Kabanata 1

1465 Words
Kabanata 1 “Congratulations Ma’am. Elle became the number 1 for Hotel and Restaurants this year,” nakangiting bati sa kanya ng secretary niyang si Klaire. Kung sabagay, wala siyang dahilan para hindi maging masaya ngayong araw. She reached her ultimate goal for this year and that is Elle to became number 1 in Hotel and Restaurant’s industry. Laman na naman siya ng mga balita at kagaya ng inaasahan niya ay may official interview siya sa Metro Show ngayong araw. Masaya siyang naglalakad papasok ng kanyang opisina kasama si Klaire. She’s wearing her favorite white dress today dahil alam niyang magiging number 1 ang Elle para sa taon na ito. They became number 2 last year at hindi siya natuwa sa result na nakuha nila kaya sa sumunod na taon ay wala silang sinayang na araw. They tried so hard to increase the number of sales of their hotel and restaurant for each month and now that they finally reached the goal, deserve nila na makakuha ng reward para sa lahat ng ito. “What is my schedule for today?” “Wala masyado Ma’am maliban sa interview mo para sa Metro Show.” “Ms. Gonzales, reserved a restaurant for dinner later. We need to celebrate this victory,” nakangiting wika niya rito. Tumango naman ang secretary niyang si Klaire sa kanya at saka umalis na sa kanyang opisina. Abala siya sa pagbabasa ng mga balita tungkol sa Elle sa internet nang biglang maputol iyon dahil tumawag ang kapatid niyang si Diego. “Bakit?” kaagad niyang tanong sa kapatid. Sa totoo lang ay wala siya sa mood na kausapin si Diego o kahit na si Henry na kapatid niya. Ever since she was a kid, alam niyang hindi na pantay ang trato sa kanila lalo na sa tinuturing niyang ina. Ipinanganak siya dahil sa kasalanan na nagawa ng kanyang ama. Her father’s mistress was her biological mother kaya hindi na kagulat-gulat ang unfair na pagtrato sa kanya. But it was okay because her father loves her so much. Kahit paano ay nabawasan ang kagustuhan niya na makahanap ng pagmamahal galing sa ina dahil sa pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng papa niya. She worked so hard to gain everything she has now dahil alam niyang may masasabi at masasabi ang mga kapatid niya sa kanya. Pero hindi iyon naging madali para sa kanya dahil palagi siyang dina-down ng mga taong nasa paligid niya lalo na ang mga kapatid niya. She realizes that no matter what she’ll do, they will never accept her as a part of their family. Kaya idinistansya niya ang sarili sa pamilyang nilakihan niya. Kumuha siya ng sariling bahay na malayo sa kanila. It was sad to live alone but she rather does that than to be with toxic people like them. Lahat ng mga mayroon siya ngayon ay hindi niya hiningi. Pinaghirapan niya ‘yon kaya hindi niya basta-basta ibibigay ‘yon sa kahit na sinong tao. “Kailangan mo umuwi sa mansion. Papa wants to see you.” “Okay.” Pagkasagot na pagkasagot niya no’n ay pinatay na niya kaagad ang tawag. Narinig pa niya ang pagrireklamo sa kanya ni Diego tungkol sa pagpatay o hindi pagsagot ng tawag nito pero wala na siyang pakialam doon. Marahan siyang sumandal sa kanyang upuan at ipinikit ang mga mata. Ayaw na ayaw niyang pumupunta sa mansion dahil wala naman silang pinag-uusapan bukod sa pera at negosyo. And it’s making her sick every time she hears the conversation. Pero wala ata siyang choice kundi ang pumunta dahil kakatanggap niya lang ng text galing sa kanyang ama tungkol sa dinner sa mansion. Pagkatapos ng kanyang trabaho ay dumeretso na siya sa mansion. Dapat ay magpapahatid pa siya sa kanyang driver pero nagdrive na lang siya pauwi sa mansion mag-isa at maagang pinauwi ang driver. Nang makarating siya sa mansion ay nadatnan niya ang kanyang mga kapatid na nag-uusap tungkol sa negosyo. Ang kanyang ama ay nakaupo sa sentrong upuan na siyang katapat ng kanyang ina. Ang kapatid niyang si Diego ay katabi ang asawa nitong si Jilian ay nakapwesto sa kanan habang si Henry na sumunod rito ay nakapwesto sa kaliwa kasama ang kanyang asawa na si Yesha. “Late ka na naman,” iritang wika ni Diego sa kanya. Hindi niya pinansin ang kapatid at umupo sa tabi nito. Tuluyan silang binalot ng katahimikan. Magsasalita sana si Henry pero inunahan siya ng kanyang ama. “Kaia, anak,” tawag ng kanyang ama dahilan para mapatingin siya rito. “Yes po?” “I want you to become the CEO of De Castro Enterprises,” seryosong wika ng kanyang ama na si Gregorio. Napasinghap silang lahat at maging si Kaia dahil doon. Pero hindi niya maitatanggi na natutuwa siya na sa wakas ay nakita ng kanyang ama ang mga pinaghirapan niya. She was working hard not only to reach her dreams but to be acknowledge as De Castro’s daughter. Mahirap lumaki sa isang pamilya na ang tatay lang ang kaisa-isang kadugo. “Dad!” mabilis na tutol ni wika ni Henry at Diego. “Kaia worked hard enough to earn my trust and the company. She became a successful CEO unlike the two of you. Wala akong tiwala sa gagawin niyong pagpapatakbo sa kumpanya,” paliwanag ng kanilang ama. “Hindi ba tayo masyadong nabibigla, Pa?” tanong ng asawa ni Henry na si Yesha. “I know Kaia is a great woman but I don’t think she could handle the company. You could at least give the company to someone who is experienced in running a company like Henry,” mahabang paliwanag ni Yesha. “And then what? Hindi ko ibibigay ang kumpanya sa taong lulugiin lang ang pinaghirapan ko,” seryosong wika ni Gregorio. “Mas karapat-dapat si Kaia na maging CEO ng De Castro Enterprises.” “Dad, mawalang galang lang pero hindi naman totoong De Castro si Kaia. Why would you give the company to your half-daughter?” iritadong wika ni Diego sa kanya. Tumingin si Gregorio sa kanyang panganay na anak at sinamaan ito ng tingin. “Kahit anak ko siya sa iba ay hindi pa rin no’n maitatanggi ang dugong nanalaytay sa kanya. At isa pa, mas marami siyang narating sa pagnenegosyo pagdating sa inyo. A true CEO should care also for her employees and not only for money.” “Will you accept the offer, Kaia?” tanong ng kanyang ama. Lahat sila ay napatingin sa kanya. Ang masasamang tingin na ipinupukol sa kanya nila Henry ay tila balewala. She’s willing to accept the position that her dad offered to her. Sino ba siya para tumanggi sa trabaho at posisyon na inaalok nito? Alam niyang malaking responsibilidad ang paghawak ng kumpanya pero alam niyang gagawin niya ang lahat para mapanatiling maayos ang pagpapatakbo nito. “Wala po akong rason para tumanggi, dad. I would gladly accept your offer to be the next CEO of De Castro Enterprises.” “Kaia!” inis na wika ni Diego pero hindi niya pinansin ang inis nitong wika sa kanya. Wala siyang pakialam kung manggalaiti ang kapatid niya ngayon sa kanya dahil sa totoo lang ay tama naman ang kanyang ama. Hindi nito dapat ipagkatiwala ang kumpanya sa taong walang pakialam sa mga empleyado niya at pera lamang ang habol. Hindi magtatagal ay malulugi rin iyon. “Gregorio, I think you should think about this more,” wika ng kanyang ina na si Antoinette. “Wala na akong dapat isipin pa, Nita. Hindi ko magagawang ipagkatiwala ang negosyo sa kanila maliban kay Kaia. Buo na ang pasya kong ipamana sa kanya ang kumpanya,” mariin nitong wika. Tumingin siya kay Kaia at saka muling nagsalita. “I will announce the new CEO before launching of your next branch of Elle,” nakangiting wika nito sa kanya. Tumango naman si Kaia sa sinabi ng ama at pagkatapos ay nagpaalam na sa kanila na uuwi na bahay. Pero hindi pa man siya nakakaalis ay kinompronta na siya ni Diego sa may hallway sa mansion. “What do you think you are doing, Kaia?” “What do you mean?” inosenteng tanong nito sa kapatid niya. “Do you really think that you can handle the whole company? You’re just a CEO of a small hotel and restaurant, Kaia. Don’t think too big of yourself.” Tumawa si Kaia at napailing. “At ikaw? Iniisip mo bang makakaya mong hawakan ang kumpanya sa kabila ng pagkascam mo sa isang kliyente? Hindi ba ay mas nakakahiya iyon kapag nalaman ng mga tao na ang magmamana ng kumpanya ay hindi kasing-talino ni daddy mag-isip pagdating sa lakaran nito?” Hindi nakapagsalita si Diego sa sinabi ng kapatid at sinamaan lang ito ng tingin. “Uuwi na ako, kuya. Salamat sa concern.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD