"Hindi ka nagsabi sa amin!" salubong ni Lyn nang maupo kami ni Enz sa table nila. "Marami kayong ipapaliwanag sa amin, ha?" "Let Enz finish eating first," nakatawang sagot ko naman. "Wala naman kaming sinabihan. Kami lang talagang dalawa ang may alam no'ng una." "Ikaw hindi ka na nagsasabi, ha?" sabi naman sa akin ni Sab. "Malihim ka na ngayon." "Eh, 'di ba? Nagtampo ako kaya ngayon na lang ulit tayo nakapag-usap," sagot ko. "Oo nga pala," tatangu-tango niyang sabi. "Gaano katagal na bang nanliligaw sa'yo si Enz?" tanong niya pa. "Mag-o-one month na," sagot ko bago ako bumaling kay Enz na nakatingin sa akin habang kumakain. "Tama ba?" tanong ko pa. "Yeah," nakangiting sagot ni Enz. "After Red Mix ba 'yan?" tanong ni Pam. "After ilang weeks pa." "Bakit naman?" curious na tanong ni