Tingin sa malayo at hinga nang malalim habang nagmamahal—ito si Aly. Si Aly na apat na taon nang mahal ang kaibigan niyang si Kiel. At sa loob ng apat na taon, wala siyang ibang hinangad kung hindi ang masuklian ang pagmamahal niya rito.
Ilang beses na rin siyang sumubok makalimot. Ilang beses na rin siyang sumubok tumalikod. Pero sa tuwing lilingon siya, alam niyang si Kiel lang ang nais balikan ng puso niya... hanggang sa makilala niya ang chinito na si Enz na handang sumubok at ibahin ang tawag ng puso niya.
Sa pagitan ng dalawang pag-ibig at pagpapalaya, sino ang pipiliin niyang hantungan ng puso niyang nais lang magmahal at mahalin?