CHAP 6. FIRST MEETING

1733 Words
[Back-tracking] BERLIN. It was the second week of the month of November, the afternoon under balmy skies will seem like dreams from another dimension.  An unbroken weight of gray clouds was all over the city. People prepared long coats, thick-soled boots and wooly hats. However, Penelope chose to wear her simple school uniform embracing the bone-chilling cold that Berlin offers each winter. She chose to hide her coat inside her backpack. She wanted to surprise her Dad. Her dark shiny hair was perfectly curled in a nice rubber band. She was like a winter fairy enjoying her afternoon. After winning a lot of piano competitions she had in years, she was taken as a scholar of a music school, town nearby. She came here to Berlin because of her Dad, Kyle. When she learned that Kyle was here, she decided to take a train and to visit her father in his last concert. Binagsak niya ang backpack na naglalaman ng winter jacket na umaabot hanggang binti sa kumpol ng snow. Her long soft legs are showing, walang pakialam sa lamig ng klima. Mabilis na nakita niya si Kyle mula sa pwesto niya na kausap ang isang lalaki na nakatalikod sa ikalawang palapag. "Pa!" sigaw niya. Looking up at her Dad, she waved her hands outside the building. Kasalukuyan na nasa ikalawang palapag ng isang gusali si Kyle for his concert briefing habang nasa labas si Penelope or Baba. Nanlaki ang mata ni Kyle nang makita ang anak niya na nasa labas ng concert building, waving at him. Nagpaalam siya sa mga kausap. Ngumiti naman ang mga ito at sinabi na uuna na. Binuksan ni Kyle ang glass sliding window para makasiguro kung anak niya ang nasa labas at niyayakap ng maginaw na klima. Halos takasan ng kulay si Kyle nang masiguro na si Baba nga ang nasa labas na suot ang isang simpleng school uniform. "Honey, come inside! Masyadong malamig. Kapag nagkasakit ka, I don't know how to face your Mom." Uso kasi ang winter colds. May pulmonya rin na pwedeng makuha ng may mahinang katawan. Bahagya na nga rin na namumula ang ilong ni Baba na nagbabanta ng pagsipon. Bumahid ang guilt sa mukha niya. Tumakbo siya para damputin ang bag niya na basta hinagis sa kung saan. Dahil tila nagsisimula nang pumasok sa mga pores niya ang lamig. Pagkatapos niyon, tumakbo siya patungo sa entrada ng gusali to meet her Dad but she didn't notice the person standing at the entrance looking at her deeply. Sa pintuan, isang bulto ang binangga ni Baba dahilan para maitulak ang sarili at mapasalampak sa malamig na simento. Parang electric current na mabilis na dumaloy sa katawan niya ang lamig. Halos mapasipol siya sa ginaw. Kumunot ang noo ng lalaki na nasa harap niya. He was wearing a nice americana. Halos walang lukot na mapupuna sa suot nito. His black shoe was shining like a deep night. His eyes were warm like water. Maayos na nakasuklay ang buhok nito. He has a serious face. "Help her," utos nito sa kasama. Mabilis na tinulungan si Baba ng babae na katabi ng lalaking bumangga sa kanya. Bahagya siyang nabuwisit dahil ang babaeng nasa tabi nito ang inutusan pa nito para tulungan siya samantalang ito ang nakasagi sa kanya. Binigyan siya nito ng panget na impresyon kaya inirapan niya ito at tumuloy sa pagpasok sa loob. Lumingon ang lalaki sa babaeng bagong pasok. Somehow naaliw siya dahil sa kabila ng malamig na klima, isang simpleng kasuotan ang suot nito. She has a cheerful look in her uniform. "Prince?" nakakunot ang noo ng Assistant dahil napatigil sa pagkilos si Prince Hanz. Binigyan pa nito ng huling sulyap ang dalaga na bagong pasok. Mabilis na nagbago ang anyo ng prinsipe at sumunod sa kasamang assistant. Sa lugar ni Baba… Matapos niyang umakyat sa ikalawang palapag, parang boss na binuksan niya ang pintuan. "Pa!" Nagliwanag ang mukha niya nang makita si Kyle sa loob ng kwarto. Ngumiti naman ito at mabilis na niyakap siya. "How are you my darling?" he kissed her forehead. Bigla ay nawala ang kanyang maturity at napalitan ng pabebe mode. "Pa, I miss you. Nasa'n si Mama?" nakanguso na tanong niya dito. "May sakit ang bunso mong kapatid na si Yuan, she has no choice kung hindi maiwan sa bahay." Sa ngayon kasi ay tatlo silang magkakapatid. Si Yuan ang pinakabunso na nasa edad na tatlo, si Harvey ay kasalukuyan na nasa anim na taon. Pumasok ang isang organizer. "Mr. Kyle, magsisimula na," sabi nito sa German. Sumunod sila dito. Parang bata na nagbigay siya ng mga tips sa Papa niya sa piano. Masaya naman si Kyle at hindi nagkomento. Makikinig naman ang organizer at natuwa ito na parang napakarami niyang alam. Saka lang nito napagtanto na siya si Penelope. "Wait, is this Ms. Penelope?" Ngumiti lang si Baba. "Wow! Mr. Kyle. Your daughter is Penelope?! No wonder, she's good!" "Thank you Ma'am," nakangiti siya sa papuri nito. "This will be your father's last day. Don't you like to be with him on stage?" Siyempre mabilis na pumayag si Baba. Pinasuot siya ng isang simpleng pink na long dress. Pinakilala siya bilang anak ni Kyle, nag-eenjoy siya na kasama ito sa entablado sa huli nitong gabi bago mag-retire na para bang pinapasa nito sa kanya ang talento nito. Sa huli, nag-alay siya ng isang musika para sa magulang niya. Personal niyang binuo ang musika na iyon habang nasa malayo siya at nasa Pilipinas ang mga ito, Habang naroon siya at dinadama ang musika pati na ang pagtipa ng mga daliri sa piano, isang pares ng mata ang hindi man lang magawang kumurap habang nakatingin sa kanya. .... One year had passed.  AUSTRALIA May concert na gagawin si Baba o kilala bilang Penelope sa Sydney orchestra Town Hall sa hapon na iyon.  That morning, she decided na magpunta sa Town Hall para magkaroon ng familiarity sa lugar. Kasama niya ang matalik na kaibigan na si Dylan, isa ring musician. She's a pianist while Dylan is a violinist. Sinalubong sila ng organizer dahil nasabi na nila dito ang nais nila.  This is her 3rd time concert sa loob ng isang taon simula nang magdebut siya sa propesyon bilang piyanista. Hindi dapat siya papayag sa concert na ito kung hindi lang sinabi sa kanya na 40 percent ng kikitain ay mapupunta sa charity.  Tinungo nila ang concert hall. Two thousand seats ang bilang ng mga silya. Madilim ang paligid at tanging ang entablado lamang ang may malamlam na ilaw. Nasa gitna ang isang itim at makintab na piano. Hindi napigilan ni Baba na tinungo ang bagay na iyon at umupo sa maliit at malambot na silyang nasa harap. "Babe, don't tell me na magpa-practice ka pa?" Tanong ni Dylan Bahagya siyang ngumiti.  "I need to check the keys," saad niya saka pumikit at nagsimulang magpatugtog. ..... NAROON si Prince Hanz sa Sydney bilang representative ng bansa niya.  Nagkaroon ng sakuna sa isang bayan ng Australia at ilang pamilya ang nasunugan, may tatlong linggo ang nakaraan.  He came here to offer help from his country. Ang grupo niya mula sa Sweden ang nakatoka sa charity na iyon. At the age of 20, he was already a founder of Grace's Wings. Isang charity group na binuo niya at ng isang kaibigan na mula sa Amerika. Sinamahan siya ng limang staff sa bansa, dalawa dito ay bodyguard.  Naglalakad sa hallway si Prince Hanz mula sa opisina ng Direktor ng gusali na iyon nang marinig ang musika na nagmumula sa loob ng concert hall.  Napatigil siya nang magsimula ang malumanay at masarap pakinggan sa tenga na mga nota mula sa isang piano. He looked at the big door 2 meters away from him.  Naaalala niya ang nota at sa iisang tao niya lang ito narinig.  Ang kalahati ng pinto ay bukas at ang kalahati ay maayos na nakalapat sa pintuan. Hindi pa kasi iyon ang oras ng charity concert.  Sumenyas siya para tumigil sa pagsasalita ang kasama.  "Prince?"  Naglakad siya sa pintuan at sumilip sa loob. Bahagyang umawang ang labi niya nang makita muli ang babae na lihim niyang hinanap nang nakaraang taon.  Hindi nga siya nagkamali na parehas na tao ang mabubungaran niya na nagpapatugtog dahil sarili nitong musika ang ginamit nito. It was her personal music.  In the past, he learned that she was a scholar from a prestigious Music School in Germany but he doesn't know her real name.  Tumikhim si Prince Hanz.  "She is?"  "She's Penelope, My Prince," sagot agad ng kasama niyang assistant na si Max. Nasa isip nito na baka hindi niya nagustuhan na ginamit ni Penelope ang Piano nang wala pa sa takdang oras.  Lumapit ang grupo ng prinsipe sa grupo ni Baba.  Pipigilin na sana ni Assistant Max si Baba nang senyasan ito ni Prince Hanz na manahimik.  Tila naiwan sa lalamunan nito ang mga kataga na dapat ay sasabihin.  May isang minuto pa bago natapos ni Baba ang musika.  Nang matapos siya sa pagtugtog ay nagulat siya na may mga tao sa paligid. May mga pumasok sa hall nang hindi niya namamalayan.  Bigla siyang napatayo dahil sa hiya.  "So-sorry," paghingi ni Baba ng paumanhin.  Madilim ang lugar na kinatatayuan ng prinsipe dahil nasa ibaba ito kaya hindi masyadong naaaninag ni Baba ang grupo ng tao na bagong pasok sa bulwagan.  "Assistant Max!" bati ng organizer na kasama ni Baba nang makilala ang isa sa mga bagong pasok.  Sinenyasan ni Prince Hanz ang assistant niya gamit lang ang paningin na ito ang magsalita at hindi dapat gumawa ng hindi nito magugustuhan.  Mabilis na kumilos ito at lumapit sa gawi nila. "I-it's okay, Ms Penelope," bago nagpunas ng namuong pawis.  "I decided to try for familiarity," saad ni Baba saka ngumiti ng matamis.  Nakakagaan sa buhay ang pagngiti niya na iyon na talagang sinadya niya para hindi siya sitahin.  "Salamat din sa pagpayag mo na sumama sa charity concert na ito."  Ngumiti lang siya at sumunod na sa mga kasama na papalabas ng bulwagan.  Prince Hanz was just looking at the girl's back. Kaiba sa suot ni Baba nang nakaraang taon na nakauniform lang ito, nakasuot lang ng light blue na bestida ang dalaga ngayon.  Mas nakakagaan sa pakiramdam ang buong pagkatao ng dalaga na para bang kahit titigan niya ito sa maghapon ay malulutas na agad ang mga problema niya sa buhay.  Lumabas sila ng hall ngunit nakasalubong muli ng grupo niya si Baba na nag-iisa na lang at tila may hinihintay.  Kasalukuyan na nagpaalam si Dylan kay Baba na sasaglit sa palikuran kaya matiyaga siyang naghintay sa pasilyo.  Hindi niya nga lang inaasahan na makakasalubong muli ang grupo ng Charity group na nakatoka sa konsyerto na iyon. Sa isang tao napatigil ang mga mata niya dahil kakaiba ang awra na binibigay nito.  Agad na namula ang pisngi niya dahil sa kakaibang titig ng lalaki na nasa gitna ng grupo. Yumuko siya para maitago ang namumulang pisngi.  Mabilis lang na dumaan at nilagpasan siya ng grupo ni Prince Hanz.  "Max, send her a bouquet of flowers after the concert," utos ni Prince Hanz sa kasama. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD