CHAP 2. THE QUEENS'S RING

1562 Words
MATAPOS ang ilan pang mga bagay na nilabas for bidding, dumating din sa wakas ang inaabangan ni Lorenz na Queen's ring. "It's the Queen's ring which features a five carat blue, square-cut, sapphire center stone, and 10 smaller diamonds set in platinum. It was said that this has been created during the 15th century and passed through generations to the youngest daughter of the Queen." "bidding starts at twenty million." Pagbibigay-alam ng master of the auction. May nagtaas agad ng numero para bilhin ang singsing, pero mabilis na may nagtaas muli para sa twenty five million. Ito ang mga babaeng nagsipaglapitan kay Lorenz bago magsimula ang bidding. "Thirty million!" Sigaw ng isa pa habang tinaas nito ang numero na hawak. "Thirty five million!" Parang sumakit ang ulo ni Lorenz. Normal na magustuhan ng mga babaeng ito qng singsing. Hanggang sa umabot siya ng forty million. "Forty million!" sigaw ni Lorenz. "Oh! Sir Lorenz wants the ring." "Maybe he will give it to Lady Sandra" "Oh! How lucky!" "We have to give it to him, no matter what" mga usapan ng Tres Marias na parang bumuo ng fans club ni Lorenz. Tila tinulungan naman siya ng mga ito dahil hindi na nakipagtalo pa ang mga babae nang marinig na binibili niya ang singsing sa halagang forty million. Pero nagulat sila nang may sumigaw na iba para bilhin din ang singsing. "Forty five!" sigaw ng Prinsesa ng Dubai. Sabay-sabay na napalingon ang mga babae sa prinsesa. "Forty five million and one hundred thousand!" sigaw ni Lorenz. Baba "..." "Fifty Million!" sigaw muli ng prinsesa. Matalim ang mga tingin na ipinukol dito ng mga babae. Gusto nilang lasunin bigla ito. Pero isang pag-ngisi lang ang sinagot ng prinsesa sa mga babae. There was no way na may gawin sila dito lalo at napakarami ng bodyguards nito sa tabi. "Why did she become so shameless?!" Galit na sabi ng isa. "Yeah, I know right!" But all they could do is glance at the princess coldly. Inis talaga sila dito kahit noon pa dahil sa mataas nitong personalidad. Lorenz is also gritting his teeth. "Fifty Million and one hundred thousand." Naaaliw sa kanya ang prinsesa kaya bahagyang napangiti ito habang nakatingin sa kanya. Nakuha rin nito sa wakas ang tanong kung ano ang gusto ni Lorenz. Akala kasi ng prinsesa ay naroon si Lorenz para sa brooch kaya nito binili ang bagay na iyon sa halagang limang milyon. "Fifty five million!" "Fifty six million!" Baba "..." "Sixty million!" sigaw ng prinsesa. Hindi alam ni Lorenz ang gagawin. Gusto niyang sunugin ang singsing sa oras na iyon! Para siyang mauubusan ng hangin. Dignidad na niya bilang lalaki ang nakasalalay kaya para siyang mauubusan ng lakas. Nag-vibrate ang cellphone ni Baba. Binasa nito ang mensahe at tumingin sa gawi ng prinsesa. Hinawakan siya ni Baba sa braso. "You have to stop. Trust me!" "But…" parang tatakasan ng kulay si Lorenz. "Just trust me" nakatingin sa kanya si Baba na seryoso ang mga mata. Tumango si Lorenz. Kahit pa nga hindi bukal sa kalooban niya na hayaan ang singsing na mapunta sa kamay ng iba. "Going once, going twice? Sold for sixty million to the princess!" He felt bad. Malapit na rin na sumakit ang ulo niya. Nagpaalam siya kay Baba na magpupunta muna siya ng wine bar kaya tumayo siya, tinungo ang lugar at nanghingi ng maiinom. Nawalan na siya ng gana na ipagpatuloy pa ang auction dahil ang singsing lang naman talaga ang pinunta niya doon. Masama talaga ang loob niya sa nangyari dahil parang pinabayaan niya na lang basta ang singsing na mapunta sa kamay ng iba. This is not him. But he trusted Baba. Ilang saglit pa, natapos din ang auction. "Let's go!" Aya ni Baba sa kanya. Nakakunot ang noo ni Lorenz na sumunod dito. Tinungo nila ang elevator. Gusto sana na magtanong ni Lorenz kung saan sila pupunta pero pinigilan niya ang sarili at hinayaan na lang na dalhin siya ng mga paa. Bumaba sila sa 6th floor ni Baba. Isang mahabang pasilyo na maraming pintuan ang bumungad sa kanila. He asked kung gaano karami ang kwarto sa hotel na iyon. Matapos iyon naglakad muli sila nito at huminto sa dulong pintuan kung saan may dalawang lalaki na nagbabantay. "I'm Penelope," pagbibigay-alam ni Baba sa dalawang lalaki. Mabilis na binuksan nito ang pintuan at pinatuloy sila sa loob. Isang magarang kwarto ang bumungad sa kanilang dalawa. The room was filled with a nice scent. Katamtaman lang din ang lamig. Hindi ganoon kaliwanag ang mga ilaw sa kwarto dahil nakakalat ang mga dim na ilaw sa buong paligid. Hindi nakakasilaw at hindi rin naman madilim. Pero mas nabigla si Lorenz na makita ang prinsesa na nakipagtalo sa kanya sa bidding sa loob ng kwarto na iyon. Maayos na nakasandal sa isang malambot na couch. It was covered with fur. He could tell that this room was designed for her personally. Maybe she owns this room. Ngayon ay may ideya na siya kung bakit siya pinigilan ni Baba na tapusin na ang halaga ng bid sa sixty million. "Good afternoon, princess," bati nila sa babae. Sinabi nito agad ang pakay kung bakit sila pinapunta doon. "I need your help, I'll give you the Queen's ring once you succeed in the mission," sabi nito kay Lorenz. "I want you to be my baby's donor," hiling ng prinsesa.  Baba "..." Lorenz "..." Bahagya itong yumuko na tila nahihiya. Ang kanina ay matapang at aroganteng anyo nito ay napalitan ng isang babaeng namumula ang pisngi sa harap nila ni Baba.  "Once I got pregnant… I- I will give you the Queen's ring," dagdag nito. They knew what she meant. She will keep him hanggang sa mabuntis ito. Pero paano kung hindi ito mabuntis? Saka hindi nanaisin ni Lorenz ang hiling nito kahit pa mabuntis ito sa unang pagkakataon.  Hindi alam ni Lorenz kung ano ang sasabihin sa prinsesa. He was really speechless.  He knew that he was popular with ladies recently. But to the point of donating his sperm?  Ngunit hindi basta lang pagdodonate ang nais ng prinsesa. She wants to have body contact with him. Does he look like a stag or a male p********e in her eyes?  Aminado siya na maganda ang prinsesa. Kayumanggi ang kulay ng balat na binagayan ng itim na itim na buhok nito na maayos na nakapusod kaya hindi niya alam kung gaano iyon kahaba. Her long lashes were like butterfly wings. She also has a perfect figure.  Humugot ng malalim na hangin si Lorenz. "Princess, you are still young. There were a lot of princes around the world and I'm not one of them... I'm sorry, but I don't want my wife to get hurt from having the thought that I'll be having another kid with another woman's womb. And most of all, I respect my wife so much." "But... she would not know about it," katwiran nito.  Pinagmasdan muli ni Lorenz ang prinsesa. Sa tingin ni Lorenz ay naglalaro sa bente tres hanggang bente singko ang edad nito. Malakas ang dating nito pero malungkot ang mga mata.  "Princess, I'm sorry. I'm not the right person you were looking for… I trust and respect my wife the way she does to me." "But what about the Queen's ring? Don't you want it anymore?" tanong nito na parang gusto nang magmaktol. Tila isang bata na hindi maibigay ang kagustuhan nito. Aminado si Lorenz na mahalaga ang Queen's ring sa kanya, pero mas mahalaga sa kanya ang damdamin ni Sandra. It's true na wala siyang mukha na maihaharap kay Duchess Camila dahil pinabayaan niya ang singsing nito sa kamay ng iba. Pero mas wala siyang mukha na maihaharap sa asawa niya kung sakali na pagtaksilan niya ito.  "I'm sorry…" ang huling nasabi ni Lorenz. Natahimik ang prinsesa. Hindi nito matanggap na tinanggihan ito ni Lorenz.  Halata sa anyo na masama ang loob nito.  Tinapos naman ni Baba ang mahaba niyang katahimikan. Nakikinig lang siya sa pagitan ng usapan ni Lorenz at ng Prinsesa at sobrang amused siya sa gustong mangyari ng huli.  "Princess, if one day your prince charming came, how can you explain about your child? Having the child is a beautiful experience but giving him a family... is a different story" bahagyang pumiyok si Baba dahil naka-relate siya sa bagay na iyon. Pinilig niya ang ulo para makabawi.  Mabilis niyang kinalimutan ang personal na dalahin. Naroon siya para tulungan si Lorenz.  "How about I'll create a new ring for you in addition to 'Midnight' in exchange for the Queen's ring? Afterall, the Queen's ring has been owned by various princesses in the past."   Mabilis naman na nabago ang mood ng prinsesa. "Really? You are giving me the 'midnight' plus a ring?"  Hindi nito akalain na ang Midnight na ilang beses nitong hiniling kay Baba ay mapupunta sa kamay nito. Hindi rin naman mura ang midnight dahil napalilibutan ito ng mga itim na diyamante. Pero ayaw ni Baba na magkaroon ng problema si Lorenz laban sa prinsesa kaya nagawa niyang alukin ito ng isa pang singsing.  Tumango si Baba "Yes."  "Well, if that's the case, I am happy to give you the ring," masayang saad nito.  "Thank you!"  Nakahinga naman si Lorenz matapos na pumayag ng prinsesa. Ngayon niya nakita ang kakayahan at estado ni Baba sa mata ng mga taong ito.  They treated her works like a precious daughter.  Bago lumabas si Lorenz at Baba ng hotel, bitbit na nila ang Queen's ring.  "How much do I owe you?"  "Nah! Your three Dark Guard protecting my daughter is enough."  "I'm not the one who pays them." "Haha.. If that's the case ireto mo na lang ako sa isang matipunong prinsipe. Ayos ba iyon?"  Naisip niya si Prince Philip na matipuno nga pero bakla naman sa totoong buhay. Huwag na lang!  Bago sila tuluyang makalabas, nakasalubong nila si Prince Hanz na pinsan ni Sandra.  May dalawang bodyguard na nakasunod dito. Nakakunot ang noo nito nang makita siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD