CHAP 5. PRINCE'S GUILT

1529 Words
IT WAS a nice morning. Tumunog ang alarm clock ni Baba na nasa gilid. Pupungas-pungas pa siya na kinuha ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng bedside cabinet. Ang madalas na unang ginagawa ni Baba tuwing umaga ay basahin ang mensahe niya sa emails dahil sa business na mayroon siya. Pinapadala sa kanya ng sekretarya niya ang schedule niya sa maghapon tuwing umaga. Sa hapon sa araw na iyon, may kausap siyang isang Spanish celebrity. Magpapagawa ng design ng damit nito sa red carpet. May nakita muli siya na email mula kay Prince Hanz na nagpataas ng kilay sa kanya. Pinindot niya ang email nito. [As you open your eyes and begin your day, remember that you will never have this day again. Spend the day with me, Good Morning!] Nagtaas ang kilay ni Baba at tinabi ang cellphone niya. May pagka-mahangin ang dating ng mensahe ni Prince Hanz. na para bang sinabi nito na malaking panghihinayang kung hindi niya ito makikita sa araw na iyon. "Good morning Miss Penelope!" medyo namamaos pa na bati ni Kaitlin at humarap sa kanya.  "Morning Dear! rise and shine. Sa labas na lang tayo kumain ng agahan," saad ni Baba na hinaplos ang buhok ni Kaitlin. Naghikab siya at tinungo ang bintana para hawiin ang kurtina. Sabay silang tumayo at lumabas ng kwarto. Nagsalin siya ng tubig sa water heater bago naisip na maghilamos.  Isang katok ang gumambala sa kanila ni Kaitlin. Naisip ni Baba na baka ang tatlong Dark Guards muli ang kumakatok sa apartment niya dahil wala namang iba pang nakakaalam ng tirahan niya na iyon kung hindi ang pamilya lang niya at malalapit na kaibigan tulad ng pamilya ni Cally. "Open the door, Dear Baby," utos niya kay Kaitlin. Tulad niya, nasa isip din nito na ang tatlong Dark Guards ang nasa labas. "I don't want to see them. You promised me that we will be going out today." Halatang hindi nagugustuhan ni Kaitlin na makakasama na naman nito ang tagapagbantay. "Don't worry, my dear baby. Lalabas pa rin tayo. May meeting nga lang si Mama ng hapon." "Okay…" Tumalikod na ito at tinungo ang pintuan. Si Baba naman ay hindi na naisip pa na magpunta ng kwarto para maghilamos. Doon na siya nagmumog sa lababo na nasa kusina. Sakto lang kung saan nasisilayan niya pa ang anak. Kumunot naman ang noon ni Kaitlin nang tuljuyan na mabuksan ang pintuan. There were three men outside pero hindi ang mga nagbantay sa kanya nang nagdaang gabi. Sa bungad ay isang food cart na may laman na tatlong tray ng pagkain, isang bouquet ng pulang rosas at isang pitsel ng orange juice.  "Good Morning! We are here for Miss Penelope." Kumunot ang noo ni Kaitlin. "Miss Penelope, someone is looking for you!" Kumuha lang ng paper towel si Baba at pinunasan ang basang mukha bago tinungo ang pintuan. Nagtataka siya kung sino ang bisita niya sa bahay. Umasim na lang ang mukha niya nang makita si Prince Hanz na pinoprotektahan ng dalawang lalaki na tulak-tulak ang isang food cart. Nakasuot ng puting polo ang prinsipe. Naka-snickers lang din ito na malayo sa normal na kasuotan nito araw-araw. May mask din na natakip sa ilong at bibig nito pero hindi nakaligtas iyon kay Baba para makilala ang lalaki. Humalukipkip siya. "Mukhang hindi ka busy Prince Hanz at nagawa mo pang alamin ang bahay ko." "I'm sorry kung kinailangan ko na alamin ang bahay mo. I really want to talk to you and spend this day with you," prangka na sabi. Kumunot ang noo ni Kaitlin sa nadinig. "Ha! Kahit gustuhin mo na makasama ako, you have to ask me first kung gusto ko ba." Parang nahihirapan na si Prince Hanz na tibagin ang pader na binuo ni Baba. "Penelope, I have reasons in the past." "I don't care about your reasons. Dalhin mo na lang ang mga pagkain na ito sa asawa mo, I don't have time today. No, I mean not just today. But everyday." "I don't have a wife," sagot nito sa bintang niya. "Miss Penelope, I'm hungry" putol ni Kaitlin. Binuksan na nito ang takip ng isang tray at isang masarap ng almusal ang bumungad sa kanila. Nalanghap din nila ang mabangong amoy ng pagkain. Hindi na napigilan ni Kaitlin na dumukot ng isang piraso ng sausage at ipasok iyon sa bibig nito. "Before you enter, let me ask you three questions," saad ng anak niya. Naghintay naman si Prince Hanz at hindi sumagot. "Firstly, Are you her fan?" "Yes," mabilis na sagot ng prinsipe. "OK. Second, do you have a girlfriend? Don't get me wrong. You only said that you are not married." Baba "..." "I don't have a woman in the past ten years." Baba "..." Matagal na natahimik si Kaitlin. "Are you gay?" Prince Hanz "..." "Nah! 'wag mo nang sagutin. That is not my third question. Miss Penelope,  I'm hungry. Let them in." "What is your third question?" curious si Baba. Ayaw niyang papasukin si Prince Hanz sa tahanan niya but she was hooked by Kaitlin's questions. Matagal na nag-alangan si Kaitlin. "My third question is simple and is actually for you." Kumunot ang noo niya. Titig na titig sa kanya ang anak at pansin niya rin na hindi ito palagay. "Is he my Dad?" Kaitlin asked. Halos ubuhin si Baba sa tanong na iyon ni Kaitlin. Hindi naman niya masisi ang anak kung isipin nito na si Prince Hanz ang tatay nito. Sa loob kasi ng mahabang panahon, walang lalaki ang nagtangka na mag-approach sa kanya. Madalas aloof si Baba at halos maging loner siya sa mahabang panahon. Looking at the bouquet of flowers, three trays of breakfast and the deeper meaning of their conversations, malamang na mapagkamalan nga ni Kaitlin na may nakaraan sila ni Prince Hanz. Ngayon lang din niya napansin na parehas ng kulay ang mata ng dalawa. Green. Hindi niya iyon pinuna nang una dahil marami siyang nakakasalamuha na green ang mata. Isa pa, magkaiba naman ang shape ng mata ng mga ito kahit pa parehas iyon ng kulay. Hindi niya iyon binigyan ng halaga. Kahit ang dalawang lalaki na iyon ay green ang mata. Parang gusto niyang sumuka nang balikan ang dalawang lalaki sa nakaraan. Pinilig niya na lang ang ulo. Ngunit nagtaas ang kilay niya sa sinagot ni Prince Hanz. "I am." *cough cough* Lalo siyang inubo sa sinagot nito. He dared to admit that he was the father! "You.. You.. You.. Huwag mong paasahin ang anak ko!" singhal niya. Napaatras din naman siya dahil sa talim ng tingin na ipinukol sa kanya ng dalawang bodyguard nito. She forgot that he was a prince afterall. Sa paningin siguro ng dalawang lalaki na may malalaking muscles ay sobrang lakas ng loob niya para singhalan ang prinsipe ng mga ito. Pero para siyang hangin na hindi pinansin ng anak niya at ni Prince Hanz. Sa halip, nilakihan ni Kaitlin ang pintuan para patuluyin ang lalaki. She was satisfied by his answer. "Come in!" Mabilis naman na kumilos ang dalawang bodyguard ng prinsipe at agad na itinulak ang food cart papasok sa loob ng tahanan ni Baba. 'Hey, I'm still here!' Hinawakan niya si Prince Hanz sa braso nang nasa tapat niya na ito para pigilin bago pumasok. "Chairman Hanneson! Let me talk to you in private! Follow me in that room!" turo niya sa isang kwarto. Ngumiti naman ng malalim si Prince Hanz. Nakaangat ang isang gilid ng labi nito. "I know sweetheart that we missed each other so much. But you see, I don't want to give Kaitlin a bad impression about me. Hayaan mo muna na makakain man lang tayo ng agahan." "Wh-what nonsense are you talking about?! Sinong nakamiss sa pagmumukha mo? Gusto kong sabihin sa iyo na hindi nga tayo close kahit noon! Hindi nga tayo nagkasama sa iisang lugar."  pinameywanagan niya ito. "Tsk tsk! Ngayon naman ay nagrereklamo ka na dahil hindi tayo close. Huwag kang mag-alala, I have all the time to get closer to you para hindi na natin mamiss ang isa't-isa. I will gradually introduce myself to you, so you won't miss even a single detail about me." Baba "..." Bago pa siya makapag-react, tumuloy na sa pagpasok si Prince Hanz para sundan ang masayang si Kaitlin. Habang busy ang dalawa sa asaran ng mga ito, busy rin ang tatlong nilalang na naunang tumuloy sa kusina. Si Kaitlin mismo ang kumuha ng plato mula sa kitchen cabinet. Maayos naman na nilagay ng dalawang lalaki ang mga pagkain sa mesa. Inayos ng mga ito ang table napkins. Pati ang pagkakaayos ng mga kubertos ay pantay. Para bang may invisible ruler ang dalawang lalaki na kahit katiting na agwat ay walang makikita. Nasorpresa si Baba na kahit sa table settings ay alam ng dalawang kasama ng prinsipe ang gagawin. Gaano kataas ang standard na kailangan para maging royal staff? "Miss Penelope, I'll arrange your flowers if you don't mind," sabi ni Kaitlin kahit pa kasalukuyan na nito na inaayos ang kumpol ng bulaklak sa isang vase at hindi na hinintay pa ang sagot mula kay Baba. Hindi maipaliwanag ni Prince Hanz ang tunay na nararamdaman niya sa dibdib. Looking at Kaitlin, he was really guilty. Akala niya noon ay nagpakasal si Penelope, then he stopped seeing her kahit sa malayo lang na tulad ng nakagawian niya noon. Now, he wanted to ask Penelope kung ano ang dahilan kung bakit ito tumigil sa propesyon nito bilang piyanista pero ayaw niyang sirain ang mood ng magnanay. May kinalaman ba iyon sa nangyari dito mahigit sampung taon ang nakaraan? May kinalaman ba iyon sa pagkamatay ng mapapangasawa dapat nito? He silently clenched his fist. Maybe he was the real culprit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD