Naging tahimik ang buong Linggo ko na ayaw ko na masundan ng buwan o maging taon. Wala pa rin si Arthur, walang paramdam. Hindi rin siya napasok sa school. Marami na ang nagtatanong kung bakit nawawala siya – pero nawawala nga ba? Lahat ng tanong patungkol sa kanya, sa akin ipinupukol. Gusto kong sabihin na maging ako, walang ideya sa lokasyon ng aking kaibigan. Wala man lang siyang iniwan na ideya kung nasaan nga ba siya. Wala rin akong contact sa mga magulang niya. Ano bang problema, Arthur? Mag-isa ako ngayon sa park. Nag-iisip ng malalim tungkol sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa pagiging unfair ng mundo. Bakit kailangang magdusa? Bakit kailangang pahirapan muna bago maging masaya? Can’t we just be happy? “Buhay nga naman,” bulong ko sa hangin habang nakatingin sa lupa. “Pagod