Simula.
#TheBeautyandtheBillionaireSimula
“Handa ka na bang makita sila, Kaia?” tanong sa kanya ni Leo.
Bumuntong-hininga siya at saka tumitig sa lalaki. “It’s Freya, Leo,” pagkokorek niya sa lalaki. Hindi naman ito nagsalita at tinitigan lamang siya.
Her name was Kaia Louis De Castro but she recently got into an accident where she needs to have a plastic surgery in order to fix her face. Bagong mukha, bagong pangalan. Akala ng mga tao ngayon ay patay na siya dahil sa aksidenteng natamo niya nang sumakay ito sa sasakyan papunta sa airport.
Ginugol niya ang limang taon sa paghanap ng impormasyon kung sino ang may gawa nito sa kanya. Hanggang ngayon ay ang ama pa lang ng dati niyang kasintahan ang alam niyang may gawa nito sa kanya. Pero alam niyang may kasabwat pa ang mga ito at kabilang na roon ang kanyang dating kasintahan na si Trevor.
Sa buong limang taon ay wala siyang naramdaman kundi poot at galit sa kanyang puso. At sa tingin niya ay dapat ng mawakasan ang nararamdaman niyang poot at galit niya. Kailangan na nilang maramdaman kung paano siya magalit dahil sa mga ginawa nitong kasamaan sa kanya.
Pinagkatiwalaan niya ang mga ito. She treats Salvatierra like her own family dahil kay Trevor. Maayos niya itong pinakisamahan at sa ilang taon niyang namumuhay ay wala siyang matandaan na ginawan niya ito ng kasamaan.
Nang makasurvive siya sa impyernong dinanas niya sa mga kamay ng tauhan nila Trevor ay nangako siya na gaganti siya at papahirapan ang mga tao ng doble pa sa mga naramdaman niya. Impyerno ang ibinigay sa kanya kaya ibibigay niya rin ang impyernong dapat nilang maranasan sa kamay niya. Nang dahil doon ay tuluyan na rin niyang napagdesisyunan na baguhin ang buo niyang pagkatao.
She’s now Freya Velasco, the wife of Leo Velasco who is known as famous surgical doctor in Metropolis.
Pagkatapos ng limang taon ay nagdesisyon si Kaia na bumalik sa Metropolis kasama si Leo para pagbayarin ang mga taong gumawa nito sa kanya. Marami na siyang impormasyong nakuha tungkol sa mga nangyari noon sa kanya at sapat na ang nalaman niya para simulan ang mga plano niya. Nangako siya sa puntod ng kanyang anak na pagbabayarin niya lahat ng mga taong umagaw ng mayroon siya ngayon.
Sa limang taon ay wala siyang ginawa kundi hintayin ang pagkakataon na makabalik siya rito at simulant ang kanyang pinaplano. Pinag-aral siya ni Leo sa ibang bansa at nagtapos ng magandang degree. She’s now a business woman at nagkataon na sobrang tumunog ang kanyang pangalan sa buong bansa. Wala pang nakakakita sa kanya sa loob ng limang taon. She was hiding. She’s using her secretary para humarap sa mga taong gusto makipagkilala sa kanya. Kung tutuusin ay wala naman siyang dapat ipakaba dahil bago na ang kanyang mukha. At kaya niya ito ginagawa ay dahil mayroon siyang malaking plano. She was aiming for something at katulad ng plano niya ay nasunod nga ang mga ‘yon.
She was aiming for Salvatierra Group of Corporation and De Castro Enterprises. Sabi nga nila, keep your friends close and your enemy closer. Nalaman niyang may kinalaman din ang mga kapatid niya sa aksidente noon. Hindi niya alam kung nakipagsabuwatan ba ang demonyo niyang kapatid sa kapwa nito demonyo upang maisagawa ang planong pagpatay sa kanya. Kung iyon nga ang kaso ay ngayon pa lang ay masasabi niya na nagfailed ang plano nila dahil nakaligtas siya sa kabila ng pagpapaplano nila. Kulang pa ang mga impormasyon na nakuha niya sa loob ng limang taon kaya naman kukunin niya ang pagkakataon na ito na malaman lahat ng mga kailangan niya malaman at simulan ang kanyang paghihiganti.
Mabuti nan ga lang at hindi pa niya nakakalimutan ang ugali ng kapatid niya. Mukha itong pera kaya alam niyang siya rin ang target nito. Dito na nagkaroon ng pagkakataon na makilala ni Diego De Castro si Freya Velasco. Pero sinadya niya hindi ito siputin. She knew that Diego needs her to be his investor. And the only way to make him her want more is to make him curious about her.
Kamakailan lang ay nagpatayo si Freya ng isa pang branch sa Metropolis. Freya Velasco owned a five-star hotel and restaurant and she was continuing expanding her business all over the world. She even has a small boutique na kilala rin sa magaganda nitong disenyo pagdating sa damit at sa alahas. And her fourth branch was in Metropolis at dahil nga kumpleto na ito ay nagdesisyon siyang magpawelcome party.
Nagbigay siya ng imbitasyon sa bawat kumpanyang gusto siya makita. Hindi na siya nagulat nang makita niya ang pangalan ng mga gusto niyang makita sa listahan ng guest list galing sa kanyang secretary na si Daniel. She knew that they will attend the party. Pinag-aagawan siya ng mga kumpanya sa Metropolis para lang maging investor o mag-invest sa kanyang kumpanya. Daniel, her secretary has been observing them for long. Alam n anito ang mga galawa nito kung kaya’t nang isuhestisyon sa kanya ni Daniel na gumawa ng isang engrandeng party ay kaagad niyang tinanggap ang ideyang ‘yon.
At ngayon ang araw na iyon. She was wearing a tube white gown. Ang disenyo ng tube ay parang gawa sa yelo dahil sa patusok-tusok nito na nilagyan ng maliliit na kumikinang na perlas. Ang mga perlas ay nakapaikot sa buo niyang damit kung kaya’t agaw pansin ito kapag natatamaan ng ilaw. Si Karie Mortel ang gumawa ng kanyang gown. Siya ay kilala bilang fashion designer sa bansa at matalik na kaibigan ni Kaia. Unfortunately, she doesn’t know that Kaia is her client, Freya. Walang nakakaalam ng buong pagkatao niya maliban sa kanyang sarili at kay Leo.
“Maam, hinihintay na po kayo ng mga guest sa ibaba,” wika ng kanyang assistant. Tumango naman si Freya at saka tumingin kay Leo bago nagsalita.
“Let’s go, Leo.”