Kabanata 2

1053 Words
Kabanata 2 “Magpapakasal kayo ni Trevor?” tanong sa kanya ng kanyang kaibigan na si Violet. Tumango naman si Kaia sa kanya. Nasa bahay sila ngayon at kasalukuyang walang trabaho si Kaia dahil weekend. She’s taking her time to take a day off. Mamaya ay pupunta siya sa mansion para ibalita ang plano nila ni Trevor na pagpapakasal. Matagal na silang magkarelasyon ni Trevor. Hindi ganoon ka-against ang pamilya niya kay Trevor. Kian “Tres” Trevor Salvatierra is the eldest son and the CEO of Salvatierra Empire. They have Salvatierra Bank Group of Companies na siyang ang kapatid nitong si Kelley ang may hawak habang ang sumunod kay Kelley na si Kaden na Salvatierra Motorbikes ang hinahawakang negosyo. Bukod doon ay kilala rin si Trevor sa pagiging matinik sa mga babae. May mga isyu ito noon na nasangkot siya sa ilang modelo na binigyang linaw ng kumpanya. Pero hindi iyon naging hadlang para maging sila ni Trevor. Naging magkaklase silang dalawa noong college. Trevor courted her at sinagot niya ito nang magtapos sila ng kolehiyo at ngayon ay mauuwi na ang lahat nang ‘yon sa kasalan. She’s happy. She loved Trevor. Walang perpektong relasyon pero hindi naging hadlang ang mga pagsubok na ibinigay sa kanila upang hindi magtagal. Imbes ay lalo pang pinagtibay no’n ang relasyon nila at ngayon nga ay yinaya na siya nito magpakasal. Walang mapaglagyan ang sobra-sobrang saya sa kanyang puso ngayon. Parang lahat ng mga hiniling niya noon ay biglang natupad isa-isa. “Yup.” “I am happy for you, Kaia,” nakangiting wika sa kanya ni Violet. Violet is her long-time friend. Magkaibigan na sila simula pagkabata at palaging magkasama. Siya rin ang unang babaeng ipinakilala niya kay Trevor sa lahat ng mga kaibigan niya. “Pero alam kong alam mo na hindi magiging madali ang mga haharapin mong pagsubok,” seryosong wika sa kanya ng kaibigan. Alam niya kung ano ang sinasabi ni Violet at iyon ay ang tungkol kay Lacey na matagal nang may gusto kay Trevor. She was her friend not until she found out her true colors. May plano siyang agawin si Trevor mula sa kanya. Ang akala niya ay hindi totoo ang mga sabi-sabi nila noon dahil hindi naman siya iyong tipo ng tao na judgemental pagdating sa ibang tao. She’s always giving other people a benefit of the doubt to prove himself or herself kasi ayaw niya naman makinig sa mga sabi-sabi lang. Pero nang magkaproblema sila ni Trevor ay doon niya na-realize na totoo nga ang mga sinasabi ng iba. “Lacey will surely be the biggest problem in your relationship bago kayo makarating na dalawa sa altar,” wika ni Violet sa kanya. Ayaw niya magpakanega pero totoo naman ang mga sinasabi ng kaibigan. Kamakailan lang ay naabutan niya si Lacey sa mismong office ni Trevor na nakayakap. Mabuti na lang at nahuli niya si Trevor na tinulak niya si Lacey kundi ay iisipin niya na ginusto rin ng lalaki na yakapin ito. Kung tutuusin ay hindi niya pa rin maiwasan na makaramdam ng duda sa kanilang dalawa ni Lacey. Lacey is one of his flings during college. Nagtagal ang relasyon nilang ‘yon ng isang taon bago siya nito ligawan at kahit noong nanliligaw na ito ay tuloy pa rin ang paglapit ng babae sa kanya na naging isa rin sa mga problema bago niya ito sinagot at ngayon ay hindi pa rin natatapos ang problema nila kay Lacey. “Hindi ko hahayaan na masira kami ng babaeng ‘yon. Mahal namin ni Trevor ang isa’t isa.” “Alam ko. Pero minsan kahit anong pagmamahal ang meron kayo sa isa’t isa, masisira at masisira pa rin kayo lalo na kapag may desperadang babae na kayang gawin ang lahat, masira lang kayong dalawa.” PAGKATAPOS ng pag-uusap na ‘yon ay umuwi na si Kaia sa mansion. Suot-suot niya ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Trevor nang magpropose ito. Hindi siya masasamahan ng lalaki sa mansion dhail may importante itong business meeting na hindi pwede mapostpone. Nasa ibang bansa ito ngayon para roon. Noong isang araw pa ito umalis at dapat ay tatlong araw lang ito roon pero inabot na ito ng isang linggo dahil sa marami siyang kailangan i-meet na mga tao tungkol sa negosyo. “Sorry love if I can’t be with you right now,” malungkot na wika sa kanya ng lalaki. Napangiti si Kaia roon. Nakavideo call silang dalawa habang nagdadrive papuntang mansion. “It’s fine love. I understand. Basta umuwi ka lang din kaagad dito para humarap ka kela Papa,” wika niya sa lalaki. “Yes love. See you soon.” Ibinaba na nito ang tawag pagkatapos no’n. Ayaw na ayaw ni Trevor na tumatawag siya habang nagdadrive dahil baka maaksidente ito, Ito ang unang beses na pinalagpas niya iyon. Mukhang abala talaga ang fiancée niya sa business meeting nito. Pagkarating niya sa mansion ay sinabi niya kaagad sa kanyang pamilya ang tungkol sa kanilang pagpapakasal. Binati siya ni Yesha at ni Jilian tungkol sa kasal pero katulad ng inaasahan niya ay tutol ang dalawa niyang kapatid lalo na si Diego. Alam niyang may gusto ang kapatid niyang si Diego kay Lacey. Kung tutuusin ay hindi ito nahiyang itago ang bagay na ‘yonm kay Jilian. Siya ang naiinis para sa asawa ng kapatid niya dahil hindi man lang ito nagawang respetuhin. “I don’t need your opinion regarding my marriage, Diego,” malamig na turan niya sa kapatid na siyang nagpatahimik rito. “Are you sure that you’re not going to marry him for the sake of your position, Kaia?” insulting wika ni Diego sa kanya. Napangisi naman si Kaia at napailing. “I am not like you kuya. He proposed to me because of love and not because of convenience kaya kahit ano pang tutol niyo, papakasalan ko siya,” mariin niyang wika sa kapatid. Tumingin siya sa kanyang ama at yumuko. “Dad, I know it’s not perfect timing but I hope you could give us your blessing. I really want to spend the rest of my life with him, dad.” “Are you sure of that, Kaia?” tanong muli sa kanya ng ama. Tumingin siya ng diretso sa kanyang ama at saka tumango. “Yes dad.” “Okay.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD