Nakamotor si Leslie na pumasok sa School. Dahil nakamotor ay nagpants muna sya at sa school na lang magpapalit ng uniform.
Huminto sya ng mag red light. Pagtingin nya sa katabing nakamotor ay natulala sya ng makitang si Dexter iyon. Nagtanggal ito ng helmet at nag ayos ng buhok. Napansin pa nya ang nakalagay na band aid sa kilay nito dahil sa tinamong sugat nung may laro sila ng basketball. Napatingin din sa kanya si Dexter pero saglit lang.
Plano sana nyang tanggalin ang suot na helmet at batiin si Dexter sa pagkapanalo nito pero biglang nag green light. Mabilis magpatakbo si Dexter kaya nawala na siya agad sa paningin ni Leslie.
Pagdating sa parking ng school ay naabutan nya si Dexter na inaayos pa sa pagkakapark ang motor nya. Tumabi sya dito sa parking. Pagkapwesto niya ng motor nya ay saglit uli na napatingin sa kanya si Dexter.
Binilisan niya ang pagtanggal ng helmet para batiin si Dexter pero agad agad na ito umalis bago pa nya mahubad ang helmet na suot.
'Hay hindi na naman nya ko nakita!'
Okay na rin, at least nalaman nyang nagmo motor din si Dexter kaya may chance na maencounter nya 'to sa parking.
Kinabukasan pagdating niya sa parking hinanap nya ang motor ni Dexter pero wala ito doon. Naghintay pa sya ng ilang minuto. Nang magring ang bell para sa pagsisimula ng klase ay umalis na lang sya.
Ilang araw pa ang nagdaan pero hindi nya matyempuhan si Dexter sa parking minsan ay nauuna ito dumating at minsan naman ay huli.
Nung minsan na nakita nya ito sa canteen at meron nagpapicture ay naisip nya na magpapicture din. Nang lalapitan nya ito ay bigla naman umalis ng tawagin ng teammate kaya hindi na naman nya ito nalapitan.
Isang araw habang papunta sa canteen ay nadaanan nya ang student's club and organization office. Binasa nya ang nakapost sa pinto na isang memo na naghihikayat sa mga estudyante na may talento sa pagkanta na sumali sa theater club. Dahil singer siya sa dati nyang school ay hindi sya nagdalawang isip na sumali doon.
Pumasok sya sa loob at binigyan sya ng form ng isang estudyante na presidente ng SSG. Pinakanta din sya doon para sa audition at nakapasa sya na maging myembro. "Inform kita kapag magkakaroon ng program o activities dito sa university natin kasi madalas kailangan ng singer." Sabi sa kanya ng President na si Teresa.
Bago mag uwian ay tinawagan sya ni Teresa.
"Leslie may first job ka na agad. Kailangan kasi ng singer na kakanta sa halftime ng AUUP bukas sorry masyadong rush kasi biglang nagcancel yung singer na si Zephanie tayo ang inassign ng organizer na magcover. Sayo ko na ipapagawa. Kayang kaya mo yan maganda ang boses mo."
Biglang kinabahan si Leslie sa narinig. Sumali sya sa club na yun para may extra activities sya na magagawa pero yung kakanta sya sa malaking event at televise pa na kagaya ng AUUP ay parang hindi sya handa. Game 3 na ng finals ng AUUP at meron ng tig isang panalo ang Lateneo at UPM. Bigla nyang naisip si Dexter. Chance din nya yun na makita sya nito.
Habang naglalakad papunta sa parking ay iniisip nya ang gagawin nyang pagkanta. Nang makarating sa parking ay natigilan sya at biglang nanlumo ng makita si Dexter na may kahalikan na babae sa motor nito.
Saglit syang natigilan at maya maya ay mabilis ang kilos nya na nagpunta sa motor nya. Bigla naman natigil si Dexter at ang babae sa ginagawa ng mapansin ang pagdating nya.
"Miss nahulog oh!" Wika ng babae ng mapansin ang nahulog na isang papel sa sahig. Kinuha naman ito ni Dexter at inabot sa kanya.
"Salamat!" Sambit niya. Napatingin siya kay Dexter. Nakatitig sa kanya si Dexter pagkuha nya ng papel.
Sinulyapan nya uli si Dexter na nakatingin pa rin sa kanya. Nakilala at naalala kaya sya nito? Dahil inayos pa nya ang mga gamit sa motor ay natagalan pa bago sya makaalis. Sa tuwing napapasulyap sya kay Dexter ay nanatili itong nakatingin sa kanya.
"Let's go Dexter sa Ever Mall." Narinig niya na sabi ng babae. Maya maya ay sumakay na ang dalawa sa motor at umalis.
Mabigat ang loob niyang napatingin sa papalayong si Dexter. Ilang araw nyang hinintay yung pagkakataon na makikita sya ni Dexter tapos sa ganitong sitwasyon pa.
Kinagabihan ay hindi siya makapag focus sa pagiisip ng kakantahin. Parating sumasagi sa isip nya yung tagpong nangyari kanina sa parking.
'May girlfriend na pala sya.'
Naalala nya yung mga kwento ng kaklaseng si Rhea na iba iba ang mga nakikita nilang nakakasama ni Dexter na babae sa school.
Pinilit nyang alisin sa isip nya si Dexter at nagfocus sa kakantahin. Iniisip nya kung anong kanta ang kakantahin nya.
Maya maya ay may narinig syang kanta na galing sa kung saan at si Dexter na naman ang naalala nya. Bigla nyang naisip na yung kanta na lang na yun ang kantahin. Prinaktis nya ito ng paulit ulit hanggang sa makanta nya ng maayos.
Kinabukasan maaga siyang nagpunta sa astrodome. Hinanap nya agad ang organizer ng AUUP at nagpakilala na sya ang singer. Pinag ayos sya nito at pinaghanda. Habang nasa isang kwarto doon ay pinanonood nya sa monitor ang nangyayaring laban ng basketball. Sa tuwing nagfaflash sa screen si Dexter ay hindi niya maiwasan ang maalala ang nangyari kahapon.
Ilang minuto na lang ang nalalabi sa 2nd quarter habang papalapit na ang oras ay sobra sobra ang kaba na nararamdaman nya. Iniisip nya kung magugustuhan kaya ng mga tao ang kakantahin nya. Baka marami ang makornihan at maboring sa kakantahin nya.
Halftime. Pinapunta na sya ng organizer sa gitna ng court. Habang nasa gitna ay nakita nya ang maraming taong nanonood. Maya maya ay nagsibalik na ang mga players galing sa locker room at nagsiupo sa bench. Lalo syang kinabahan ng makita si Dexter. Ilang sandali pa ay nagsimula ng tumugtog ang music at nagsimula na syang kumanta.
I have loved you only in my mind
But I know that there will come a time
You feel this feeling I have inside
You're a hopeless romantic is what they say
Falling in and out of love just like a play
Memorizing each line, I still don't know what to say
What to say
Sa umpisa ng kanta niya ay maingay ang paligid at kanya kanya ng komosyon ang mga tao. Hanggang sa unti unting tumahimik ang lahat at nakinig sa maganda niyang tinig.
May iba na sinusundan pa ang pagkanta nya. Habang kumakanta ay nililibot niya ang paningin sa paligid. Nadaanan ng paningin niya ang mga players at nakita nyang mga nakamasid ito sa kanya.
Tinignan nya si Dexter na nakatingin din sa kanya. Tumayo pa ito mula sa kinauupuan at lumapit ng bahagya sa kanya na parang kinikilala ang mukha nya.
Habang kumakanta ay hindi niya mapigilan ang mapatitig kay Dexter na malapit sa kinapupwestuhan nya. Nakatitig ito sa kanya at maya maya ay ngumiti.
Don't know what to do whenever you are near
Don't know what to say, my heart is floating in tears
When you pass by, I could fly
Every minute, every second of the day
I dream of you in the most special way
You're beside me all the time
All the time
Natapos ang pagkanta nya. Pinalakpakan sya ng mga manonood. Habang palabas sa court ay sinusundan pa din sya ng tingin ni Dexter.
♥️