CHAPTER 2

2059 Words
Kinabukasan ay sinama nya ang kaibigan at kapitbahay na si Kim na manood ng live sa Araneta. Gamit nila ang regalo sa kanyang motor ng uncle nya na nasa canada. May motor din sya dati sa probinsya kaya sanay na sanay sya magdrive nun. Pagdating sa parking sa araneta ay panay ang duwal ni Kim. "Grabe ang bilis mo magpatakbo para kong nakasakay sa roller coaster eh." Wika ni Kim na binubuksan ang hawak na mentos. "Eh baka kasi maubusan tayo ng upuan sa harapan." Nagmadaling pumasok sa loob ang dalawa. Pagdating sa loob ay nasa 6th row sila nakaupo. Bago magsimula ang laro ay pinakilala muna isa isa ang mga player. Unang pinakilala ang nasa kabilang team na UPM Fighting Blues malalakas ang hiyawan ng mga manonood habang pinapakilala isa isa ang mga player lalo na sa celebrity player na si Ricci Nievera. Sumunod na pinakilala ang team nila Dexter na Lateneo Red Eagles. Huling tinawag si Dexter at malalakas din ang hiyawan ng tawagin sya. Bago magsimula ay nag warm up muna ang mga manlalaro sa court. Napansin ni Leslie na parang nakatingin sa kanya si Dexter nagulat sya ng bigla itong umakyat sa audience at lumapit. Naghihiyawan pa ang mga babaeng nadadaanan nito habang naglalakad. Natense bigla si Leslie habang papalapit si Dexter sa kanya. Naisip niyang nakilala sya nito na kasabay nya noon sa bus. Nakangiti si Leslie habang papalapit si Dexter at biglang naglaho ang ngiti na yun ng tumigil ito sa mga nakaupo sa harapan nila ni Kim. Akala nya ay sa kanya nakatingin at sya ang lalapitan ni Dexter. Nakipag high five si Dexter sa mga nasa harapan nila na tatlong lalake at dalawang babae. Lumapit si Dexter sa mga kaibigan ng makita ang mga yun. "Goodluck bro galingan mo." Sabi ni Darwin sabay fist bump nya dito. "Bro baka grumaduate ka na naman ng maaga sa laro ha." Sabay tawa ni Reymund. "Huwag mo naman masyado galingan school ko yang kalaban mo eh." Natawang sabi ni Marc dahil sa UPM sya nag aaral. "Dapat doon ka sa kabila nakapuwesto eh." Tumawa si Dexter. "Kung nanalo lang yung Near Eastern nung semi finals sila sana ang makakalaban nyo." Tinutukoy ni Reymund ay ang eskwelahan na pinapasukan nya. "Sayang yung Adamstone maagang nalaglag." Wika ni Darwin sa University na pinapasukan nila ni Suzet. "Bakit kaya yung Middle Escolar hindi kasali jan sa AUUP" sabi nman ni Ana na ang tinutukoy ay ang university na pinapasukan nya. "Dexter hinay hinay lang sa paglalaro ha huwag masyadong mainit ang ulo." Sabi ni Suzet ng maalala na mainit maglaro si Dexter na dumadating sa punto na nakikipag away ito sa mga kalaban. "Huwag ka mag alala Dexter may dala naman kaming first aid kit dito expect ko na madugo ang laban mo ngayon." Sabi naman ni Ana hawak ang first aid kit. "Grabe naman hindi naman ako makikipag away basta huwag lang may babangga sa'kin." Birong sabi ni Dexter. Napansin ni Dexter na panay ang tawag at picture sa kanya ng mga nanonood kaya nagpaalam na sya sa mga kaibigan at bumalik na sa court. "Hindi na naman nya ko nakita." Sambit ni Leslie ng madismaya sa pag alis ni Dexter na nasa harapan na lang nya pero hindi sya nakita. "Sino?" tanong ni Kim. "Yung nakatayo kanina jan sa harap natin nakasabay ko kasi sya noon sa bus tapos nayakap ko sya tinitigan pa nga nya ko eh kaya lang siguro nakalimutan na nya." Biglang nalungkot na sabi ni Leslie. "Basta ko si Ricci Nievera ang bet ko jan." Sabi ni Kim na panay ang nguya ng mentos. Ilang minuto pa ay nagsimula na ang laro. Natapos ang 1st quarter na lamang ang UPM. Sa second quarter ay umabot ng mahigit sa 10 points ang lamang ng UPM kaya maiinit na ang mga manlalaro lalo na si Dexter. Nakatatlong foul agad ito at sa bawat pagtawag sa kanya ng referee ay panay ang reklamo niya. "Bakit yang Roque panay ang reklamo sa mga referee eh bangga naman sya ng bangga sa mga kalaban nya." Naiiritang sabi ni Kim ng mapansin ang klase ng laro ni Dexter. Natapos ang 2nd quarter na lamang ng 8 points ang UPM. Nasa kalagitnaan na ng 3rd quarter ng makahabol ang Lateneo. Bago matapos ang 3rd quarter ay nagkagirian at nagkatulakan pa si Dexter at Ricci. Naawat naman sila agad ng mga co players nila. "Bakit ganyan maglaro yung Roque dapat nagboxing na lang sya eh napaka angas." Reklamo ni Kim ng maasar sa pagtulak nito sa crush nyang si Ricci. Maya maya ay napansin nya na tinignan sya ng masama ng dalawang babaeng nilapitan ni Dexter kanina na nasa harapan nila. "Alam mo kanina pa yang babae sa likod natin panay ang lait kay Dexter." Bulong ni Suzet kay Ana. "Kaya nga eh hindi mo alam kung kanino kakampi parang lahat ng nakakashoot pinapalakpakan nya maliban kay Dexter." sagot naman ni Ana. "Hayaan nyo na maangas naman talaga si Dexter eh." Tumawa si Marc sabay lingon kay Kim na nsa likuran nya na nagbubukas ng hawak na mentos. Ilang minuto pa ay natapos ang 3rd quarter na 2 points na lang ang lamang ng UPM sa Lateneo. Sa umpisa ng 4th quarter ay naka shoot ng 3pts si Ricci sa sobrang excitement ni Kim ay napatayo sya at napasigaw hanggang sa nalaglag ang kinakain nyang mentos sa buhok ng nasa harapan nyang si Marc. Dahil maliit na lang ang mentos at makapal ang buhok ni Marc ay pumailalim pa ito sa loob. "Hala ka pano mo kukunin yan." Tanong ni Leslie ng makitang nalaglagan ng kinakain na mentos ang buhok ni Marc na nasa harapan nila. Nataranta naman si Kim. Maya maya ay dahan dahan nyang kinuha ang mentos. Nang mahahawakan na nya ito ay biglang hinawakan ni Marc ang kamay nya. "Hey what are you doing?" Nagtataka niyang sabi. Hinawakan niya ang ulo nya hanggang sa nahawakan nya ang mentos. "Yucckkk ano to!" May pandidiring nakahawak siya sa buhok nya na may kung anong nakadikit na malagkit doon. Nang makuha nya ay nakita nyang mentos ito. "Sorry po sakin yan nalaglag kasi bigla pagsigaw ko." Kinuha ni Kim ang hawak na mentos ni Marc. Nang makuha ito dahil hindi alam kung saan itatapon ay sinubo na lang nya ito uli. "Gross!" Biglang sambit ni Marc pagkakita na kinain uli ito ni Kim. Napahawak uli sya sa buhok nya at napansin na may mga maliliit pang nakadikit doon. "Miss may mga nakadikit pa sa buhok ko oh tanggalin mo yan ha." Inis na sabi ni Marc kay Kim. Dahan dahan naman inalis ni Kim ang mga nakadikit na piraso sa buhok ni Marc. Habang dahan dahang tinatanggal ay napansin nya na magaganda ang lago ng buhok nito makakapal ang hibla at bagsak na bagsak ang buhok nito. Maya maya ay sinubukan nya ito amuyin. "Huy ano ginagawa mo?" Tanong ni Leslie ng mapansin na inaamoy amoy ni Kim ang buhok ng lalake. "Inaamoy ko lang kung mabango. Mabango nga amoy baby". Napangiting sabi ni Kim. Maya maya ay napatingin sya sa batok nito. "Ang kinis!" sabi pa niya. Siguro kahit libag ay mahihiyang kumapit doon. Malinis sa katawan ang lalake kahit tenga nito ay wala syang masilip na dumi. Naisip din nya na mukhang rich kid ang lalake. "Miss matagal pa ba yan ang sakit na ng anit ko eh." Nainis na sabi ni Marc ng maramdaman ang anit na sumasakit sa kahihila ng babae sa buhok nya. "May konti pa wait lang!" Napansin ni Kim na parang tumigas na ang maliit na piraso na nakadikit sa buhok ni Marc kaya nahirapan na sya tanggalin ito. Hanggang sa naisip nyang lawayan ang daliri at pinahid sa mentos na nakadikit sa buhok. Paulit ulit nyang ginawa yun hanggang sa matanggal ang piraso ng mentos. "Okay na" sabi ni Kim kay Marc. Hinawakan ni Marc ang buhok nya pra tignan kung natanggal na lahat. "Bakit basang basa ang buhok ko?" Tanong ni Marc kay Kim. Naisip ni Kim na parang naparami yung laway na naipahid nya dahil nahirapan syang tanggalin yung nanigas na mentos. "Eh pinahiran ko kasi ng sanitizer para mabilis matanggal." Pagdadahilan niya. Nabaling na ang atensyon nila sa laro. 3 minutes na lang ang nalalabing minuto para sa 4th quarter at lamang ng 2 points ang UPM. Nasa free throw line si Dexter tahimik at seryoso ang lahat habang sinusubukan ni Dexter na maishoot ang bola. Pumasok ang una at ikalawang free throw nya. Naghiyawan naman ang mga manonood ng maishoot ni Dexter ang parehong puntos. "Nilalamig yung kamay ko Kim!" Hinawakan ni Leslie si Kim sa braso. "Huwag mo kasi masyado serysohin." Sagot ni Kim. Maya maya ay nagsimula na uli ang laro. 2 minutes na lang ang oras at tabla ang score ng dalawang team. (73-73) Dahil tensyonado ang lahat ay tahimik sa loob ng court na ang tanging maririnig lang ay ang langitngit sa sahig ng mga sapatos ng mga player. Bago mag isang minuto ay hawak ni Dexter ang bola at naishoot nya ito ng 3 points. Malalakas ang hiyawan at palakpakan sa paligid. Dahil doon ay lumamang na sila ng 3 points sa kalaban. Segundo na lang ang nalalabing oras ng may makagirian na naman si Dexter at makakuha ng pang limang foul na dahilan para ma out ito sa laro. "Tangna naman hinead bat nga ko oh!" reklamo ni Dexter sa referee ng tawagan sya ng foul sabay turo nya sa kilay nya na may bahid pang dugo ng makabangga ang isang player ng UPM. Naifocus si Dexter sa camera habang paupo ito sa bench at nakita sa flash screen na nasa bandang itaas ng court ang sugat nito sa mukha. "Mabuti talaga nagdala ko ng first aid kit." Nasabi na lang ni Ana pagkakita sa dumudugong kilay ni Dexter. "Parang may mali din talaga sa tawag ng referee eh" sabi ni Reymund na dismayado din sa tawag ng foul kay Dexter. Parang maiiyak naman si Leslie pagkakita sa injury ni Dexter. Feeling nya ay gusto nya itong lapitan at gamutin agad agad ang sugat nito. Dahil sa foul ni Dexter ay makakakuha ng free throw ang kabilang team na naishoot naman ang dalawang puntos kaya isang puntos na lang ang lamang ng Lateneo. Mabilis na tumakbo ang oras. Ilang segundo na lang ang nalalabi at hawak ng Lateneo ang bola. Dahil lamang sila ng 1 point ay nag uubos sila ng oras. Panay ang dribol ng isang player ng Lateneo para maubos ang oras. 6 seconds na lang ang nalalabi nang biglang maagaw ng UPM ang bola. Mabibilis ang takbo ng mga player na kasimbilis ng segundong nalalabi. Hawak ni Ricci ang bola at dahil paubos na ang oras ay mabilis nya itong shinoot sa ring. Parang nag slow motion pa ang paligid ng subukan nitong maishoot ang 2 points ngunit nabigo sya kasabay ng pagbagsak ng bola ang pagtunog ng buzzer na hudyat na tapos na ang laban. Nanalo ang team nila Dexter ng isang puntos (76-75). Masaya ang lahat ng fans at naghiyawan ng matapos ang laro at ang Lateneo na team ni Dexter ang nanalo sa Game 1 ng finals. Tinanghal naman na Best Player of the game si Dexter na nakakuha ng pinakamaraming puntos sa team nila. "Grabe Kim para kong aatakehin sa puso ganito pala manood ng live." Sabi ni Leslie kay Kim habang palabas ng Araneta Astrodome. "Masyado ka kasi affected eh siguro may crush ka dun sa mga player nyo." Panunukso ni Kim kay Leslie. "Yung Roque!" Kinikilig na sabi ni Leslie. "Hah crush mo yung maangas na yun!" Agad na sabi ni Kim. "Ano ka ba. Mabait siya at gentleman." Sabi ni Leslie ng maalala na para hindi sya matumba noon sa bus ay inoffer nito na humawak sa kanya at tinawag pa sya nito at pinauna syang bumaba ng bus ng nasa tapat na sila ng school nila. Hindi din nya makalimutan ang titig at ngiti nito sa kanya. "May crush din ako pero hindi basketball player" sabi ni Kim na naisip yung lalakeng nasa harapan nya na nilaglagan ng mentos na kinakain nya. Hindi nya masyadong nakita ang mukha nito dahil nakatalikod o nakaside view ito sa tuwing nagsasalita. Naalala nya yung ginawa nya sa buhok nito. "Hindi bale may remembrance naman ako sa kanya." Napangiti si Kim sa naisip. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD