Kabanata 5
NAGISING SI KAIA sa isang abandonadong gusali. Masakit ang kanyang katawan at mga kasu-kasuan dahil sa ginawa sa kanya ng mga lalaking kumuha sa kanya. Bigla niyang naalala ang mga nangyari at nagpalinga-linga sa paligid. Wala siyang makita bukod sa mga saradong bintana.
Sinubukan niyang igalaw ang kanyang mga kamay. Doon niya napagtanto na nakatali siya ng mahigpit sa kinauupuan niyang lumang silya. Ang kanyang mga paa ay nakatali rin. Gula-gulanit na rin ang kanyang suot na wedding dress.
Sino ang may pakana nito?
Tila hanggang ngayon ay hindi pa rin niya naiintindihan ang mga nangyayari. Sinong may pakana nito at nakuha siyang ipakidnap? Sigurado rin si Kaia na kung sino man ang may gawa nito ay kilala siya dahil sinaktuhan na mag-isa siya roon sa kwarto kung saan nagsialisan na ang mga tao dahil pumunta na sila sa simbahan. Pero sino naman ang gagawa nito?
Sino ang gagawa ng karumadal-dumal na bagay sa kanya?
Huminga siya ng malalim upang maibsan ang takot na nararamdaman. She’s really scared. She wanted to scream. Pero sigurado siya na may makakarinig sa kanya at baka iyon na ang huling araw na makikita niyang buhay ang sarili. Kailangan niya makatakas. Kailangan niya makabalik kay Trevor dahil paniguradong hinahanap na siya nito ngayon. Sinubukan niyang igalaw ang parehong braso na nakatali sa likod ng upuan. Sa kabila ng madilim na paligid ay pinilit niyang maghanap ng matalas na bagay upang kalasin ang tali sa kanyang magkabilang braso. Maingat siyang hindi gumawa ng ingay pero nahuli siya sa akto ng mga nagbabantay sa kanya mula sa labas dahil biglang bumukas ang pinto ng kuwarto kung nasaan siya.
Nagtama ang tingin nila. Kinabahan si Kaia nang makita ang mga ngiti na nagmistulang ngiti ng isang demonyo lalo na ng lumapit ang mga ito sa kanya. Lima silang lalaki na nagsilapitan kaya lalong bumakas ang takot sa kanyang mukha.
“Gising na siya,” wika ng lalaki na may dalang pamalo. “Mukhang sinusubukan niyang tumakas boss. Lagot tayo nito kapag nakatakas siya,:” sagot pa ng isa nilang kasama.
“Wala naman nagsabi na hindi natin siya pwede pahirapan, hindi ba?” wika noong lalaki na may dalang pamalo. Tinapik-tapik pa niya iyon sa kamay niya at pagkatapos ay doon na nagsimula ang munting impyerno ni Kaia.
“Ah!” sigaw ni Kaia nang malakas siyang itulak papunta sa sahig. Kanina pa siya ng mga ito pinapahirapan.
“H-Huwag ang tyan ko!” malakas na iyak niya sa kanila pero hindi siya nito pinakikinggan. Wala silang awa na pinagsisipa ang kanyang tiyan at tagiliran. Pilit niyang tinatago ang kanyang tyan. Pero sadyang iyon ang kanilang pinupuntirya. Naiiyak na siya sa sakit at sa takot na baka pati ang kanyang munting anghel ay mawala.
I need to protect my child!
Kada-sigaw niya dahil sa sakit ay tumatawa lang ang mga ito na tila ba natutuwa na nakikita siyang nasasaktan. Puro pasa na ang katawan niya. Sira na rin ang kanyang suot na wedding dress. Ang kanyang mukha ay may pasa na rin. Pati na rin ang labi niya na pumutok dahil sa pagkakasuntok ng lalaki sa kanya. May malaki rin siyang pasa sa mukha.
Dahil s amalakas na pagkakasuntok at sipa sa kanyang tyan ay tuluyan nang dumaloy ang mainit na dugo sa kanyang hita. “A-Ang anak ko! Tulungan niyo ako!” iyak niyang sigaw sa kanila. Sinubukan niyang gumapang kahit na labis na siyang nanghihina at mapapawan na ng ulirat. Hinawakan niya ang paa ng lalaki gamit ang kamay niya nap uno na rin ng dugo habang walang habas na umiiyak.
“T-Tulungan niyo ako… Buhayin niyo ang anak ko…”
“Nasisiraan ka na ba ng bait? Bakit mo kasi sinipa ng malakas? Paano kung namatay ng walang pahintulot ni Boss? Eh di patay tayo!” dinig niyang sigaw ng lalaki sa isang kasama.
Nakahilata siya sa matigas na sahig na sinapinan lang ng karton. Sinubukan niyang palinawin ang nanlalabong paningin. Tumingin siya sa kanyang paligid at nakita na may mga benda ang kanyang mga sugat.
“Kung ayaw niyo magalit si boss, huwag niyo muna patayin,” sabi noong lalaking inaayos ang kanyang benda. “Tayo pa ang madedehado dahil sa kagagawan niyo eh.”
“May laman pa ba?” maangas na tanong ng lalaki. “Hindi ko alam dahil ang bilin lang naman sa akin ay gamutin siya at huwag hayaan na mamatay dahil kailangan pa niya maghirap.”
Tumulo ang luha niya sa kanyang narinig. Sa mga oras na ‘yon ay parang gusto na lang niya mamatay. Walang oras na hindi siya pinahirapan ng mga lalaking dumukot sa kanya. Paniguradong may nag-utos sa mga ito na dukutin siya dahil sino naman ang gagawa nito? Sigurado rin siya na ang nag-utos nito sa kanila ay walang ibang gusto kundi ang pahirapan siya hanggang sa gugustuhin na lang niya mamatay dahil sa pagpapahirap na ginagawa sa kanya. Wala rin siyang maisip na tao bukod sa babaeng tumatakbo sa isip niya ngayon. Siya lang naman ang nakikita at naiisip niya na gagawa ng ganitong kademonyong bagay. Matagal na itong gusto siyang mawala sa landas niya dahil para siyang tinik sa buhay nito na hindi maalis-alis. Pero wala siyang pruweba para mapatunayan ‘yon. Ni hind inga siya sigurado kung ang babae na ba ‘yon ang gagawa ng mga ganitong bagay sa kanya
Kaya naman para magkaroon na siya ng sagot sa mga katanungan sa kanyang isipan ay naglakas siya ng loob na magtanong sa mga lalaking nakaupo ngayon. Nakaposas ang isa niyang kamay sa upuan habang ang isa naman ay nagagalaw niya ng maayos. Napatawa siya ng marahan dahil doon. Talagang sinigurado ng mga ito na hindi siya makakatakas. Nakuha pa siyang ipagamot sa doctor na kasabwat din nila upang mabuhay pa siya at pahirapan ng doble.
“Bakit… hindi… niyo na lang… ako… patayin ha?” nanghihina niyang tanong sa kanila. Ang isa sa mga lalaki ay tumingin sa kanya at bahagyang natawa. “Dahil hindi iyon ang inutos ng amo sa amin. Ang utos ay pahirapan ka at gustuhin mo na lang na mamatay.”
Tama siya. Ayun nga ang motibo ng nagpadukot sa kanya. “Ano bang kailangan niyo sa akin ha? Bakit kailangan niyo ako dukutin sa araw ng kasal ko?” malakas niyang sigaw. Namamaos na siya dahil hinang-hina na siya pero wala na siyang pakialam doon. Gusto niya malaman kung sino ang may gawa nito at anong kailangan sa kanya dahil natitiyak siya na kung sakaling mabuhay pa siya pagkatapos ng mga ito, susundan niya ang taong ‘yon hanggang sa impyerno at siya mismo ang papatay dito.
“Gusto mong malaman kung sino ang nagpadukot sa’yo?” tanong ng lalaki na nakangisi. Halos matakot siya sa ngisi na ‘yon dahil para siyang nakakita ng repleksyon ng isang demonyo na nagkukunwaring tao. Hindi kaagad siya nakapagsalita at napatulala lang. Tumawa ang lalaki at napailing. Lumuhod ito sa harap niya at hinawakan siya sa balikat.
“Sasabihin ko sa’yo sa isang kondisyon,” nakangising sagot ng lalaki sa kanya. Kahit madilim ay kitang-kita ni Kaia kung paano siya pinasadahan ng tingin ng lalaki na nasa kanyang harapan. Ang malagkit nitong tingin sa dibdib niya na bahagya ng nakita dahil sa pagkagula-gulanit ng tela paibaba sa binti nito ay sapat na para lalong lumala ang takot na naramdaman niya sa kanyang dibdib.
“D-Don’t touch me, please…” Nagsitawanan ang mga lalaki pero unti-unti na silang lumalapit sa kanya kaya lalong lumala ang takot na nararamdaman ni Kaia sa kanyang dibdib. Natigil lamang iyon nang may tumawag sa telepono.
Sinagot iyon ng isang lalaki na kasama nila.
“Yes boss. Anong gustong gawin namin boss sa kanya?”
Ilang segundo hindi nagsalita ang lalaki at pagkatapos ay naging malademonyo na naman ang ngisi na lalong ikinatakot niya. Pagkababa ng tawag ay muling bumalik sila sa kaninang ginagawa.
Halos umiyak si Kaia dahil sa ginawa sa kanya ng mga lalaking kumidnap sa kanya. Hinubaran siya ng mga ito at hinawakan sa mga sensitibong parte ng kanyang katawan. Hinalikan siya ng mga ito sa buong katawan niya na halos pandirihan niya na. Wala siyang ginawa kundi ang humingi ng tulong pero walang taong sumaklolo sa kanya. Para siyang sinusunog sa impyerno ng mga oras na ‘yon.
Halos maubusan na siya ng lakas sa kakapumiglas. Ayaw niya ng mga ginagawa sa kanya pero halos bumigay na rin ang katawan niya sa sensasyong ibinibigay ng mga ito sa kanya. Ayaw niyang umungol. Ayaw niyang maisip ng mga ito na nasasarapan siya sa ginagawa ng mga ito dahil kabaliktaran ang nararamdaman niya sa nararamdaman ng katawan niya. Mas gugustuhin na lang niya na mamatay kesa ipakita sa mga ito kung ano ang epekto sa katawan niya ng mga kababuyan na ginawa nila.
Noong mga oras na ‘yon ay wala siyang inisip kundi makaalis sa impyerno kung nasaan siya ngayon. Na sana ay makaligtas siya o may magligtas sa kanya upang makatakas na siya sa kinalalagyan niya ngayon subalit hindi ata narinig ng mga tala ang kanyang hiling dahil hindi doon natapos ang paghihirap niya,
Paulit-ulit siyang binaboy ng mga lalaki. Hinawakan siya sa maseselang bahagi ng kanyang katawan nang walang tigil. Iba’t ibang lalaki sa bawat oras at araw. Wala rin awang binubugbog sa tuwing sinusubukan niya manlaban sa mga ito. Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa na mabuhay dahil doon. Noong mga oras na ‘yon, wala siyang maisip kundi si Trevor. Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang tiyan at muling tumulo ang kanyang luha. Tinignan niya ang kanyang hubad na katawan na ilang beses na pinagpyestahan ng lalaki. Kung hindi pa ito impyerno, hindi niya na alam kung ano pa ang itatawag dito. Lalo na nang iutos ng kanilang boss na sugatan siya sa kanyang mukha gamit ang kutsilyong hawak nila. Hindi lang isa kundi maraming beses na sinugatan ng mga ito ang kanyang mukha.
“Aaaahhh!” malakas na sigaw ni Kaia nang sugatan siya ng lalaki sa mukha. Ang dalawang lalaki ay nakahawak sa kanyang mga braso at pinipigilan siya gumalaw habang ang isa naman ay may hawak na isang camera at nagvi-video na tila ba isang laro ang kanilang ginagawa. Paulit-ulit na sinugatan ng lalaki ang kanyang mukha hanggang sa wala ng mapaglagyan ang dugo sa kanya.
Hindi siya makaiyak dahil sa hapdi ng sugat na nararamdaman niya ngayon. Hindi lang doon natapos dahil pinagtatadyakan pa siya at pagkatapos ay muling walang-awa na ginahasa.
“Patayin niyo na lang ako! Ayoko na mabuhay kung ganito lang din naman…” iyak niyang sabi.
“Huwag kang mag-alala. Matutupad din ang gusto mo dahil iyon ang gusto ng boss namin. Ang mamatay ka. Gusto ka lang niya pahirapan dahil nararapat sa’yong gawin ang mga bagay na ‘yon.”
“S-Sino ba talaga ang boss niyo ha?”
“Mr. Salvatierra. Iyon ang name ng boss namin.”
Nagising si Kaia sa isang sasakyan na nasa highway. Nagpalinga-linga siya at nang makita na walang tao sa paligid ay sinubukan niyang lumabas ng sasakyan pero hindi niya mabuksan ang pinto nito. Hindi niya alintana ang sakit ng katawan na kasalukuyang nararamdaman niya ngayon dahil mas importante sa kanya ngayon ang makalabas ng tuluyan sa sasakyan na ito.
Bigla naman gumalaw ang sasakyan ng dire-diretso. Hindi niya alam kung paano ito patitigilin dahil parang nakaremote ang sasakyan dahil hindi niya makontrol ang manibela o mapreno man lang. Kahit ang lock ng sasakyan ay hindi niya rin mabuksan.
“Tulong! Tulungan niyo ako!” malakas niyang sigaw subalit walang nakakarinig sa kanya. Naiiyak na siya. Sinubukan niyang hanapin ang kanyang telepono subalit hindi niya ito makita. Bakit ba nangyayari ang lahat nang ito? Gusto niya lang naman maikasal sa taong mahal niya pero bakit parang pinipigilan siya ng tadhana?
“Tulungan niyo ako! Palabasin niyo ko rito!” malakas niyang sigaw na may kasama ng paghikbi. Iyon ang sinisigaw niya hanggang sa makita niya kung saan didiretso ang sasakyan kaya lalo siyang nataranta.
Sa bangin didiretso ang sasakyan. Pabilis ng pabilis ang takbo ng sasakyan dahil pababa ang daan. Paniguradong mamatay siya kapag dumeretso ang sasakyan doon. Tinapik-tapik niya ang bintana ng sasakyan pero wala pa rin hanggang sa napapikit na lang siya dahil naramdaman niya ang pagbasak ng sasakyan kasama ang kanyang katawan sa bangin.
Todo dasal siya na sa kabila ng pagkahulog ng sasakyan ay makalabas pa rin siya ng buhay sa sasakyan na ‘yon. Tila naman nadinig ang kanyang hiling dahil kahit na ilang beses tumama ang kanyang ulo sa kung saan-saang bahagi ng sasakyan ay nagawa pa rin niyang lumabas at gumapang palabas ng sasakyan nang sandaling masira ito.
Gumapang siya kahit na hirap na hirap siya dahil sa mga natamong sugat sa kanyang katawan. Bigla namang pumutok ang sasakyan at tuluyang nasunog.
Pinanood niya ang sasakyan na apulahin ng apoy hanggang sa pati siya ay nawalan na rin ng malay. Nagising na lang siyang muli sa isang puting kuwarto at nagsimula magpalinga-linga dahil gusto niya masigurado na siya ay ligtas na sa pagkakataong ito. Noong una ay akala niya ay binawian na siya ng buhay at napunta na sa langit pero nakita niya ang kanyang braso na may dextrose. Ang kanyang mga sugat sa braso ay nakabenda pati na rin ang kanyang mukha.
“You’re awake…” sabi ng lalaki na hindi pamilyar sa kanya. Nakasuot ito ng puting coat na sa ilalim ay isang teeshirt at pantalon ang suot. Nakasuot din sa lalaki ang stethoscope. Doon na siya nakahinga ng maluwag dahil sa wakas ay ligtas na rin siya at wala na sa kamay ng mga lalaking ‘yon.
“N-Nasaan ako?” tanong niya sa lalaki.
“You’re in my clinic. I am a doctor.” Saglit na napatahimik si Kaia at pagkatapos ay muling nagsalita. “Bakit may benda ang mukha ko?”
“Masyadong malalalim ang mga sugat na natamo mo sa iyong mukha. Noong matagpuan kita sa may paanan ng bundok ay nalapnos din ang balat mo dahil sa sasakyang sumabog.”
“G-Galing ako roon… pilit lang ako lumabas…” mahinang wika ni Kaia sa kanya. Muli niyang naalala lahat ng mga nangyari sa kanya. Hindi niya maiwasan na mandiri sa sariling katawan dahil sa ginawang kababuyan sa kanya ng mga lalaking ‘yon. Madilim man pero kitang-kita niya at natatandaan ang mga lalaking may gawa ng karumal-dumal na impyerno sa kanya.
Bukod doon ay naguguluhan din siya sa sinabi ng mga dunukot sa kanya. Si Trevor ba ang nag-utos nito? Pero bakit naman niya gagawin iyon? Hindi ba ay mahal nila ang isa’t isa? Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat na niyang gawin ngayong nakaligtas nga siya.
Wala siyang emosyong tumingin sa doctor. “Anyway, you have to undergo surgery so I can fix your face.” Muling hindi nagsalita si Kaia kaya patuloy ang doctor sa pagpapaliwanag. “I cannot fix your old face so I have to give you a new face that no one could recognize aside from me.”
“Bibigyan mo ako ng bagong mukha?”
“Oo. Kung iyon ang gusto mo. Kung hindi naman, pwede kong hayaan na mabuhay ka nap uno ng peklat ang iyong mukha.”
Hindi nagsalita si Kaia. Imbes ay tumungo lang siya habang pinipigilan ang pag-iyak niya. “Do you know who did this to you?” tanong ng lalaki sa kanya. Umiling siya. Wala siyang ideya kung sino ang may gawa nito sa kanya. At sa totoo lang ay gusto niyang malaman dahil maraming nawala sa kanya. Gusto niyang malaman kung bakit nito nagawa iyon sa kanya at pagkatapos ay manahimik na lang.
Iyon ang pangarap niya pero sigurado siya na hindi matatapos doon ang lahat. Paano pa niya masisimulan ang buhay na pinapangarap niya kung ngayon pa lang ay wala na ang lahat sa kanya.
“Do you want to find who did this to you?” Bigla siyang napatingin sa lalaking kausap niya at napatulala. Ang masaya at maamong mukha ng lalaki ay napalitan ng pinaghalong lungkot, pighati at sakit. “I was married four years ago but someone killed my wife. Hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin kung sino ang pumatay sa kanya. But later on, I found some information about this man. Siya ang pinaghihinalaan kong pumatay sa asawa ko dahil sa mga ebidensyang nakalap ko sa apat na taon. I can help you to find who did this to you in exchange that we will find the man who killed my wife,” mahabang litanya sa kanya ng lalaki. Naguguluhan niya itong tinignan dahil wala pa rin siyang maisip kung sino ang taong gagawa ng karumal-dumal sa kanya. Kahit ang Lacey na ‘yon ay iniiwasan niya isipin na siya ang gumawa nito.
“Paano kung hindi ako pumayag sa gusto mo?” tanong niya na walang bahid na emosyon. Nagkibit-balikat ang lalaki sa kanya.
“It’s your choice. Pero hahayaan mo ba talaga na mabuhay ka na walang nalalaman sa mga gumawa nito sa’yo noon kahit na alam mong may kakayahan ka na makuha ang hustisya na nararapat sa’yo?” tanong ng lalaki sa kanya.
Nang dahil doon ay naalala niya na naman lahat ang mga nangyari sa kanya. Ang mga paghihirap niya na akala niya ay tuluyan nang hindi matatapos. Napayukom siya sa kanyang mga palad. Kinakailangan niya malaman kung sino ang may gawa nito sa kanya. Dahil paniguradong hindi siya matatahimik kapag hindi niya nalaman ang taong may gawa nito sa kanya. Kailangan niya malaman ang motibo nito at kung bakit gusto nitong mawala siya ng tuluyan sa kanyang landas. Kailangan niya malaman kung sino ang taong nagparanas sa kanya ng impyerno.
Siguro ay eto nan ga ang dahilan kung bakit nabuhay pa siya at nakilala ang lalaking ito. At iyon ay para hanapin ang mga taong gumawa sa kanya nito at tulungan ang lalaking kausap niya ngayon na paggantihan ang pumatay sa asawa niya.
Naguguluhan pa rin siya kung bakit sinabi ng mga taong ‘yon ang apelyido ng kasintahan niya si Trevor pero hindi masasagot ang mga katanungan na ‘yon kung tutunganga lang siya rito. Kailangan niya ng sagot.
Buong tapang siyang tumingin sa lalaki at saka nagsalita gamit ang buo at determinadong boses.
“How can I help you?”