Kabanata 4

2621 Words
Kabanata 4 HINDI GUSTO NI KAIA ang nangyayari. Pagkatapos niya malaman na kilala ni Trisha si Lacey at maging si Ashton ay hindi niya mapigilan na hindi makaramdam ng inis sa fiancée. Balak ba nito itago ang katotohanang kilala ng mga kapatid niya etong si Lacey? At saka hindi ba sila nainformed na si Lacey ang babaeng sinusubukan na sirain ang relasyon na mayroon silang dalawa? At dahil sa inis na nararamdaman niya ay wala siyang ginawa kundi ang manahimik na lang. Ayaw niyang mag-away sila ni Trevor sa harap ng pamilya nito kung kaya’t nanahimik siya. Sasagot lang siya kapag kinakailangan na niya sumagot o di kaya’y kapag tinatanong siya ng magulang ni Trevor. Kakauwi lang din ng papa nito at binati niya rin iyon. Hindi nga nakaligtas sa kanyang paningin ang pagbati ni Lacey sa ama nito na parang close na close ito sa kanila. Doon niya napagtanto na matagal ng kilala ng mga magulang ni Trevor si Lacey pero hindi iyon nakwento sa kanya ng kanyang fiancée. Idagdag pa ang katotohanang bibihira makilala ng mga tao ng personal ang tatay ni Trevor. Trevor’s father, Mr. Salvatierra is very strict. Bibihira rin siya makita ng mga taong nasa opisina. He rarely shows his face to them kaya naman ganoon na lang ang gulat niya nang malaman na kilala ni Lacey ito. Gusto niya matawa sa mga nangyayari ngayon dahil parang imbes na pabor sa kanya ang mangyari ay hindi pa ata magkakatotoo. Para siyang tanga na nakatulala habang masaya na nakikipag-usap si Lacey sa pamilya ng fiancée niya. Ang nakakainis pa ay hindi man lang siya nagawang tignan ni Trevor dahil dito. Parang ang labas ay si Lacey ang girlfriend ni Trevor at hindi siya at doon siya pinakanaiinis. Bakit sa dinami-dami ng araw na pwede ito mamili ng araw na kung kailan ito pupunta ay sa araw pa talaga na dapat ay sila-sila lang ang nag-uusap. Lacey is not going to be a member of their family but her. Kaya bakit parang siya pa ang saling-pusa sa mga nangyayari ngayon dito? At bakit hindi man lang nagsasalita si Trevor? Talaga bang hahayaan nito na agawin ni Lacey ang spotlight sa kanya? Lalo pang lumala ang inis na nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya si Lacey na nakikipag-usap sa pamilya ng fiancée niya na masaya. Parang gusto niya na sabunutan ito ngayon kung wala lang ang mga magulang ni Trevor ngayon dito. Natapos ang dinner na ‘yon na para siyang invisible kaya wala ng mapaglagyan ang inis niya. “Kaia…” tawag ni Trevor sa kanya pero hindi niya ito pinansin dahil dire-diretso lang siya hanggang sa makasakay siya sa kanyang sasakyan. Pinaharurot niya iyon ng mabilis hanggang sa makauwi siya sa sarili niyang bahay. Panay ang tunog ng kanyang cellphone. It must be Trevor. Ayaw niya itong kausapin dahil naiinis pa rin siya rito. Hindi nito sinabi sa kanya na matagal na palang kilala ng mga magulang at kapatid niya si Lacey. Nagmukha siyang katawa-tawa roon dahil sa babaeng ‘yon at wala man lang ginawa si Trevor para sa kanya. Hindi man lang niya ito sinuway. She understands that they both know each other since college. Kung tutuusin nga ay mas nauna itong makilala si Trevor but she’s the freaking girlfriend here. Siya ang papakasalan! Hindi ba karapatan naman niya malaman na kilala na ng mga magulang nito si Lacey? Pero hindi niya sinabi ang tungkol doon kahit sa kabila ng maraming pagkakataon na pwede nito sabihin sa kanya at doon siya pinakanaiinis. Ayaw niya itong kausapin dahil lalo lang sila mag-aaway. Kinakailangan niya muna magpalamig ng ulo kaya minabuti niya na huwag muna ito kausapin. “What’s with the long face, Kaia? Ang aga-aga, ganyan ang mukha mo?” wika ni Leah na kaibigan niya. BOYFRIEND NITO ang isa sa mga katropa ni Trevor na Clyde ang pangalan. Mas nauna niyang nakilala si Leah dahil magkaibigan na sila noong college pa lang. Nakilala niya na lang si Trevor nang minsan niya itong makita sa Venus Club sa pamamagitan ng kanyang pinsan na si Greyson. It was her cousin’s birthday kung kaya’t ang mga ilang kaibigan at college friend’s kung saan ito nag-aaral ay nandoon din. Balita niya nga ay dito rin nakilala ni Greyson ang kanyang asawa. Unfortunately, they got divorced after one year of being married. Nakasunod ito ngayon sa kanya hanggang sa makapasok sila sa mismong opisina nito. “Let’s not talk about personal matters when we’re at work okay?” wika niya at saka umupo sa kanyang swivel chair. “So, what are you doing here, Ms. Gonzales?” tanong niya rito pero imbes na sagutin siya ng kaibigan ay pinaningkitan lamang siya ng mata nito. “Nag-away kayo ni Tres no?” Tres is Trevor’s nickname. Iyon ang madalas na tawag sa kanya ng mga kaibigan nito at kabilang na nga roon si Leah. Imbes na sagutin ang tanong ng kaibigan ay umiling lang ito at hindi sumagot. Leah knows her very well. Kilalang-kilala siya nito dahil simula bata pa lang ay sila na ang magkasama. They are literally inseparable kaya wala siyang matatago sa kanya lalo na sa lovelife na mayroon siya. When she finally said ‘yes’ to Trevor after six months of courting, Leah is there to support her. Kaya ganoon na lang din ito kasuportado ng maging sila ni Clyde. “You’re not answering so I am right. Ano na naman ang pinag-awayan niyo this time?” Umupo si Leah sa upuan na katapat ang kanyang mesa. Kusa siyang napailing sa kanyang isipan. Walang silbi ang pag-iiba ng topic lalo na kung si Leah ang kausap dahil paniguradong kukulitin lamang siya nito. Huminga ng malalim si Kaia at muling naalala ang nangyari kahapon kaya parang nanumbalik na naman ang inis niya. Lalo tuloy bumusangot ang mukha niya na nagpatawa sa kaibigan. “It’s about that Lacey.” Kumunot ang noo niya. “Si Lacey na naman? Ang tagal niyo ng problema ‘yan ah?” “I know. And yet he didn’t tell me that his family knew about her,” dismayado niyang wika rito. “Tinanong mo na ba siya kung bakit hindi niya nasabi sa’yo?” tanong naman ni Leah. Doon siya napailing habang dismayado pa rin ang mukha. “Bakit hindi mo tinanong?” “I am still mad at him, okay? I need to calm down. Kasi kung hindi, baka hindi na kami mauwi sa kasalan,” sagot niya rito. Iyon naman talaga ang totoo kung bakit hindi niya magawa-gawang kausapin si Trevor o di kaya’y sagutin ang tawag nito. Alam niya kasi sa kanyang sarili na may pagkamarupok nga siya. She needs to clear her head first bago niya ito magawang kausapin dahil kapag hindi malinaw ang pag-iisip niya ay hindi rin naman malulutas ang prolema at madadaan lang sa karupukan. Hindi niya rin naman kasi matiis na magalit ng matagal sa lalaki. Mahal na mahal niya ang lalaki. There’s no way she could resist him whenever he shows his face in front of her. “As if I would let you go, Kaia.” Pareho silang napatayo ng kanyang kaibigan na si Leah nang marinig nila ang pamilyar na baritonong boses na ‘yon. Napalingon sila ng sabay sa may pinto ng kanyang opisina kung saan nakatayo ang lalaking hindi pa niya handang makita. He’s wearing a black two-piece suit that match his brushed up undercut hair. Nakatingin ang kulay abo nitong mga mata sa kanya habang seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nagmukha itong modelo dahil sa tindig at sa pangangatawan na meron ito. Tumaas ang kilay ni Kaia sa lalaki at pagkuwa’y napatingin sa labas ng kanyang opisina. Wala roon ang sekretarya niya. Kung ganoon ay basta na lang ito pumasok dito ng walang pahintulot. Or maybe, her secretary let him in dahil nakalimutan niya rin itong abisuhan tungkol dito. “What are you doing here?” inis niyang tanong dito. Hindi sumagot ang lalaki. “I should go. Mag-usap muna kayong magjowa dyan,” wika ni Leah at saka umalis sa loob ng opisina na siyang ikinailing nito. Traydor talaga. Tama ba naman na iwan siya rito kasama ng lalaking ‘to? wika ni Kaia sa kanyang isipan. “So, what are you doing here, Mr. Salvatierra?” tanong niya habang nakataas pa rin ang kilay. Pinagkrus na rin niya ang kanyang magkabilang braso, isang palatandaan na inis pa rin ito sa kanya. “Are you really going to break up with me, Kaia?” seryosong tanong ng lalaki sa kanya. Bigla naman siyang napatahimik pero sa huli ay sumagot din. “Yes,” wika niya habang nakatitig sa mukha ng lalaki. “I can’t spend the rest of my life to someone who is keeping secrets from me.” Mahal niya si Trevor. Kaya nga siya nagagalit at naiinis sa nangyari kahapon dahil hindi siya nito sinabihan tungkol kay Lacey. Hindi naman siya magagalit kung sinabihan siya nito. Maiintindihan niya pa sana ang lalaki pero wala ni ho itong sinabi. Ayaw niya umabot sila sa hiwalayan dahil kahit siya ay hindi iyon kakayanin. Umabot na si Kaia sa puntong si Trevor lang ang gusto niya makasama habang buhay at wala ng iba. Kaya dapat malaman ni Trevor kung anong ikinapuputok ng butsi niya ngayon para dumating sila sa ganitong away. Umigting ang panga ni Trevor sa kanyang sagot subalit wala siyang pakialam doon. Anong pakialam niya kung manggalaiti ito ngayon sa galit sa kanyang sagot? Samantalang may mas karapatan naman siya magalit dito? At isa pa, totoo naman na makikipaghiwalay talaga siya kung sakaling ganoon nga ang mangyari. Kaya nga hindi niya rin ito tinawagan dahil ayaw niya makipaghiwalay pero talagang sinusubukan siya ni Trevor ngayon. “I didn’t keep anything from you, Kaia. This is just a misunderstanding,” mariin na wika ni Trevor sa kanya. “And I am sorry because I am not breaking up with you,” mariin na wika ni Trevor habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata. Bigla siyang nakaramdam ng kiliti sa parte ng kanyang katawan dahil sa mga sinabi nito. She knew that Trevor is possessive to her. He already made clear of that since the first day that she said ‘yes’ to him as his girlfriend. Minsan nga ay naiinis na siya sa ugali dahil sa pagkaseloso nito pero minsan ay tinatamaan din siya ng kilig katulad na lang ngayon. Gusto niyang itago ang mga ngiti sa kanyang labi na malapit na umalpas kaya sinimangutan niya ang lalaki at saka tinarayan. “Misunderstanding? Hindi mo sinabi sa akin na kilala na pala ng mga magulang mo si Lacey, Trevor,” giit niya rito. Ang ikinakasama talaga ng loob niya ay parang mas gusto pa ng mga magulang nito ang babaeng ‘yon kesa sa kanya when their son is going to marry her and not Lacey. Kung ganoon naman pala ay dapat hindi sila nanahimik sa isang tabi at sinabing si Lacey na lang ang pakasalan nito. “I was about to tell you about that but I totally forgot about it, Kaia,” paliwanag ng lalaki sa kanya na siyang ikinairap nito. Hindi siya makapaniwala na iyon ang rason ng lalaki sa kanya dahil para sa kanya ay joke iyon. They are dating for years at alam niya sa kanyang sarili na mas matagal pa sa pinagsamahan nil ani Trevor kilala ng mga magulang nito ang babaeng ‘yon tapos nakalimutan niya? “Nakalimutan mo? How could you forget about something important, Trevor? I should know that your parents know about her,” mariin niyang wika dito. Pakiramdam niya ay hindi siya pinahalagahan ni Trevor ng mga sandaling ‘yon kaya ganoon na lang ang inis na naramdaman niya. “Lacey is not important to me, Kaia.” Napatahimik si Kaia bigla sa sinabi nito. Parang may kung anong kumiliti sa kanyang tiyan dahil doon. Gusto niya matawa sa kanyang sarili dahil hindi siya makapaniwala na sa simpleng sabi lang nito na hindi importante ang babaeng ‘yon sa kanya ay nakaramdam na siya kaagad ng kilig sa kanyang katawan. Napakarupok mo talaga, Kaia! “She’s just a close friend because her parents and my parents were best friend back on college, Kaia. They knew that I am going to marry you and they are happy for me,” sagot nito sa kanya. Hindi muling nagsalita si Kaia. Para siyang nasampal sa mga sinabi ni Trevor at nawala ang magulong nararamdaman sa kanyang puso. Bigla siyang nakaramdam ng sandaling katahimikan hanggang sa tuluyan nang kumalma ang kanyang sarili. “I don’t know that we are going to meet her that night. Trisha texted me that Lacey is with them and they invited her in our dinner before they came home but I didn’t read her text message.” Muli ay wala siyang nasabi. Kaia is totally speechless with him. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin ngayong nilinaw n anito ang lahat-lahat ng mga gumugulo sa isip niya. “Are you still going to break up with me?” Umiling si Kaia. “No… of course not…” Kahit anman sinabi niya na makikipaghiwalay siya sa lalaki ay alam niyang hindi niya magagawa ang bagay na ‘yon. Tunay niyang mahal si Trevor at napakaswerte niya na makilala ang isang kagaya niya. Kaya niya kinakaya ang lahat ng ito ay dahil iyon sa kanya at sa pamilya na balak nilang buoin pagdating ng panahon. She can’t wait to have a son who looks like him. She would definitely become a best mother to their child. Poprotektahan niya ito ng buong-buo at mamahalin ng higit pa. She would shower their child a lot of love para hindi nito isipin na nag-iisa siya. Hinding-hindi niya ipaparanas ang lungkot na naramdaman niya sa pamilya niya noon. Lumitaw ang ngiti ni Trevor sa kanyang mga labi at saka ibinuka ang kanyang mga braso. “Can I get a hug now from my future wife?” Napailing si Kaia at nagkunwari na hindi kinilig. Tumayo siya mula sa kinauupuan at nilapitan ang kasintahan. Yinakap niya ito ng mahigpit at ganoon di si Trevor. “Do you want to have dinner with me?” “Sure.” After six months… “What are you feeling right now, Kaia?” tanong ni Leah sa kanya. Kasalukuyan itong nagvi-video at siya ang bini-videohan nito ngayon dahil ngayon ang araw ng pag-iisang dibdib nila ni Trevor. After six months of preparing for their wedding, dumating na rin sa wakas ang araw ng pinakahihintay nilang dalawa. Ang kanilang pag-iisang dibdib. “Of course, I am happy.” Natapos ang video ni Leah na puro sila tawanan. Maya-maya ay pinatawag na sila upang magpunta sa simbahan. Siya na lang ang maiiwan sa kuwarto at ihahatid sa simbahan pagkatapos ng ilang minuto. Buong akala ni Kaia ay magiging maayos na ang kasal na pinakahihintay niya pero hindi niya akalain na ang kasal na pinakahihintay nil ani Trevor ay mauuwi sa isang trahedya. Nakabihis na siya ng pangkasal at ang sasakyan na lang pahatid sa simbahan ang kanyang pinakahihintay. Pero sa kalagitnaan ng paghihintay niya sa sasakyan ay pinasok siya ng anim na armadong lalaki na nakasuot ng mga itim na maskara. Napuno ng kaba ang kanyang dibdib. Hindi niya malaman ang dapat niyang gawin lalo na ng lapitan siya ng mga ito. “S-Sino kayo? Anong ginagawa niyo rito ha?” matapang na tanong niya pero hindi siya sinagot ng mga ito. Napasinghap siya nang bigla siyang hablutin ng isa sa mga armadong lalaki at tinakpan ang kanyang ilong at bibig ng panyo. Sinubukan niyang manlaban pero sinuntok lang ng lalaking may hawak sa kanya sa kanyang tiyan dahilan para masaktan siya at tuluyan mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD