Nagmamadaling sumakay ng bus si Leslie. First day ng klase kaya ayaw nya malate, kahit umaandar pa ang bus ay nakipag gitgitan sya sa mga sumasakay.
Transferee student at nasa 4th year na sya sa course na accountancy. Sa province sya nag aral simula 1st to 3rd year college.
Matagal nyang pinangarap ang makapag aral sa manila kaya kahit isang taon na lang ang kailangan nyang bunuin sa pagaaral ay excited at masayang masaya sya. Kasama nya ang kapatid na si Leo na nasa high school naman. Nag migrate kasi sa canada ang uncle kasama ang pamilya nito na nakatira sa bahay na tinutuluyan nila ngayon at dahil ayaw ng uncle nya na maiwang bakante ang bahay ay nakiusap itong tirahan ng pamilya nila na agad agad namang tinanggap ni Leslie.
Nanatili naman sa probinsya nila ang mga magulang nila dahil mas gusto ng mga ito doon. Tanging silang magkapatid lang ang lumuwas sa Manila at pinadadalhan na lang ng magulang nila ng lahat ng mga kailangan nila.
Pagsakay ni Leslie sa bus dahil wala ng maupuan ay tumayo na lang sya. Nabigla siya nang biglang pumreno ng malakas kaya nasubsob at napayakap siya sa katabi nyang lalake.
Napakapit sya sa bewang at napadantay ang ulo nya sa dibdib nito. Dahil may katangkaran ang lalake ay sakto sya sa hanggang dibdib na height.
Nararamdaman nya ang matitigas nitong muscles sa dibdib. Naaamoy din nya scent nito na nagdudulot sa kanya ng kakaibang pakiramdam.
Hindi nya mapigilang mapangiti habang nakayakap ng mahigpit dito.
"Nageenjoy ka jan miss?!" Narinig nyang wika ng lalake. Bigla naman natigilan si Leslie sa pagngiti ng marinig ang sinabi nito. Umalis sya agad agad sa pagkakayakap at inayos ang sarili.
"Sorry na-out of balance kasi ako."
Napatingin siya sa bintana ng bus. Dahil laminated glass ito ay nakikita nya ang reflection ng lalake mula doon.
Napatitig sya sa mukha ng lalake. 'Ang gwapo pala nya'.
Napansin nya na nakatitig din ito sa kanya. Maya maya ay nilingon sya nito. Napalingon din sya dito at napatitig. Hindi mapigilan ni Leslie ang titigan ang bawat bahagi ng mukha ng katabi.
Chinito ito, matangos ang ilong, kissable lips, maganda ang shape ng jaw, maputi at makinis ang balat.
Ilang segundong nagtama ang kanilang paningin. Ngumiti sa kanya ang lalake kaya hindi din nya napigilan ang ngitian ito.
Dahil biglang nailang sa titig ng lalake ay yumuko na si Leslie at umiwas na ng tingin.
"Okay lang miss humawak ka na lang sakin para hindi ka mafall." Napapangiting sabi sa kanya nito.
"Ha eh baka lalo lang akong mafall huwag na lang dito na lang ako kakapit." Sabay hawak niya sa sandalan ng upuan na nasa harapan nya.
Pagkaraan ng ilang minuto ay tumigil ang bus.
"Hindi ka pa bababa miss?!" Napatingin siya sa lalake ng magsalita ito. Tumingin sya sa labas, nasa tapat na sila ng school nila kaya agad agad syang bumaba.
Lumingon sya sa likod, nakita nya na bumaba na din ang lalakeng katabi nya. Napapaisip siya kung paano kaya nalaman ng lalake na doon sya bababa.
Napatingin sya sa mga babaeng pumapasok sa loob ng University na naka-uniform kaya naisip nya na malamang dahil sa uniform nya na suot.
"Hoooyyyy Dexter!" Sabi ng isang estudyanteng nakatambay sa gate.
Napatingin doon si Leslie. Huminto na dun yung lalakeng kasabay nya at nakisali sa mga lalakeng nakatambay sa gate.
Nakatingin din ito sa kanya bago sya mag iba ng way hanggang sa nawala na 'to sa paningin nya.
Matapos nun ay finocus na nya ang isip sa mga gagawin nya. Kailangan muna nyang hanapin ang accountancy building. May mga kailangan din syang ayusin na record nya sa registrar.
Natapos ang araw na yun na naayos nya lahat ng kailangan nyang ayusin. Nagkaron din sya ng mga bagong kaibigan sa klase.
Umuwi siyang maganda ang naging araw nya. Sumagi sa isip nya yung lalakeng nakasakay nya sa bus. Matapos nun ay hindi na nya ito muling nakita pa sa school ng araw na yun. Inasam nya na sana ay muli nya itong makita at makilala.
Kinabukasan sa school. Nagpunta si Leslie kasama ang kaibigang si Rhea at Cecil sa canteen.
Habang pumipili ng pagkain ay napansin nyang biglang nagkaroon ng komosyon sa paligid.
"What's happening?" Tanong nya kay Cecil nang pati sila ni Rhea ay nakisali sa mga babaeng biglang nag-umpukan sa malapit sa pinto ng canteen.
"Parating kasi yung Red Eagles." Sagot ni Cecil na may halong kilig ang boses.
"Ano yun??" Nagtakang tanong ni Leslie.
Ilang sandali pa ay nagpasukan ang mga lalakeng nakabasketball uniform sa canteen at naupo ang mga 'to sa isang mahabang table na meron nakalagay na sign na 'reserved'.
Bigla namang nagsibalik na sa dating pwesto ang mga babae pagkakitang mga nakaupo na ang mga lalake.
"Ang gwapo talaga ni Dexter." Narinig ni Leslie na sabi ng ilang mga estudyante. Pagkarinig ni Leslie ng Dexter ay bigla nyang naalala yung narinig nya kahapon na tawag ng isang lalakeng nasa gate sa lalakeng kasama nya sa bus.
"Ang gwapo ni Dexter noh." Napatingin siya kay Rhea ng marinig din yun.
"Sino yung Dexter jan?" Nasabik niyang tanong.
"Yung nakatalikod. Roque ang nasa Jersey nya number 22." Sagot ni Rhea sabay tingin kay Dexter na nakaupo ng patalikod sa kanila.
Nang makapili ng pagkain ay pumwesto sila sa table na nasa harap ng mga lalakeng player ng basketball. Pagkaupo ni Leslie napatingin siya kay Dexter na noon ay nasa tapat nila. Siya nga yung nakasabay nya sa bus kahapon. Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang tinititigan ang gwapo nitong mukha. 'Basketball player sya'. Kinikilig niyang wika sa sarili.
Ilang araw ang nagdaan at may ilang pagkakataon pa nyang nakita si Dexter. Minsan ay nasasalubong nya ito sa campus. Minsan ay nakaupo sa bench. Sa canteen. At kung saan saan pa at iba ang pakiramdam nya sa tuwing nakikita nya ito. Tingin nya ay isa na din sya sa mga babae na may paghanga kay Dexter na sa tuwing nakikita ito ay hindi nya mapigilan ang mapangiti at kiligin.
Habang nakaupo silang magkakaibigan sa isang bench, nakita na naman nya si Dexter na padaan sa tapat nila. At kagaya ng mga nagdaan na araw ay hindi na naman sya nito napansin. Nung nasa bus sila ay matagal silang nagtitigan kaya naisip nya na kung makikita sya nito ay baka maalala sya.
"Finals na pala ng basketball noh yung UPM makakalaban ng Lateneo. Game 1 nila bukas manonood ba kayo sa Araneta?" Tanong ni Cecil sa kanila pagdaan ni Dexter sa harap nila.
"Sa tv na lang ako manonood." sagot ni Rhea.
"Ikaw Leslie?"
"Gusto ko manood ng live." Sagot niya.
♥️