CHAP 3. YOU HAVE A DAUGHTER?

1461 Words
"LORENZ?"  Sabay silang napatingin dito. Umasim ang mukha ni Baba nang makilala ang prinsipe.  Bahagyang kumunot din ang noo nito nang mamukhaan si Baba.  "Lorenz, hindi ko akalain na kilala mo ang stalker ko noon," nakahalukipkip na saad ni Baba "Stalker?" Saka nito nilingon si Prince Hanz, "Maybe you are wrong. He is Prince Hanz. He is Sandra's cousin."  Bahagya namang lumingon muli si Baba at tiningnan muli ang prinsipe.  Baka nga nagkamali lang siya!  "Prince Hanz, she's my Ate Baba. She's a family," pakilala ni Lorenz "Oh! Akala ko nambababae ka na e." Nagtaas ang kilay ni Baba. Bago magbalak si Baba na magpakasal sa matalik niyang kaibigan noon, may isang lalaki na bumuntot-buntot sa kanya at nagpapadala ng bulaklak sa concert niya bilang isang piyanista, mahigit sampung taon ang nakalipas. During that time, she asked protection from Dark Guards dahil maraming nagpapadala sa kanya ng kung anu-ano.  Looking at Prince Hanz's eyes, gusto niyang isipin na ibang tao nga ang nasa harap niya ngayon. Pero ang berdeng mata nito ay katulad ng sa lalaking iyon. The man before is not a prince but an ordinary businessman. The Prince looked at her deeply tila may inaalala sa nakaraan. Tumikhim si Baba dahil bahagya siyang hindi napalagay sa titig nito. Binawi naman nito ang tingin dahil mukhang nabasa nito ang galaw niya. "I just want you to know that Sandra was doing good," baling ng prinsipe kay Lorenz. Bahagyang gumaan ang mood ni Lorenz matapos madinig na ayos lang ang lagay ng asawa niya. "Thank you. Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" tanong ni Lorenz. Bago pa sumagot si Prince Hanz, isang lalaking nakasalamin ang tumawag dito. "Chairman!" Sabay-sabay silang napalingon sa lalaki. Namumukhaan ni Baba ang lalaki bilang ito ang madalas niyang kausap sa auction na iyon, saka siya lumingon kay Prince Hanz. "You are the chairman of this auction? You are Chairman Hansson?" usisa ni Baba. Nagulat din si Lorenz. Hindi niya akalain na pwede niya rin palang maging daan si Prince Hanz sa pagdalo sa auction na iyon. Narinig niya kay Mat-mat na Hansson ang pangalan ng chairman. Pero hindi niya akalain na si Prince Hanz at ang chairman ay iisa. Pero palaisipan din kay Lorenz kung bakit hindi na lang nito binili ang singsing ni Duchess Camila kay Lady Marietta? Bakit kailangan na idaan pa sa auction? Mukhang nabasa naman nito ang nasa isip niya. "Don't look at me like I did something evil, alright? Huli ko na rin nalaman na ang Queen's ring ang share ni Lady Marietta para sa charity auction na ito. Afterall, sa ilang beses na gustong bilhin ni Duchess Camila muli ang singsing, hindi siya pumayag. I never thought she has a mood na pakawalan bigla ang singsing. Nang ma-finalize na ang lahat ng items, saka ko lang nalaman."  "Nailabas na rin sa announcement ang mga items kaya wala na akong chance na makipag-negosasyon pa kay Lady Marietta," mahabang paliwanag ng prinsipe. "However, I never thought na hahayaan mo kay Princess Latifa ang singsing." Pumalatak lang si Lorenz at hindi na nilawakan pa ang eksplanasyon. Gusto niyang biglain si Duchess Camila sa pagbalik niya sa tahanan nito. Kaya hahayaan niya na lang si Prince Hanz sa gusto nitong isipin. Masakit na ang paa ni Baba sa heels na suot kaya nag-isip na siya ng dahilan para makabalik sa apartment. "My daughter is waiting for me, let's go," bulong niya kay Lorenz. Ayaw niya nang intindihin pa ang prinsipe. Ngunit hindi nakaligtas ang mga sinabi niya sa pandinig nito. "Oh! You have a daughter?" usisa nito na nakakunot ang noo. Hindi sumagot si Baba. Hindi naman kasi sila close ng prinsipe. Hindi rin naman ugali ni Lorenz na makialam. Her daughter is a secret kaya wala siyang karapatan na makisawsaw sa personal nitong buhay. "Please excuse us Prince Hanz, we have to go," paalam ni Lorenz kay Prince Hanz. Halata na ayaw sila nitong pakawalan. "Hmm… Alright. Bago ka bumalik sa Sweden, let me invite the two of you sa isang dinner. You can bring your husband and your daughter." Hindi na sumagot pa si Baba. isang simpleng ngiti naman ang sinagot ni Lorenz bago tuluyan na lumabas ng hotel. Nag-iisip ng malalim ang prinsipe habang nakatingin sa likuran ng dalawa. "Arthur, please investigate Penelope. Why have I never heard from someone that she has a daughter?" Iba't-ibang imahe ang mga lumitaw sa isip ni Prince Hanz habang nakatingin sa seryoso at magandang mukha ni Penelope na naghihintay ng sasakyan. He will never forget what happened that night. Hanggang sa sumakay na lang ito sa sasakyan at mawala na lang ito sa paningin niya. ..... TINUNGO ni Prince Hanz ang suite na nakalaan sa kanya sa hotel na iyon. Bumigat ang pakiramdam niya matapos makita muli si Penelope.  Pumikit siya matapos umupo sa isang couch at hinayaan na ireport sa kanya ang total donation na nakalap mula sa mga mahahalagang bagay ng iba't-ibang personalidad na dumalo para sa auction na iyon.  Bilang prinsipe, trabaho ni Prince Hanz na protektahan ang bansa niya at ang mamamayan.  Nitong mga huling taon, tumaas ang rate ng cancer at heart patients sa itaas ng bahagi ng Europe at hindi sila nakaligtas. Kaya nagtipon-tipon ang iba't-ibang bansa at siya nga ang inilagay para mamuno.  "Penelope's three most precious paintings sold for 10 million euro," pagbibigay-alam alam ni Arthur na assistant niya.  "The Queen's ring has been sold for 60 million"  At sinabi ang iba pa, "Prince, the total donation we sold this afternoon reached 1 billion euro"  "Very good!"  Tumayo siya mula sa couch. "I want to be alone. Send me a nice wine."  Tumango ang lalaki bago lumabas ng silid kasama ang bodyguards niya.  Tinungo niya ang shower room at binabad ang sarili sa ilalim ng tubig. Para bang bumabalik sa pandinig niya ang sinabi ni Penelope na may anak na itong babae.  She has a daughter, samantalang siya ay napag-iwanan ng panahon.  Nagsalin siya ng alak at binitbit ang kopita malapit sa bintana. Tumingin sa labas ng floor-to-ceiling window para pagmasdan ang labas. Nagliliwanag sa gitna ng madilim na gabi ang Eiffel tower na nasa harapan ni Prince Hanz.  Saka niya naalala ang kwento ni Penelope. The first time he met her was when she was still in her twenty.  Nakasuot lang ito ng uniform, nakapusod ng maayos ang buhok. A typical student look.  Kasama nito ang Daddy nito na si Kyle na nagsagawa ng konsyerto sa Berlin.  He was 24 and preparing his role as a Prince at that time.  In order to protect him and Penelope, he introduced himself as a businessman. Isang taon ang lumipas, they met again in a different country. Then, they've met again and again na para bang pinagtatagpo sila ng tadhana. Then, he watched all of her works. Kahit anong klase pa. Kahit mga paintings, or a concert or a jewelry design.  He then started to sent her flowers kahit nasaan pa si Penelope.  Nagpapadala din siya ng email dito para makipagpalitan ng mensahe na para bang nag-uusap sila sa personal.  Until he reach almost 30, pero hindi niya maipakilala ng maayos ang sarili dito ng personal dahil sa kalaban. He offended someone. A terrorist.  Hindi pa rin siya nagsawa na padalhan ito ng mga bulaklak sa mga konsyerto na ginaganapan nito. At mag-email continuously.  Then one day, nang mapagdesisyunan na niya na ipakilala ang sarili ng maayos, hindi siya nakadalo dahil umatake ang mga terorista sa isang probinsya sa Sweden.  Walang paraan para unahin niya ang sariling kagustuhan kaysa sa problema sa bansa kaya umuwi siya nang biglaan sa Sweden.  Because of this, she accused him of being a p*****t.  A stalker! Dahil hindi siya nagpakilala ng maayos kahit isang beses sa loob ng maraming taon.  He was always silently looking at her figure on stage. O kahit pa kung ano ang ginagawa nito sa buhay.  Until he started to received threats mula sa kalabang terorista na sasaktan ng mga ito si Penelope.  Para protektahan si Baba, he agreed to date women while he could continue to watch her. Para malipat ang atensyon ng terorista na ito sa ibang babaeng nakakasama niya ng literal. But one day, their eyes met in a hotel lobby.  She looked at the person who was beside him.  "I can see that you are doing great. Not just a stalker, but a womanizer!" may laman na bintang ni Penelope bago siya inirapan.  Hindi alam ni Prince Hanz kung kailan pa nito nalaman na siya ang lalaki na nagpapadala ng bulaklak dito. Maybe because their eyes are always met.  Nang araw din na iyon, nakatanggap muli siya ng mensahe. They drugged Penelope. Inutusan niya ang buong hotel na walang lalabas o papasok sa loob para masiguro ang kaligtasan nito. Her manager is the accomplice. Sa takot nito sa kanya, sinabi rin nito kung saang kwarto naroon si Baba.   Mabuti na lang at nakaabot siya na nailigtas ito. She was almost r***d by two men.  Pero nang gabi na iyon siya mismo ang sumira sa pagkatao nito.  Then, in the middle of the night. He was summoned again by his parents. An attack came again in another province.  Nabalitaan niya na lang isang araw na ikakasal na si Penelope. Matapos iyon, parang bula na biglang naglaho ang babae. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD