Kabanata 6

3000 Words
Kabanata 6 “Babaguhin mo ang aking mukha?” IYON ANG UNANG tanong ni Kaia nang banggitin sa kanya ni Leo ang mga plano nito para sa kanya. “Yes. I didn’t want you to live with the scars on your face, Kaia,” sagot ni Leo sa kanya. Si Leo Velasco ay isang kilalang doctor sa larangan ng plastic surgery. Pero di kamakailan ay umalis siya sa kanyang trabaho matapos makita ang bangkay ng kanyang asawa sa kanilang bahay. Sinisi niya ang kanyang sarili sa nangyari sa asawa niya hanggang sa may nagtulak sa kanya na hanapin ang mga pumatay sa asawa niya. He already digs a lot of information about what happened pero kulang na kulang pa rin ang mga impormasyon na nakuha niya para makamtan ang hustisya na matagal na niyang gusto makuha para sa asawa niya. Para makakuha pa ng impormasyon ay binenta niya ang mga kanyang ari-arian at saka nanahimik. Hindi niya iniwan ang pagdodoktor kaya naman napagdesisyunan niya na magtayo ng maliit na clinic na malayo sa lahat. Natatakot siya na baka ang pamilya niya ang sunod na mapahamak dahil sa kakakuha ng impormasyon tungkol sa asawa niya kaya lumayo siya at pinapunta sa ibang bansa ang mga magulang upang maging ligtas doon. Ilang araw pa lang sila magkakilala ng kanyang doctor na si Leo pero marami na siya kaagad nalaman dahil sa kakabasa niya ng mga articles tungkol sa kanya. Bukod doon ay narealize ni Kaia na sobra ang dedikasyon nito para mahanap ang mga taong may gawa nito sa kanila. Samantalang siya? Hindi niya alam. Hindi niya alam kung may lakas siya ng loob para malaman ang mga dahilan kung bakit nangyari ang lahat nang ito sa kanya. Natatakot siya sa maaari niyang malaman dahil alam niyang masasaktan siya sa huli. Pero gusto niya ng hustisya. Hustisya para sa sarili niya at para na rin kay Leo na siyang nagligtas sa kanya. Pero katulad nga ng sabi niya ay hindi niya alam kung may kakayahan ba siya na kayanin lahat ng mga kinakailangan niya gawin para malaman ang totoo. “And besides, nasunog ang mukha mo nang sumabog ang sasakyan na sinasakyan mo kaya kinakailangan mo talaga sumailalim sa isang plastic surgery,” sagot ni Leo sa kanya. Hindi nakapagsalita si Kaia sa sinabi nito. Alam niyang malabo na maibalik pa sa dati ang kanyang mukha. Sa mga galos at sugat na natamo niya sa mga ginawa niya ay alam niyang maliit ang chance na hindi magpeklat ang mga sugat niya sa mukha. Halos hindi nan ga niya makilala ang sarili dahil sa kapal ng benda sa kanyang mukha. Kung papipiliin siya para magsimula muli ng bago ay gugustuhin niya rin na magkaroon ng bagong mukha pero gusto niya na kahit paano ay may matira pa rin sa dati niyang itsura. Papayag n asana siya nang lumabas sa balita ang mukha ng kanyang fiancée na si Trevor. Nakaupo siya sa maliit na kama kung saan din siya natutulog tuwing gabi habang nakaharap sa TV na nasa pader. Mag-isa lang siya sa kuwartong iyon at kung minsan ay pumapasok doon si Leo upang tignan ang lagay niya. Ang sab isa kanya ni Leo ay nasa loob siya ng maliit niyang clinic. Walang masyadong nakakakilala sa kanya kaya walang masyadong tao ang dumaraan upang magpatingin sa kanya. Bukod pa roon ay may pagkaluma na rin ang clinic na sinasabi nito. Wala rin maayos na tulugan kung sakaling may pasyente na magpapatingin. Kung kaya nga minsan ay nagdududa siya kay Leo kung talagang doctor ba ito o hindi. Pero mukhang totoo naman ito sa sinasabi niya dahil hindi naman nito magagamot ang mga sugat niya kung nagsisinungaling ito. And Leo looks nice. She has a gut feeling that he’s the type of person who would never lie when it comes to a serious matter. Mukhang legit din naman na namatayan nga ito ng asawa ayon sa mga pictures na nakikita niya sa mismong office na katabi lang ng kwarto kung nasaan siya. She was also sure that all the articles that she has read was legit and not a fake. Ngayon lang siya nanood ng TV kung kaya’t hindi na niya alam kung ano ang nangyayari matapos siyang mawala. Pinagbawalan siya ni Leo na hindi manood ng TV dahil kinakailangan niya magpahinga at matulog ng ilang araw dahil masyadong malala ang natamo niya sa aksidente. Magdadalawang-linggo na rin ang nakakalipas simula nang siya ay magising. Simula nang araw na iyon ay wala siyang nakalap na balita kung ano na ang nangyayari dahil nagpokus siya sa pagpapagaling. Gusto niya tawagan ang kanyang pamilya para ipaalam na buhay pa siya subalit ayaw siya payagan ni Leo dahil baka raw matrace siya ng mga taong gumawa nito sa kanya kung kaya’t kinakailangan niya magdoble-ingat. Noong una ay hindi niya maintindihan ang lalaki pero narealize niya iyon nang maalala ang mga sinabi ng gumahasa sa kanya. Kilala siya ng taong nagpagahasa sa kanya at kung malalaman na buhay pa siya ay hindi malabong ulitin ang ginawa nito sa kanya. Kapag nangyari iyon ay baka hindi na siya mabuhay sa pangalawang pagkakataon. Tulala at walang emosyon siyang nakatingin sa TV habang pinapakinggan ang balita tungkol sa nangyari sa kanya. Lahat ng media ay nagkakagulo sa pagkuha sa kanyang panig at sa pamilya nito. Lacey is also with him. Parang lalo siyang nanghina dahil kung umakto ito sa harap ng media ay parang hindi niya pinagdaanan ang impyernong ‘yon. “Do you know him?” tanong ni Leo sa kanya. Oo nga pala. Hindi pa niya nasasabi ang totoong mga nangyari sa kanya. Ang tanging alam lang nito ay may mga nagpahirap sa kanya at isang himala na nakasurvive pa siya sa pagsabog ng sasakyan at sa pagbagsak nito sa bangin. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang mga ‘yon kay Leo dahil hindi niya alam kung masasabi niya na bai yon sa lalaki ng buo na hindi naiiyak at natatakot sa maaalala. Halos hindi pa nga nagsi-sink-in sa kanyang utak ang mga nangyari. Sa mga pinagdaanan niya, iyon na ata ang pinakamalalang nangyari sa kanya. Pero kinakailangan na niyang itatak sa kokote niya ‘yon dahil hindi maitatanggi ang mga sugat at sakit na natamo niya bago ang kanyang kasal. She thought she was going to die for good. She was traumatized. Umabot pa nga sa puntong ginusto niya na rin mamatay kaya sinubukan na rin niya magpakamatay gamit ang matalakas na kutsilyo nang sandaling gamutin ni Leo ang mga sugat niya. Mabuti na lang at naturukan siya ni Leo ng pampakalma. Wala rin gabing hindi siya nakatulog dahil sa mga nangyayari sa kanya at ang sab isa kanya ni Leo ay matagal-tagal bago mawala ang trauma na idinulot sa kanya. Umiiyak siya sa panaginip niya. She was shouting… asking for help to save her from that hell. Pagkatapos ay gigisingin siya ni Leo kapag narinig niya ang sigaw nito. Kung hindi dahil kay Leo ay baka kanina pa siya namatay sa bangungot na palagi niyang napapanaginipan. Pati ang kababuyan na ginawa sa kanya ng mga lalaking kumuha sa kanya ay kasama sa panaginip niya. Mas gugustuhin niya na magising na lang buong gabi kesa sa matulog pero hindi siya pinapayagan ni Leo na mapuyat dahil makasasama ‘yon sa kanyang kondisyon kaya ang gamut na pampatulog ang tanging kinakapitan niya gabi-gabi. “He’s… my fiancé…” mahinang wika niya sa lalaki. Halos parang hindi nan ga iyon narinig ng lalaking kausap dahil sa sobrang hina ng kanyang boses. Parang puso niya lang ang nakarinig sa kanyang naging s**o. Pinanood niya ang balita. Nawawala ang magiging asawa niya na kaisa-isang babaeng anak ng mga De Castro at walang iba ‘yon kundi siya. Pero wala pa man isang buwan na nakakalipas ay nalilink na kaagad ito sa pagpapakasal kay Lacey. Parang hindi man lang nahirapan ang mga ito o nataranta na nawawala ngayon ang magmamana ng De Castro Enterprises at ang CEO ng Elle. Hindi niya tuloy maiwasan na hindi maisip na may kinalaman nga ang babaeng ‘yon sa mga nangyayari sa kanya ngayon. “So. you are Kaia De Castro?” tanong ni Leo sa kanya na siyang ikinatango niya. “A-And I was about to marry the man that I love until the traumatic incident happened,” dagdag niya sa sinabi ni Leo na siyang ikinatango naman niya rito. Sabi sa balita ay nagkaroon naman ng masusing imbestigasyon sa loob ng dalawang linggo. Kaya ganoon na lang ang gulat nito nang marinig ang sinabi ng ama na nasa TV kasama ang dalawang kapatid at si Trevor. “We are sorry to tell you but we are declaring that my daughter, Kaia De Castro was found dead before the wedding.” Umiling siya sa sinabi ng kanyang ama na nasa TV at kasalukuyang iniinterview ng mga reporters. Hindi niya maiwasan na hindi maluha. Gusto niya pumunta roon para ianunsyo na buhay pa siya. Kung siya lang ang masusunod ay gusto na niya kaagad bumalik sa pamilya niya. Pero tama rin ang sinabi sa kanya ni Leo. Kung may talagang killer, tiyak na mauulit ang nangyari sa kanya at walang kasiguraduhan na makakaligtas pa siya sa pangalawang pagkakataon. Wala siyang maisip kundi si Lacey ang may gawa nito sa kanya dahil kung tutuusin ay kahit anong isip niya na hindi ang babaeng ‘yon ang gumawa ay si Lacey lang naman ay may nag-iisang galit sa kanya dahil sa relasyon na mayroon sila ni Trevor. If she did all of these to take Trevor away from her, then she’s nothing but an evil. Pero wala siyang sapat na ebidensya para ituro si Lacey. Kailangan niya ng matibay na ebidensya na siyang magdidiin dito upang mabulok sa kulunga. Ang isa pang bagay na naguguluhan siya ay hindi nagtutugma ang taong pinaghihinalaan niya sa pangalan ng taong binanggit sa kanya ng mga lalaking kumidnap sa kanya matapos siyang gahasain. Wala siyang ibang pagpipilian ngayon kundi magpanggap na patay na at malaman ang totoo sa mga nangyari upang nang sa ganoon ay makamit niya ang hustisya na gusto niya. “Leo…” mahina niyang tawag sa lalaki. Tumingin naman kaagad ang lalaki sa kanya na kanina ay nakatingin sa malaking screen ng TV. “Tinanong ko ang kidnapper kung sino ang may utos ng mga ito sa akin… may binanggit silang apelyido pero hindi ko iyon pinaniwalaan…. posible kaya na totoo ang mga sinabi nila?” malungkot na wika niya nab akas pa rin ang takot. Kung totoo man ‘yon ay siguradong masasaktan siya. At sigurado rin siyang hindi niya mapapatawad ang lalaki dahil sa ginawa nito sa kanya, kasabwat man o hindi. “Anong binanggit nilang apelyido sa’yo?” Ngumiti si Kaia kay Leo ng malungkot. “Salvatierra.” Napatahimik ito sa kanyang sinagot. Maya-maya ay muling binasag ni Kaia ang katahimikan na namuo sa kanilang dalawa. “Pumapayag na akong baguhin mo ang mukha ko, Leo.” INOPERAHAN SI KAIA pagkatapos ng tatlong buwan na pagpapagaling. She has to undergo with a lot of therapies dahil sa trauma na sinapit niya bago mabago ang kanyang mukha. Tuluyang nabago ang kanyang mukha matapos ang paghihintay na matapos ang tatlong buwan. Pero sa loob ng tatlong buwan na ‘yon ay hindi tumigil si Kaia sa kakahanap ng impormasyon kung sino ang mga may gawa nito sa kanya. Masakit man para sa kanya pero hiniling niya kay Leo na imbestigahan ang buong Salvatierra dahil alam niyang hindi sasapat ang kakayahan niya na mayroon siya ngayon para makuha ang hinahanap niya. Kapalit no’n ay nangako siya kay Leo na tutulungan niya rin hanapin ang mga taong pumatay sa asawa niya. Sa bawat araw na lumilipas ay parami nang parami ang mga nalalaman niya sa pamilya ni Trevor. Unti-unti na rin lumilinaw sa kanya ang lahat at hindi niya alam kung gugustuhin pa ba niya alamin ang lahat-lahat na nagpapagulo sa isip niya dahil palala nang palala ang mga nalalaman niya. Pasakit ng pasakit at nahihirapan siyang tanggapin ang mga ibinabato na mga impormasyon sa kanya ni Leo. Ayon kay Leo, sinadya ni Trevor na magpakilala sa kanya noon pa at maging magkarelasyon silang dalawa na nangyari nga naman dahil mahal na mahal niya ang lalaki. Hindi nagtagal ay nagpropose ito sa kanya na siyang tinanggap naman niya at nahantong sa kasalan. He said it was all planned. Ang sabi ay ginagamit lang siya ni Trevor sa malalim na dahilan. Ayaw niyang tanggapin sa utak niya ang binubulong ng kanyang isipan sa mga ibinibigay sa kanya ni Leo. She treats Trevor’s family like her own. Imposibleng ipapatay siya ng mga ito sa pera at imposible na kasabwat si Trevor doon. Naniniwala siyang mahal siya ni Trevor pero sa mga nangyayari ngayon ay hindi na niya alam kung anong paniniwalaan niya. Halos apat na buwan pa lang ang nakakalipas simula noong insidente. Pero hindi man lang tumagal ang paghahanap nila sa bangkay niya at inanunsyo na patay na kaagad. Even Trevor didn’t make an effort to find her for the first time. Kung kaya’t lalong lumala ang mga hinala niya. And her instincts were right. Kakapadala lang sa kanila ng intel ni Leo na may mga armadong lalaki na kausap ang tatay ni Trevor. Kitang-kita sa letrato ang mga mukha ng armadong lalaki na kausap nito. Halos ikanginig ng buo niyang katawan nang makarating sa kanya ang mga letrato. Dahan-dahan umagos ang kanyang mga luha. “S-Siya… ang gustong pumatay sa akin…?” nanghihina na tanong niya. Parang sinaksak siya ng paulit-ulit dahil sa nakita niya. Hindi lang ama ni Trevor ang kausap ng lalaki kundi pati na rin ang kasintahan niya. Kung ganoon ba ay magkakasabwat ang mga ito? Hindi na kinakailangang sagutin ni Leo ang tanong niya dahil siya na ang nakasagot ng mga ‘yon. Hindi kailanman nagsisinungaling ang mga letrato at isa pa, wala siyang nakikitang dahilan para maling impormasyon ang ipadala sa kanya ng intel ni Leo. Hindi na alam ni Kaia kung anong iisipin niya. Alam niyang walang magagawa ang pag-iyak niya dahil ang alam ng mga tao ngayon ay patay na siya. Kahit ano pang gawin niya ngayong pagwawala ay wala iyon mapupuntahan. May mga tanong pa siyang hindi nasasagot. Bakit kailangan siya ipapatay nito? Para sa negosyo? Para makuha ang De Castro Enterprises? Para maging number 1 ang Salvatierra? Ganoon ba? Muli niyang naisip si Trevor. Kung gusto siya ipapatay nito, ibig ba sabihin no’n ay isang kunwarian lang ang lahat? Hindi talaga siya mahal nito? Sa ilang taon nilang pagsasama ay wala talaga itong naramdaman na kahit anong pagmamahal sa kanya? Kung ganoon pala ay isang panloloko nga ang ginawa ng lalaking ‘yon sa kanya. Pinaniwala siya na mahal siya nito. Siguro ay nagpapalusot lang si Trevor noong makita niya si Lacey sa bahay nito kasama ang mga kapatid niya. Siguro nga ay totoo ang mga haka-haka niya noon na may relasyon nga talaga silang dalawa ni Lacey. Pinagmukha siya nitong tanga at pinaikot sa palad. Para siyang puppet sa mga sandaling ‘yon dahil napaniwala at napasunod siya ng mga taong hindi niya naman pala dapat pagkatiwalaan. Tumingin siya kay Leo ng walang emosyon. Parang napuno ng kung ano ang kanyang dibdib na hindi maipaliwanag. “How did you survive when your wife died, Leo?” Ngumiti si Leo sa kanya at saka umiling bago siya nagawang titigan nito. “Sometimes, when everything you love has been stolen from you, sometimes all you have left is revenge.” Revenge. Iyon na nga lang siguro ang tangi niyang magagawa ngayon. Ang maghiganti sa mga taong gumawa ng masama sa kanya at inagaw lahat ng sa kanya. Dahil alam niya na sa pagkakataon na gusto siyang ipapatay ng mga ito ay pareho na rin iyon ng pag-agaw sa klase ng buhay na mayroon siya. “Si Trevor… may relasyon ba sila ni Lacey?” tanong niya kay Leo. Hindi siya sinagot ng lalaki at muling ibinigay sa kanya ang mga letrato na sasagot ng mga katanungan niya. Muli siyang napaluha dahil doon pero hindi na sakit ang naramdaman niya kundi galit. Galit at poot dahil nakumpirma ng mga letratong ‘yon na may relasyon nga sila. “Ayon sa intel ko ay nagbabalak silang magpakasal pagkatapos humupa ng isyu tungkol sa’yo,” seryosong wika ni Leo sa kanya. Para siyang sinaksak nang marinig ang mga salitang ‘yon. Hindi siya makapaniwala na balak nilang magpakasal pagkatapos ng mga nangyari sa kanya. Na ganoon na lang kadali para sa lahat na ibaon sa limot ang lahat ng tungkol sa kanya. Ni hindi nga sila gumawa ng maayos at masusing imbestigasyon tungkol sa aksidente na hindi naman talaga isang aksidente. Sinadya siyang patayin. Hindi niya maiwasan na hindi makaramdam ng pagkadismaya dahil sa ginagawa ng pamilya niya dahil basta na lang nila pinaniwalaan ang mga sinabi ng pulis. Bahagya siyang napatigil sa kakaisip. Si Sergeant Manalo ang humahawak sa kanyang kaso na siyang kaibigan ng tatay ni Trevor. Hindi niya maiwasan na matawa dahil pati hanggang kapulisan ay abot ang kasinungalingan at kasamaan niya. Kung sabagay, alam ni Kaia sa sarili niya na maimpluwensyang tao ang tatay ni Trevor. He could control anything. Kaya pati siguro ang imbestigasyon na nangyari sa kanya ay kontrolado rin niya. Ibig sabihin ay pati ang buo niyang pamilya ay pinapaikot ng mga Salvatierra at alam ni Trevor iyon. Pinunit niya ang mga letratong hawak niya at saka itinapon ‘yon sa basurahan. Buo na ang desisyon niyang maghiganti. Babawiin niya lahat ng mga inagaw sa kanya. Babalik siya upang paggantihan ang mga taong gumawa nito sa kanya lalong-lalo na si Trevor na niloko siya, sinaktan at ginamit para sa pansariling kagustuhan nito. “Buo na ang desisyon kong gantihan sila, Leo….” mahina pero punong-puno ng emosyon niyang wika kay Leo. “Babawiin ko lahat ng dapat sa akin at gagantihan ko ang mga taong nanakit sa akin. Ipinapangako ko na matitikman nila ang galit ng taong sinubukan nilang patayin at saktan para lang makuha ang gusto nila.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD