bc

The Longest Courtship [Tagalog] Completed

book_age16+
2.5K
FOLLOW
8.7K
READ
one-night stand
fated
goodgirl
aloof
brave
prince
single mother
drama
sweet
royal
like
intro-logo
Blurb

Nakilala ni Baba o kilala bilang Penelope Smith si Prince Hanz noong disinuebe anyos pa lang siya sa concert ng ama sa Berlin. Matapos ang una nilang pagkikita ay sinundan siya nito sa concert niya bilang piyanista sa kung saan-saang bansa.

Lihim na nagpapadala sa kanya ng bulaklak ang torpeng nagtatago sa ilalim ng pangalang Smiley. Naging secret admirer niya ang lalaki at patuloy na nagpapadala sa kanya ng bulaklak sa loob ng limang taon.

Napagkasunduan nila na magkita makalipas ang limang taon na panliligaw nito, ngunit isang pangyayari ang naganap sa bansa ni Prince Hanz dahilan para hindi siya nito siputin. Isang gabi, nang dahil sa droga ay kinailangan ni Baba na makipagtalik sa kung kaninong lalaki dahilan para magkaroon siya ng anak na itinago niya sa loob ng mahabang panahon.

chap-preview
Free preview
CHAP 1. AUCTION
ISANG auction ang naganap kung saan kailangan makuha ni Lorenz ang Queen's ring. Lorenz accompanied his ate Baba sa France kung saan gaganapin ang auction. Sa edad ni Penelope na late thirties, dala pa rin nito ang malakas na personalidad na mapapalingon ang lahat. Hindi dahil sa magara niyang kasuotan kung hindi dahil sa siya ang pinaka-simple sa lahat. She hooked her arm sa braso ni Lorenz when they met at the hotel lobby. She's wearing an off-shoulder black chiffon gown. There was no diamond or anything on it. Her only accessories are the diamond earrings and a bracelet she was wearing na parehas na siya ang may disenyo. She was simple and everyone thought that she was just in her late twenties. Hindi rin alam ng lahat na siya si Penelope sa unang tingin. Wala kasing nakakaalam sa personalidad niya. Nagpunta sila sa hall kung saan gaganapin ang auction. Compared to other attendees, mas simple ang suot ni Baba. Kumikinang ang kasuotan ng mga kababaihan na dumalo sa araw na iyon. Mas kapansin-pansin ang prinsesa na dumating sa venue. Five guards are guarding her. "That is Lady Marietta" bulong at senyas ni Baba sa isang ginang na nakasuot ng royal blue na gown. Kasama nito ang asawa nito. Simple naman na lumingon si Lorenz. She handed her invitation sa organizer na nagbabantay sa bungad at nanlaki ang mata nito nang mabasa ang pangalan niya doon. Mabilis na inabutan sila ng numero ng organizer. "M-miss Penelope, can I ask for your signature?" Tanong nito. Tumango lang si Baba. Then, the girl handed her a CD. Napangiti siya ng mapait nang makita ang lumang album kung saan naroon ang mga malulungkot na tugtog ng piano. Ang huling album na ginawa niya noon. Ang mga huling obra na ginawa niya bago namatay ang tatay ng anak niya noon. She trembled slightly while writing her signature. Masayang-masaya ang organizer matapos nitong makuha ang CD nito na may personal na pirma ni Baba. Mabilis naman na inakay siya ni Lorenz sa isang sulok at nag-request ng tubig sa isang staff. Lorenz knew her sudden changes. "Ate Baba, you have to move on. You have a daughter now," saad ni Lorenz. Nagpatuloy sa pangangatog si Baba. Alam nilang lahat sa pamilya ang history ni Baba. Her fiancè died because he was killed by his ex-girlfriend. Nasiraan ng bait ang babae ten years ago. She killed him at the night of Baba's engagement. The ex-girlfriend bought poison from the black market that can paralyze the person's body. Matapos nito na turukan ng gamot ang lalaki, hindi ito napakali at sinisi si Baba sa mga nangyari. Ang gabi na iyon ang pinaka-masakit na araw sa buhay ng ate Baba nila. Ang pinakamasaklap, si Christen at Mikko ang personal na gumawa ng formula ng gamot nang parehas na dakpin ang dalawa sa Germany matapos lang na sugurin nila ang isla ni Gon noon. Isang linggo na nagtrabaho si Christen sa black organization na ito para gumawa ng gamot kasama si Doc Mikko. Unti-unting susunugin ng gamot ang ugat ng isang tao hanggang sa umabot ito sa puso. Sa kasawiang-palad, nang lasunin ang kasintahan ni Baba noon, late na dumating si Christen at si Doc Mikko. Hindi nila nagawang iligtas ang kasintahan ng ate Baba nila sa araw ng mismong engagement nito. They knew that Baba wanted to blame the two doctors. Pero wala rin namang kasalanan ang dalawa. Sila ang orihinal na biktima sa mga naganap. Because of this thought, Christen has been upset for a couple of years. Nagbalik lang sa normal ang lahat nang puntahan ito ng personal ni Baba at sabihin na hindi sila nito sinisisi sa nangyari. Simula noon, naging seryoso na ang ate Baba nila at mas tinuon ang atensyon sa marami nitong trabaho. Lalo na at nag-iwan ng anak ang namatay nitong nobyo noon. Siyam na taong gulang na ang anak nito na babae na tinatago nito sa buong mundo. Even her personal affairs are secret. Mas sikreto ang mga ginagawa at identity ni Baba sa publiko, mas nakikilala ng mga tao ang gawa niya. Inabutan siya ni Lorenz ng tubig matapos na dumating ang staff. "I'm alright," she said. Ilang saglit pa, pinatawag silang lahat para simulan ang auction. Bago pumasok si Baba sa mismong loob ng hall, mabilis na binago niya ang mood at lumabas ang isang matapang na babae na parang susuong sa laban. "By the way, how much is your budget for that ring?" Usisa niya kay Lorenz. Lumabas naman ang hindi-palagay na anyo ni Lorenz. "H-ow much is... the initial cost of the ring?" Balik na tanong ni Lorenz. Bigla siyang pinagpawisan. "Twenty million." Ayos na sana si Lorenz pero sinundan ito ni Baba ng "Euro" Gustong magmura ni Lorenz at gulpihin si Mat-mat dahil hindi nito sinabi sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon. Para sa tulad ni Lorenz na hindi naman talaga nagmula sa isang mayamang pamilya, twenty million euro is a big amount of money.  Pero, ano pa nga ba ang magiging reaksyon niya sa halaga ng Queen's ring? Alam niya sa una pa lang na gagastos talaga siya ng milyon para sa singsing ng biyenan niya.  Iyon nga lang, para siyang hihimatayin sa kaba dahil ang twenty million ay initial na halaga pa lang nito. If someone bid for more, he doesn't know what to do.  It can reach 100 million and more and he doesn't know if he can afford it.  "Don't worry. I will help you fight for that ring," saad ni Baba. Nakahinga ng maluwag si Lorenz.  Ang tanging usapan nila ni Duchess Camilla ay hindi siya tutulungan ng Dark Lords. At hindi naman parte ng Dark Lords si Baba kaya safe siya sa usapan. He has savings at may pera rin naman siya na nakuha mula sa inheritance ni Madam Lira. Kung sakali, nais niya na ibigay iyon sa anak nila ni Sandra.  Hindi pa sila nakakaupo ni Baba sa silya nang may lumapit kay Lorenz. "Hi Sir Lorenz. Where is Lady Sandra?" bati ng isang babae. Abot hanggang tenga ang ngiti nito sa kanya. Pero malaki ang tanong nito sa kung sino si Baba sa buhay niya. Akala siguro nito ay mistress niya si Baba.  Kumunot ang noo ni Lorenz. Hindi niya kilala ang babae pero may palagay siya na isa ito sa mga dumalo nang kaarawan ni Duchess Camila.  Lumapit ang tatlo pang babae. "Hello, Sir Lorenz. D-do you want a cake?"  "A wine?"  "or perhaps… me?"  Sa oras na iyon, si Baba na ang nagtaas ng kilay.  "Wow! I never thought that you are popular with girls recently," bulong nito.  Napakamot si Lorenz sa ulo at namula ang pisngi. Hindi siya sanay sa ganoong atensyon na binibigay ng mga kababaihan.  Sa isang sulok, napansin din siya ng Prinsesa ng Dubai. Tinawag nito ang isang organizer ng auction na iyon.  "Who is that man?" tinuro nito si Lorenz na parang bulaklak na nilapitan ng mga bubuyog.  "Oh! that is Sir Lorenz, Penelope's family." nakangiti sa sagot nito.  Nilingon nito ang babaeng nakaitim na gown "That is Penelope?" halata na nagulat talaga ito. Hindi kasi nito akalain na simple lang manamit ang kilala ngunit mailap na si Penelope.  "Yes."  Pinagmasdan nito si Baba, tapos nilipat ang atensyon kay Lorenz.  "Is he a prince or someone from a royal family?" tanong ng prinsesa.  Kilala kasi nito ang iba sa mga babae na nangungulit kay Lorenz sa kasalukuyan. Puro maharlika ang mga iyon.  "Princess, according to gossip, he is not a prince but a son-in-law of Duchess Camilla from Sweden. He was good at fencing and was able to kill two wolves from the forest." "Is that interesting? My bodyguard can kill five wolves"  Ngumiti ang lalaki na organizer. "but his shotgun has only one bullet in it?"  Nabigla ang prinsesa. "so you mean, he killed the two wolves using skills?" "Yes, princess." Biglang naging interesado ang prinsesa kay Lorenz dahil sa mga narinig.  "what does he want in this auction?"  "I'm not really sure, princess."  "Interesting"  ..... ILANG saglit pa, nagsimula ang auction.  Naunang inilabas ang isang kotse na limited edition. Bagay ito sa mga bisita na nagcocollect ng sasakyan.  Sumunod ay ang tatlong paintings ni Baba. It was sold for ten million.  Ang sumunod ay isang brooch na sampaguita ang design. The initial amount is one million.  Tinaas ni Lorenz ang numero niya. "one million for that guy! Going once-"  "Two million."  "Two million for the lady over there."  Nag-iisip si Lorenz kung lalabanan niya ba ang two million para sa brooch.  He knew that he was here for the Queen's ring but it doesn't mean that he has to forget Sandra. Kailangan na may maiuwi rin siya para sa asawa niya.  "Five million!" sigaw ng Prinsesa ng Dubai.  Napalingon ang lahat dito. Siguro iniisip kung nababaliw na ba ang prinsesa na bumili ng brooch para sa halagang limang milyon. Walang nagawa si Lorenz kung hindi ang mag-goodbye sa brooch.  Kapag nalaman ni Sandra na bumili siya ng brooch na nagkakahalaga ng mahigit sa limang milyon, baka hindi na siya nito pauwiin sa bahay nila.  "Don't feel bad, brother" tinapik siya ni Baba sa likuran.  "It's okay, maghahanap na lang ako sa duty free ng chocolate na pwede ko ipangsalubong sa asawa ko." biro ni Lorenz.  Tumawa ito ng mahina.  "That's the spirit!" 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

More Than Just A Lap Dance

read
93.8K
bc

One Sinful Night R-18 (Tagalog story) COMPLETED

read
440.4K
bc

The Greek Badass' Addiction

read
58.6K
bc

Taming His Heart

read
46.5K
bc

A Deal With Isaiah

read
2.9K
bc

TEARS OF LOVE: Amy's Endeavor

read
8.5K
bc

Lust In Love (Tagalog) SPG

read
852.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook