CHAP 4. A STRANGER

1509 Words
ISANG malamig na gabi. Katulad ng lamig ng dibdib ni Baba. Hawak na lang ni Baba ang three inches heels na ginamit niya simula ng hapon sa auction dahil sa sakit ng sakong niya. Habang naglalakad paakyat sa apartment, mas pinili niya na lang na maglakad nang nakapaa dahil hindi na niya kaya pa ang maglakad nang naka heels. Ang apartment na iyon ang binili niya dito sa Paris dahil madalas siyang magpunta dito sa lugar para sa mga event. Her daughter Kaitlin, who was almost ten, is together with her. Nagkataon kasi na bakasyon nito sa school. Nag-aaral ang anak niya sa isang international school sa Wales para walang maka-tunog sa pagkatao nito. She was living in a girls dormitory in her normal school days. Minsan kapag namimiss niya ang anak, sinusundo niya ito sa school para magbonding. Kilala ang school sa confidentiality ng mga estudyante kaya ito ang napili niya para kay Kaitlin. Ayaw niyang mangyari na madamay ang anak niya sa mga pangit na nangyari sa kanya noon. In order to protect her child, kinailangan niya na itago ito sa publiko. If someone knows about her existence, hindi niya alam kung ano ang mangyayari. Kapag nalaman ng pamilya ni Kevin, ang fiancé niya na namatay, ang tungkol sa presensya ng anak niya, sigurado na malaking problema dahil mauungkat ang mga nangyari noon. In order to protect her, her best friend, who was her fiancé, died. Ayos lang sana kung ang pangalan lang niya ang masisira, pero hindi niya kakayanin kung madadamay si Kaitlin. Binuksan niya ang pintuan ng apartment niya at natagpuan ang anak kasama ng tatlong Dark Guards na nagbabantay dito na nasa iisang mesa. She saw a cake in the middle. Plus teapot and cups. One look and she could tell na napilitan ang mga ito na makipaglaro kay Kaitlin. "Miss Penelope!" nagliwanag ang mukha ng anak niya. Ito ang tawag sa kanya ni Kaitlin. Parang nakahinga naman ng maluwag ang tatlong Dark Guards nang makita siya. From their looks, she can tell na dumanas ng sakit ng ulo ang mga ito. Alam din niya na hindi naman talaga forte ng mga ito na magbantay ng bata. Nagawa lang nito na sundin si Shogun. "You can all go now. Ako na ang bahala kay Kaitlin. Thanks for all your hard work," sabi niya sa mga ito. "Thank you, Miss Penelope." Gusto sana na magreklamo ng mga ito pero hindi nila magawa dahil mahigpit ang bilin ni Shogun na bantayan ng mabuti ang bata. Isang ngiti ang sinagot ni Baba sa mga ito. Mabilis naman na nagsipagtayuan ang tatlo at mabilis na umalis. "Bakit mukhang hindi sila masaya? What did you do?" usisa ni Baba kay Kaitlin. Tinungo niya ang fridge at naghanap ng pwedeng ihandang pagkain. "I just told them I want to go out. Ayaw nila akong payagan. so, I read books all afternoon," tila balewala na saad nito. Gusto niyang matawa sa reklamo nito. Nilabas niya ang broccoli saka mushroom mula sa ref para lutuin. Masakit na ang paa niya pero kailangan niya pa itong pakainin ng hapunan. "Tomorrow, I'll bring you outside. Then, if you want to see Grannies, dadalhin kita sa Pilipinas." Tumingin sa kanya si Kaitlin. "How about you let me see my Dad?" Napatigil siya sa pagkilos. Mabilis din naman siyang nakabawi saka ngumiti dito. "Ayaw mo na agad sa akin?" "Miss Penelope, you know that you are my most favorite person around the globe. Kung ayaw mo na magkita kami, ayos lang! It's not as if it's the end of the world," saad ni Kaitlin. Nakampante naman ang kalooban niya dahil mukhang balewala na dito ang isyu. Biglang humapdi ang paa ni Baba. "Ouch! Hss..." Umupo na muna siya sa silya. Hindi niya talaga kaya na tumayo pa. Hindi kasi siya sanay magheels dahil bibihira siya na dumalo sa okasyon. "Miss Penelope, are you okay?" nag-alala na tanong ni Kaitlin. Lumapit ito sa kanya para suriin ang paa niya na namumula na. "I'll cook, you take a rest." sabi nito na kinuha ang broccoli at isang pack ng mushroom mula sa kamay niya. Bago niya ito hayaan. Niyakap niya muna si Kaitlin at hinalikan sa ulo. "Thank you Dear, Mommy loves you" "I love you too, Miss Penelope! Haay... mabuti na lang at hinayaan mo akong maging independent." nakangiti na saad nito na tinungo ang lababo para hugasan ang ingridients na gagamitin. Baba looked at her child's back. Mahigit sampung taon, she gave herself freely sa isang estranghero. Kaya't paano niya ipaliliwanag kay Kaitlin na kahit siya mismo ay hindi alam kung sino ang tatay nito? Isang email ang pumukaw sa nililipad niyang kaisipan. ..... PARA BANG bigla na lang naramdaman ni Baba ang pagod. Naglagay siya ng mainit na tubig sa hot compress bag saka niya ipinatong ang talampakan niya dito.  Bahagya siyang nakaramdam ng kaginhawaan. Nilingon niya ang anak niya na parang nag-eenjoy sa pagluluto.  She was admiring her daughter who was busy in the kitchen. Her daughter loves to cook. Mahilig din mag-bake sa edad nitong siyam.  Hindi naman siya nagwoworry sa apoy dahil induction ang kalan na gamit nila sa bahay  Sa pisikal na anyo naman ay masasabi na nagmana ito sa kanya. Nakuha nito ang mahabang binti niya na namana rin niya sa Mama niya na si Shey.  Her facial features like her lips, her black colored hair and facial shape were all hers.  Kaitlin's nose and her eyes are different from her or even from her family.  Nag-beep ang email tone ng cellphone niya na nasa lapag ng mesa.  Balewala na kinuha niya ang cellphone at binasa kung sino ang nagpadala ng mensahe. Halos manlaki ang mata niya na mabasa ang pangalan mula sa pamilyar at lumang email address.  She opened his email [I'm Prince Hanz] Tatlong kataga lang iyon pero halos magpasabog sa lahat ng brain cells niya. Sobrang 'direct to the point' ng lalaki ngayon.  Hindi na siya nagtaka na alam nito ang bagong email niya dahil madalas niyang kausap si Arthur na assistant nito sa auction.  Siguro dahil ilang taon na rin ang nakaraan nang huli niya itong nakakausap kaya hindi na ito tulad noon.  Isa pa, hindi na rin sila bata ngayon. Hindi niya pinansin ang mensahe nito dahil nasa utak ni Baba na hindi sila close ng lalaki.  Posible na magaan ang loob niya dito noon. Pero matapos nitong bilugin ang ulo niya, ayaw niya nang magpaapekto pa dito.  She's not the same Penelope na mahiyain at madaling utuin.  Nilapag niya muli ang cellphone sa mesita.  "Dear baby, magshower lang ako." Tumayo na siya at hindi na hinintay pa ang sagot ng anak niya. Suot niya pa kasi ang gown na ginamit niya sa auction.  Natapos naman si Kaitlin sa pagluto ng broccoli na nilagyan niya ng kaunting karne at mushroom.  Matapos iyon, nanood siya ng educational videos sa ipad kung saan umupo ang Mommy niya.  Nag-ring bigla ang cellphone ni Baba na nasa table. She paused the video to look at her Mommy's phone.  Isang unfamiliar number. Hindi niya pinansin ang tumatawag at pinagpatuloy ang panonood.  Kaya lang, tumawag muli ang parehas na numero.  Medyo inis na siya kaya sinagot niya ang tawag nito. Pinanatili ang gaan ng boses sa kausap dahil ayaw naman niya na ilagay sa alanganin ang Mama niya.  "Hello!" sagot ni Kaitlin.  Nabigla si Prince Hanz nang sagutin ang tawag niya pero alam niya na hindi si Penelope ang nasa kabilang linya.  "Nandyan ba si Penelope?"  "Yes, but she's busy."  Saglit na natahimik si Prince Hanz, pinakikiramdaman ang linya.  "Are… are you her daughter?"  "No," mabilis na sagot. "I'm her mother." Prince Hanz "..."  Natapos naman si Baba sa paglinis ng katawan kaya ilang saglit lang palabas na siya mula sa loob ng kwarto. Isang manipis na house dress ang sinuot niya.  Napansin ni Baba na hawak ni Kaitlin ang cellphone niya at nakadikit iyon sa tenga nito. "Who's that?"  "Miss Penelope, I don't know."  Narinig din ni Prince na tinawag nitong 'Miss Penelope' si Baba kaya nagtaka ito kung sino ang kausap. She sounds like a little girl but the way she talks is more mature. Kinuha ni Baba ang cellphone mula sa anak.  "Hello?" "Penelope, it's me." Nabosesan niya si Prince Hanz sa kabilang linya. "Chairman Hansson, what can I do for you?"  "I-I want to ask if you are free tomorrow."  "I'm not"  "What about the next day?"  Huminga ng malalim si Baba. "Chairman Hansson or Prince Hanz," tawag niya sa pangalan nito dahil hindi na siya nakatiis. "I'm not the same nineteen-year-old girl na madaling utuin. Isang batang babae na madaling mabola sa mga pabulaklak at makatang mga tula." "...I will tell you right now para makatulog ka na ng maayos, that I was almost hooked by your faked charm and sincerity. Nanghinayang nga ako sa mga bulaklak na pinadala mo sa akin at sa effort mo na gumawa ng istorya. Ilan bang babae ang nabilog mo ng ulo? Five? six? Kaya huwag mo na akong tanungin kung may oras ako, because I don't. Have. Time." Napakuyom na lang ng kamao si Prince Hanz sa mga narinig.  Nakatingin naman sa kanya si Kaitlin. Unang beses nito na makita siya na magalit sa isang lalaki kaya iba ang nasa isip nito. "Penelope, just this once," narinig niyang pakiusap pa rin nito sa kabilang linya. "Oh! Hello? Prince? Are you still there? Hello? Hello? Choppy… enk.. enk.." Saka niya ito pinatayan ng cellphone at binagsak iyon sa mesa. Mukha ng anak niya ang sumalubong sa kanya.  "Is he the man you liked before?" usisa nito.  "Ayoko na siyang pag-usapan. Let's eat!" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD