Kabanata 3
“Talaga bang itutuloy mo ang pagpapakasal mo, Kaia?” tanong ni Diego sa kanya.
NASA MANSION si Kaia dahil sa kadahilanang ipinatawag siya ng kanyang ama para kausapin tungkol sa nalalapit nilang kasal ng kanyang nobyo na si Trevor.
Hindi dapat siya pupunta kung hindi lang dahil sa ama niya. He wants to know the detail of their wedding dahil siya ang kaisa-isang anak na babae nito at dahil malaki ang respeto ni Kaia sa kanyang ama, pinaunlakan nito ang kagustuhan na malaman ang detalye sa kanilang magiging kasal ni Trevor.
The wedding was simple and intimate. She doesn’t want a grand wedding. Ang gusto niya lang ay mga magulang nila pareho ni Trevor ang nandoon at mga kanilang malalapit na kaibigan at mga tao sa opisina. Pero siguradong hindi papayag ang kanyang ama sa ganoong kasimpleng kasal lang.
Papunta na sana si Kaia sa study room kung nasaan ang daddy niya nang makita niya si Diego na lumabas galing doon na may seryosong mukha. Nagtama ang tingin nila. Hindi naman niya dapat ito kikibuin pero kinausap siyang muli nito tungkol sa kanilang dalawa ni Trevor. Tumaas ang kilay niya rito at pinakatitigan ang kapatid bago tumango. “Oo, magpapakasal ako sa kanya.”
“Hindi ka pwede magpakasal sa kanya, Kaia.” Muling tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi ng kapatid. Bakit ba tutol na tutol ang isang ito sa pagpapakasal niya kay Trevor? Ang kanilang kapatid na si Henry ay tutol din pero hindi siya ganito na tipong paulit-ulit siya kakausapin at kukumbinsihin na huwag na magpakasal. Ano bang gusto nito mangyari? Sa pagkakatanda niya ay wala namang atraso si Trevor sa kanila. Maaga niyang naabisuhan ang fiancée sa ugali ng dalawa niyang kapatid kung kaya’t alam n anito kung paano ito pakisamahan kaya ganoon na lang ang pagtataka niya kung bakit grabe ang tutol nito sa pagpapakasal bukod sa katotohanang mamanahin niya ang buong De Castro Corporation ay magiging Mrs. Salvatierra pa siya. “At bakit naman hindi? Mahal ko si Trevor, kuya.”
Minsan niya lang tawagin na kuya ang kapatid dahil wala rin naman itong respeto sa kanya. “Mahal? Anong alam mo sa pagmamahal, Kaia? You’re not even a real De Castro. At saka sigurado ka bang kaya mom aging Mrs. Salvatierra? Being the youngest daughter of De Castro was enough to put you some pressure.”
“Maaari ngang wala akong alam sa pagmamahal, kuya. Pero marunong naman akong rumespeto ng kapwa ko. I am not a manipulative woman like your woman, Diego.”
“What?” hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya na nagpangisi sa kanya. Nagkibit-balikat siya. “Are you spying on me?” malakas na wika ni Diego sa kanya na siyang ikinatawa niya at pagkatapos ay umiling bago tinignan ng seryoso ang kapatid. “Why would I do that? Worth it ka bang sundan?” nakangisi niyang tanong rito na nagpatahimik sa kanyang kapatid pero kita naman ang inis sa mukha nito.
Iniwan niya ang kapatid niya roon na kita pa rin ang bahid na inis nito sa kanyang mukha at pagkatapos ay pumasok na saloob ng study room kung nasaan ang kanyang ama. Her father was sitting on his swivel chair while wearing his glasses. Nagkokompyuter ito at seryoso sa pagtatype ng kung anu-ano sa kanyang laptop.
“Nandyan ka na pala, Kaia.”
“Yes, Dad.”
“Did you see your brother outside?” Tumango naman si Kaia at pagkatapos ay umupo sa sofa. “He’s convincing me that I should not let you marry Trevor but I don’t see any bad reasons on marrying him. You loved him and it is enough to let you do whatever you want on your life, Kaia.”
Kumunot ang noo niya. “Pati ikaw ay kinukumbinsi niya?” tanong ni Kaia sa kanya.
“Yes.” Marahan na napatawa si Kaia dahil doon. Hindi siya makapaniwala na pati ang daddy nila ay nagawang lapitan ng kapatid niya, huwag lang magpakasal kay Trevor. Ano ba talaga ang pinaplano nito at ganoon na lang ito kadesperada na kumbinsihin ang lahat ng tao upang pilitin siya na huwag magpakasal kay Trevor?
Trevor is a good man. Wala siyang nakikitang mali para hindi magpakasal. They are in a relationship for more than five years now kaya bakit hindi pa pwede? Ayaw niyang isipin na ganoon kasama ang kuya niya para maisip na may gagawin itong masama sa kanya kapag natuloy ang kasal nil ani Trevor dahil kahit paano ay kuya niya pa rin si Diego. She doesn’t believe that blood is thicker than water because family could betray you anytime, they wanted. But she’s a rational thinker. Kahit hindi sila magkasundo ni Diego ay iniisip niyang tao pa rin ito kahit papaano.
Or maybe, she was wrong?
Hindi niya alam. Pero huwag naman sana mali ang iniisip niya. Hindi naman siguro naghirap ang mga magulang nila para palakihin sila na demonyo ang ugali.
“Mag-ingat ka sa kapatid mo, Kaia,” seryosong wika ng kanyang ama sa kanya na maging siya ay nagulat din sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan na manggagaling ang mga salitang ‘yon sa ama. Alam niyang hindi ganoon kaganda ang tingin ng ama niya sa kanyang dalawang kapatid dahil minsan ng nalugi ang negosyong ipinatayo nito at nasangkot sa mga ilang isyu na sa huli ay ang ama nila ang nagresolba. Sa kanilang tatlo ay siya lang ata ang hindi nagkakaroon ng isyu o kung mayroon man ay nareresolba niya iyon kaagad ng maayos na walang tulong ng kanyang ama.
She didn’t want to burden their father kaya ginawa niya ang lahat para maayos ang takbo ng Elle.
Pero kung ganito ang sinabi ng kanyang ama ay marahil ay may alam pa ito na hindi niya alam kung kaya’t pinag-iingat siya nito. “They might be your family but don’t forget that any member of a family could betray you anytime because of what you have.”
“Yes Dad. Palagi kong aalalahanin ang bagay na ‘yan,” nakangiting wika niya sa ama na siyang ikinatango nito. “Now, let’s go back on the real business. How’s your wedding preparation?”
“It was fine, Dad. We are planning to have a simple and intimate wedding.”
“Simple and intimate wedding?” nakakunot na noo nito na siyang ikinatango ni Kaia. “We both don’t want grand weddings and besides, Trevor doesn’t like to be the center of attraction,” nakangiting paliwanag ni Kaia sa kanyang ama. Totoo naman iyon. Ayaw ni Trevor sa media dahil kung anu-ano ang mga ibinabalita nila na hindi naman totoo na siyang totoo din naman. Kumbaga, media play ang tawag doon at ginagawa nila ‘yon para makuha ang atensyon ng mga tao na siyang pinakaayaw ni Trevor. He likes to keep things private as long as he could.
“It can’t be helped. He’s marrying the only daughter of De Castro.”
“When are you going to meet his parents, Kaia?” tanong muli ng kanyang ama at humigop ng kape mula sa tasang hawak nito. “Today, Dad. After this talk, didiretso ako sa mansion ng mga Salvatierra para makita sila?”
“Do you already meet them?”
“Yes, Dad. Pero hindi sila kumpleto noong makilala ko ang Papa at Mama ni Trevor. His younger brother and sister weren’t there.”
“I see. Let’s have a get-together one week before your wedding. I want to meet them.”
“Okay. Sasabihin ko ‘yon kay Trevor.”
Pagkatapos ng pag-uusap niya at ng kanyang ama ay dumeretso na si Kaia sa mall para bumili ng macaroons na paborito ni Trevor at ng magulang nito. Ayaw niya pumunta roon na wala siyang dala na kahit na ano kung kaya’t bumili ito saglit doon bago magtungo sa mansion.
She and Trevor were dating for almost more than five years now. Nakakatawa lang isipin na kahit limang taon na sila magkasama ay hindi pa rin niya maiwasan na hindi makaramdam ng kaba sa mga ganitong gathering. Ang kapatid ni Trevor na sunod sa kanya na si Ashton ay lumaki at nag-aral sa ibang bansa kaya hindi niya pa ito kilala. Ganoon din ang bunso nitong kapatid na babae na Trisha ang pangalan. Sa mga letrato niya lang ito nakikita dahil sinishare ni Trevor ang bagay na ‘yon sa kanya.
Trevor doesn’t like sharing personal matters to other people so she can’t help but to feel special when he’s sharing them to her.
Sa limang taon ding relasyon nila ay bihira lang talaga sila mag-away ng malaki. Madalas ay tampuhan ang nangyayari dahil pareho silang abala sa kani-kanilang buhay pero pareho nilang nafigure-out ‘yon kung paano magwowork ang relationship nila ng maayos at hindi mauuwi sa hiwalayan.
They made a promise that they will spend the rest of their life with each other kasama ang mga magiging anak nila. Kung tutuusin ay wala ng mahihiling pa si Kaia bukod doon dahil para sa kanya ay perpekto na ang lahat ng nasa kanyang paligid. The only thing she wanted right now is to create a family with the person that she’s going to marry and that is Trevor. Excited na siya sa kasal nila. She can’t wait to spend the rest of her life with the person she loved.
Kung tutuusin nga rin ay parang panaginip lang ang lahat. Parang gusto niya kabahan dahil parang ang ayos-ayos ng lahat na dumating sa kanya ng mga pangarap niya. Sinabi niya kay Trevor ang bagay na ‘yon at tinawanan lang siya nito dahil kung anu-ano na naman daw ang pinag-iisip niya. Kesa raw mag-isip siya ng mga negatibong bagay ay positibong bagay na lang ang isipin niya at magpasalamat na walang nangyayaring aberya sa kanilang dalawa. At kung meron daw ay sigurado naman itong malalagpasan nilang dalawa ‘yon na walang pag-aalinlangan.
Pagkatapos bumili ni Kaia ng macaroons ay dumeretso na siya sa mansion ng kanyang fiancée. Nakita niya itong lumabas sa pinto upang salubungin siya mula sa labas na siyang ikinangiti niya. Nakasuot ito ng puting polo na kulay puti at maong na shorts. Nakabrushed-up ang buhok nito at bagong ahit din ang kanyang balbas kung kaya’t mas makinis ang mukha nito.
Para itong modelo na may sariling photoshoot sa kanilang bahay. Hindi niya maiwasan na hindi kiligin dahil malapit na niya maging asawa ang lalaking ito. And she is so lucky to have him as her husband.
“Hey,” bati niya at saka hinalikan ang kasintahan sa pisngi. “How’s your drive? Hindi ba traffic?” tanong ni Trevor sa kanya. Umiling naman siya bilang sagot dito at saka ibinigay ang isang box ng macaroons sa kanya na kusang nagpangiti rito.
“Hindi naman. Sila Tita, nasaan?”
“Nasa loob na. Umalis si Trisha at Ashton kanina. Mamaya ay babalik din iyon para sa dinner,” paliwanag ni Trevor sa kanya at saka siya iginiya papasok sa loob ng bahay. Nakita naman niya ang mama ni Trevor sa salas kung kaya’t binati niya ito.
“Hello Tita, magandang hapon po,” bati nito sa mama ni Trevor at pagkuwa’y hinalikan sa pisngi.
This isn’t the first time na makita ni Kaia ang mga magulang ni Trevor. She already met them when they celebrated their 15th wedding anniversary last year. Pati na rin sa mismong mga birthday nito at kay Trevor. Trevor’s parents like her. Hindi naman iyon itatanggi ng dalawang matanda dahil ilang beses din ito nanggaling sa mismong bibig nil ana gusto siya ng mga ito para sa kanilang panganay na anak. Pero kahit boto na ang mga ito sa kanya ay hindi niya pa rin maiwasan na hindi kabahan lalo na at hindi pa niya nakikita ng personal si Trisha at Ashton kahit na palaging kinukwento siya ni Trevor sa kanilang dalawa.
“Hello hija. Nandito ka na pala. Mamaya ay darating na ang dalawang kapatid ni Trevor. I am sure that they are going to like you as their sister-in-law,” nakangiting wika niya rito.
Sasagot pa lang dapat si Kaia nang bigla nilang narinig ang pagbukas muli ng pinto. “Speaking of the two, they are here. Upo muna kayong dalawa dyan. Ipapasundo ko lang sila kay Manang sa labas upang makilala mo na iyong dalawa habang naghahanda ako ng pagkain para sa hapunan.”
Tumango naman sila pareho at inutusan nga ang mayordoma ng kanilang mansion na sunduin ang dalawang batang kapatid ni Trevor na papasok sa loob ng mansion. Pero hindi sila nainformed na may kasama pa pala ang kapatid ni Trevor na isa pang bisita.
“Kuya!” sigaw ni Trisha sa kanya pagkapasok sa loob ng bahay at pagkatapos ay tumingin ito sa kanya. Ngumiti si Kaia rito ngunit hindi siya nito pinansin. She was about to say hello nang magsalita muli ito.
“I met Ate Lacey at the mall kaya sinama ko na siya rito,” nakangiting wika nito sa kanyang kapatid. Dahil hindi inaasahan ni Kaia na maririnig ang pangalan na ‘yon ay hindi na niya napigilan ang kanyang matambal na bibig na siyang nagpakunot din sa noo ng kapatid ni Trevor na si Trisha.
“You met what?”
Hindi nakapagreak si Trisha kung kaya’t pareho silang sabay-sabay na napatingin sa nagbukas muli ng pinto kasama ang kapatid nitong si Ashton. Hindi kinakailangan ni Kaia tanungin kung ano ang pangalan ng kasama nila. She knew Lacey for years. She even memorized the way she walks and talk to other people.
Nagtama ang tingin nila sa isa’t isa at halata naman na hindi siya natutuwa na nagkita sila rito sa mismong pamamahay ng fiancée niya. Wala rin sinabi sa kanya si Trevor na kilala ng kapatid niya si Lacey. Lumingon siya rito at saka pinaningkitan ng mata ang lalaki.
“What are you doing here, Lacey?” tanong ni Trevor sa babae. Pinasadahan ito ng tingin ni Lacey at pagkuwa’y dinaanan din siya ng tingin nito bago sumagot at ngumisi na may kasamang pagkibit ng balikat na siyang nagpairap na lamang kay Kaia.
Plastik. Iyon kaagad ang sumigaw sa isipan ni Kaia. Kung wala lang siya sa mansion ay hindi siya mag-eeffort na filteran ang bibig niya.
“Your sister, Trisha invited me here for dinner.”