"Happy birthday, Enz!" masayang bati ko sa kanya habang hawak ko ang box ng chocolate mousse cake na binili ko. Nag-aya siyang mag-mall dahil gusto niya raw akong i-treat para sa birthday niya. Susunduin niya dapat ako sa bahay tumanggi ako dahil hindi niya naman alam kung saan ako nakatira. Baka mawala pa siya. "I lied," diretsong sabi niya. "I'm sorry." "Huh?" naguguluhang tanong ko. "It's not my birthday today," paglilinaw niya. "Don't you remember? It's December 13, not today." "What the hell?! Is this funny to you? 'Cause it's not!" inis kong sabi at itinulak ko pa sa dibdib niya ang cake na dala ko. "Uuwi na lang ako." "Aly, teka!" pigil niya at hinigit niya ako palapit sa kanya. "Let me explain, please." "What?!" "I have to lie, okay? Hear me out," pakiusap niya. Hinawakan n