Step Eight

1403 Words

"Anak, pinapunta ko rito sa bahay ang barkada mo," sabi ni Mama habang nagluluto sila ni Papa ng mga ihahanda. Fiesta kasi ngayon sa lugar namin. "Bakit, Ma?" tanong ko. "Si Lyn lang naman invited dahil hindi makakapunta iba naming college friends. Nasa kanya-kanyang probinsya," duktong ko pa. "May inimbita ka pang isa, 'di ba?" tanong naman ni Papa at tumango na lang ako. "Alam mo, Anak... magtatampo ang barkada mo kapag nalaman nila na hindi mo sila inimbita. Taun-taong nandito 'yong mga 'yon. Mag-usap kayo." "Hindi naman sila makikinig," sagot ko habang nakapangalumbaba sa mesa. "Papunta na siguro ang mga 'yon ngayon. I'll get dressed," paalam ko bago ako dumiretso sa kwarto. Hindi naman ako galit sa mga kaibigan ko, may kaunting tampo lang dahil sa mga nasabi nila tungkol sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD