaya hindi na sya nakasunod. Nang matapos ang klase ay dumaan si Leslie sa office ng SSG para kunin ang mga bulaklak na pinapauwi na sa kanya ni Teresa dahil wala na daw itong mapuwestuhan sa loob. Nilagay nya ang mga yun sa isang malaking paper bag. Pagdating sa parking ay naabutan nya dun si Dexter. Naalala niya ang sinabi nito na hihintayin sya paguwi. Pagkakita sa kanya na may bitbit ay agad agad itong lumapit sa kanya at tinulungan sya. "Ano tong bitbit mo?" Sabi ni Dexter pagkakuha ng paper bag sa kanya. "Flowers. Bigay ng mga admirer ko ang dami noh!" Napapangiting sabi ni Leslie. "San mo itatapon to? Ayun oh may basurahan." Dadalhin sana yun ni Dexter para itapon ng pigilan niya. "Ano ka ba iuuwi ko yan ilalagay ko sa flower vase." Kinuha niya ang paper bag kay Dexter. "Tignan mo to galing kay Ricci" Kinuha niya ang flower bouquet na bigay ni Ricci at pinakita kay Dexter. "Ricci the horsey?" Pabirong sabi naman ni Dexter. Malakas siyang tumawa. "Ricci Nievera!" Agad na sabi ni Leslie. Inirapan niya si Dexter. "Naku pag nalaman ni Marga yan hindi ka muna papasok sa school." Panay ang tawa ni Dexter. "Alam mo ako hindi ako mahilig magbigay ng mga ganyan. Didiskarte na lang ako. O gaya ngayon nasan yang mga yan? Wala! Ako ang kasama mo ngayon." Namumungay ang mga matang sabi ni Dexter. "Okay!" Sambit na lang niya. "Hindi ka pa ba aalis?Basta ako uuwi na!" Sinuot ni Leslie ng helmet at pinaandar ang motor nya. Nagulat sya ng umangkas sa likod nya si Dexter. "Ano ka ba bat ka sumakay jan. Uuwi na ko." Nairita niyang sabi. Aalis na sana sya pero natigil ng sumakay si Dexter. "Naubos na yung gas ko eh. Sige na magdrive ka lang hindi ko pa na-try umangkas sa motor na babae ang nagdadrive eh." "Bahala ka!" Pinaandar na ni Leslie ang motor. Sa highway ay binilisan nya ang takbo nito. Naramdaman nya ang mga braso ni Dexter na pumulupot sa bewang nya. Hinilig pa nito ang ulo sa leeg nya at nilapit ang katawan sa kanya. "Ano ba Dexter umayos ka nga mababangga tayo nyan eh." Asik niya. Binagalan niya ang pagpapatakbo ng motor. "Natakot ako eh ang bilis mo kasi magpatakbo." Hinigpitan pa niya ang yakap sa bewang niya. "Dexter umayos ka." Nang hindi kumilos si Dexter ay hininto ni Leslie sa gilid ang motor. "Bumaba ka na nga lang mababangga tayo sa ginagawa mo eh." "Magfocus ka lang kasi magdrive hindi naman kita inaano eh nakakapit lang naman ako sayo." "Hindi ako komportable eh. Tapos may matigas pang nakadikit sakin. Bumaba ka na!" Asik niya. Tumawa si Dexter sa sinabi ni Leslie. "Eto yung matigas oh cellphone" Kinuha ni Dexter ang cellphone na nasa bulsa nya. "Bakit ano ba yung matigas na iniisip mo?" Pakiramdam niya ay bigla siyang nagblush. "Bumaba ka na lang uuwi nako." "Bigay mo muna sakin number mo para bababa nako." Napaisip siya bigla. Pakiramdam niya ay no choice siya dahil ipipilit yun ni Dexter kaya binigay na lang niya ang number nya. "Sabi mo hindi mo memorize." Sabi ni Dexter habang sinesave ang number na bigay ni Leslie. Nakita ni Leslie na 'mine' ang pangalan na nilagay doon ni Dexter. "Bakit mine?" "Why? don't you get it?" Napansin niya ang nakakalokong ngiti ni Dexter. "Hay bahala ka na sige na uuwi na ko." Nagpasya na lang siyang umalis. Iba yung pakiramdam niya na kasama si Dexter at feeling niya ay nagugustuhan niya yung pakiramdam na yun. "Ingat ka ha!" Bumaba na si Dexter sa motor niya. Nang makaalis si Leslie, dahil malayo layo na ang narating ay nagtaxi na lang si Dexter pabalik sa school. Tinext nya agad si Leslie pagkasakay sa taxi. "Ingat ka mine!" Napapangiti nyang sabi sa text. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD